Athena's POV
Madaling araw pa lang ng magising na ako at agad na naligo. Maaga akong aalis ng bahay para hindi ako maabutan ni Heiden sa bahay dahil ang sabi niya kagabi susunduin niya ako at sabay kaming papasok sa school.
'Tsk! Ayaw ko nga sumabay sa lalaki na yon!'
d>>__<<b
Pagkatapos kong maligo ay agad na akong nagbihis at umalis ng bahay. Dahil maaga pa naman ay tatambay lang muna ako kahit saan basta sa lugar na hindi ako makikita ni Heiden.
Nandito naman ako tumambay sa may 24 hours lugawan at saka dito na rin ako nag-breakfast.
Mga pasadong 7:00am ako papasok sa school at saka mag-aalas sais pa lang kaya sobrang aga ko pala nagising!
'Kaya pala inaantok pa ako!'
d>>__<<b
Nung mag-aalas siyete naman na ay umalis na ako sa lugawan at saka na ako pumasok ng school kaso pagkapasok ko bigla kong nakita si Heiden na nasa labas nakaupo at panay tingin niya sa wrist watch niya.
Iginala ko naman ang mata ko at saka naghanap ng ibang daan para hindi ko siya makasalubong papasok ngayon kaso iisang daan lang ang meron sa may mismong entrance lang.
Napapikit na lang ako kaso agad din ako napamulat ng maisip ko na sasabay na lang ako sa mga estudyante na papasok ngayon at kapag humalo ako sa mga tao ay hindi na niya ako mapapansin.
Tama!
Kinuha ko naman sa bag ko yung i.d ko kasi need pang ipakita yon sa guard bago ka papasukin at para siguraduhin na sa Brentwood College University ka nga nag-aaral.
Pagkapasok ko naman sa loob ay nakita ko pa rin na nakaupo pa si Heiden at panay pa rin ang tingin niya sa wrist watch niya. Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya baka kasi makita pa niya ako at nung nakalagpas naman na ako sa kanya ay saka lang ako napahinga ng maluwag lalo na nung nakapasok na ako sa classroom namin.
Mayamaya pa ay dumating na rin yung Prof namin at nag-discuss lang naman siya at saka nagpa-quiz samin. After naman ng first and second subject namin ay lunch time na pero hindi naman ako pupunta sa canteen dahil baka nandun si Heiden.
Sa library na lang ako tatambay!
Ayaw ko naman tumambay sa classroom dahil baka puntahan niya ako. At kaya ayaw ko lang naman siya makita dahil naiinis ako sa ginawa niya kagabi nung...
NINAKAWAN NIYA AKO NG HALIK!!!
d>>__<<b
Bwesit siya! Hindi niya ba alam na first kiss ko yun! Napaka-manyak niya!
Hindi ko naman namamalayan na parang mapupunit na yung librong binabasa ko dahil naalala ko ang ginawa ni Heiden kagabi na pagnakaw niya ng halik sakin!
Hays! Baka pagbayarin pa ako ng librarian dahil lang nasira ko yung libro ng library dahil sa inis ko kay Heiden!
d>>__<<b
Sinara ko na lang yung libro na binabasa ko at saka ko na lang yun binalik sa pinagkuhanan ko kanina.
Napatingin naman ako sa relos ko at tapos na pala ang lunch time namin at siguradong nasa classroom na rin si Heiden at hindi niya na ako makikita.
Naglakad naman na ako papuntang pinto at saka ko hinawakan yung door knob at saka yon binuksan kaso halos malaglag ang mata ko at pati ang puso ko dahil sa gulat ng bumungad sakin si Heiden!!!
dO__Ob
d-.-b
Walang emosyon yung mukha niya pero matalim ang tingin niya sakin dahilan bigla na lang ako na lang ako napalunok pero ang ikinagulat ko ng bigla siyang nagsalita.
BINABASA MO ANG
My badboy lover
Fiksi RemajaSimple lang ang buhay ng isang Athena Robles at halos lahat ay humahanga sa taglay niyang katalinuhan at kagandahan ngunit paano kung ang kilala mong mayabang at badboy sa campus niyo ay walang ginawa kundi pumasok lagi sa magulong mundo? pero kahit...