Heiden's POV
Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay nila Athena at halos araw-araw din ako pumupunta dito para hanapin siya kaso hindi naman siya lumalabas.
At dahil nakakainip umupo muna ako malapit sa may puno at aantayin ko na lang si Athena lumabas mamaya.
"Hijo? Sino ang inaantay mo?"
Nabigla naman ako ng biglang may matandang babae akong narinig na nagsalita sa tabi ko. Napatingin naman ako sa matandang babae na yon kaya tumayo ako.
"Ahm may inaantay lang po."Sagot ko naman. Bigla ko naman naalala na siya yung kapitbahay nila Athena.
"Sino? Yung magandang babae ba ang hinahanap mo, hijo?"Takang tanong ng matandang babae dahilan para mapatango agad ako.
"Opo, siya nga po"Agad na sagot ko sabay ngiti kaso biglang napabagsak ang balikat ng matandang babae dahilan ng pagkataka ko.
"B-bakit po?"
"Nako hijo, iba na ang nakatira diyan at saka matagal ng nakalipat ng bahay ang dating nakatira riyan"Sagot ng matandang babae na nagpatigil sa mundo ko.
Hindi na nakatira dito si Athena? Lumipat na sila ng bahay? Saan? Kailan?
Sunod-sunod na tanong sa aking isip pero hindi ko magawang itanong ng personal.
"Hindi mo ba alam na matagal-tagal ng ibinenta nila itong bahay?"
"H-hindi ko po alam"Tulala kong sagot.
"Nako sayang naman. Mukhang malayo na ang tinitirhan nila ngayon at saka nababalitaan kong lumipat na rin ng ibang Universidad ang bata na iyon. Teka? Nobyo ka ba niya?"Tanong pa ng matanda dahilan para matauhan ako.
"Ahm g-ganun po ba...pasensiya na po hindi ko kasi alam"Sagot ko na lang saka ako tumalikod.
Bakit niya ako iniwan? Bakit hindi siya nagpaalam na aalis na pala siya?
"Hijo? Nobyo ka ba ni Athena?"
Natauhan naman ako ng marinig ko na nagsalita ulit ang matandang babae kaya napaharap ako.
Anong isasagot ko?
"A-ahm...h-hindi po"Sagot ko na lang saka na ulit ako tumalikod at umalis.
Pagkadating ko naman sa bahay agad akong nagkulong sa kwarto ko at bigla na lang may luhang tumulo sa mata ko pero agad ko rin yon pinunasan.
Bakit ba kasi hindi siya nagpaalam sakin?
dTT__TTb
Hays! Dapat pala noon hindi ko na lang siya tinaboy!
Saan kaya sila lumipat? Nasaan na kaya siya ngayon?
Kaya pala ilang beses na ako pabalik-balik sa kanila yun pala wala na sila dun. At kaya rin pala hindi pamilyar sakin yung mga taong nakikita ko sa kanila na akala ko bisita lang nila na kamag-anak nila sa malayo.
Hays ang tanga mo talaga Heiden!
d>>__<<b
Paano ko na siya makikita kung wala na siya dito?
Paano ko ba malalaman kung nasaan siya ngayon? At paano ko ba malalaman kung saan na siya nakatira ngayon?
Bigla ko naman naalala na may number nga pala ako sa kanya kaya agad kong kinuha phone ko na nasa kama ko dahil iniwan ko ito kanina saka ko tinext si Athena.
Mga 5 minutes ko inantay kung magre-reply siya kaso hindi manlang siya nagreply kaya tinext ko ulit siya at nag-antay ulit ako kung magre-reply siya kaso hindi talaga siya sumasagot kaya inis kong binato yung phone ko sa kama at napabagsak na lang din ako sa kama saka ko pinikit ang mga mata ko.
Mayamaya pa biglang tumunog ang phone ko at bigla akonng natuwa at magkaroon ng pag-asa na baka sumagot na si Athena sa text ko sa kanya kaso nadismaya ako at nawala bigla ang ngiti sa labi ko dahil si Troy lang pala nag-text at nagsabing sabay kaming pumasok bukas ng office.
Hindi ko naman sinagot si Troy at nakaramdam na lang ako ng lungkot at posible sa iniisip ko na baka ayaw na ako kausapin ni Athena o baka naman nagbago na siya ng number.
Hindi ko na alam kung makikita ko pa siya ulit dahil wala naman na akong ideya kung nasaan na ba siya ngayon.
Gusto kong umiyak kaso walang luha ang kumakawala sa mga mata ko.
Napabangon na lang ako sa kama ko at tinext ko na lang si Troy at Zac.
Gusto kong mag-inom ngayon at gusto kong ibuhos lahat ng sakit ma nararamdaman ko ngayon.
At gusto kong may dinadamayan ako sa lungkot ko na 'to.
Nagbihis naman na ako saka umalis ng bahay.
Athena's POV
Nasa 35 chapter pa lang ako ng binabasa kong 'Hello, Stranger' By Wolfski1996 dahil sobrang dami ng kabanata na yon hanggang 300 chapter.
Maganda nga siya saka sa simula pa lang ng story maganda na yung story niya.
Magaling na Author pala yun Wolfski1996 na yon na nakilala ko nung isang araw sa bookstore.
Ang simula kasi ng story niya nagkakilala sila sa isang park saka wala pa naman ako dun sa sinabi nung lalaki na may amnesia yung babae.
Basta nagkakilala muna sila saka nagsisisi rin ako na bakit tinanong ko pa kung anong story ba 'to edi sana hindi na ako na-spoil!
d>>__<<b
malapit ko na matapos ang chapter 35 at sa susunod na kabanata na ako ng bigla naman tumunog phone ko kaya itinigil ko muna ang pagbabasa ko saka ko kinuha ang phone ko na nasa side table.
Binuksan ko naman phone ko at may message pala sakin si mama.
"Anak, wag ka ng magluto may dala akong pagkain"-Mama
"Okay po"Reply ko naman saka ko tinabi na ulit yung phone ko at binasa ko na ulit yung story.
Mukhang mapupuyat ako ng magdamag nito ah.
mga 7:15pm ng dumating si mama kaya kumain na muna kami at pagkatapos naman namin kumain pinagpatuloy ko na ulit ang pagbabasa ko kahit na may pasok pa ako bukas.
Nasa 63 chapter na ako at kapag lalong tumatagal ang story paganda na ng paganda yung story niya at saka mabilis din ako magbasa kaso masakit na sa mata kaya kailangan ko na munang magpahinga at bukas ko na lang ipagpapatuloy ang pagbabasa ko.
Humihikab na rin kasi ako kaya tinabi ko na yung libro saka ko inoff yung lamp shade ko hanggang sa makatulog na rin ako.
–
Please don't forget to
VOTE. COMMENT & FOLLOW!Thanks a lot!
d^^,b
BINABASA MO ANG
My badboy lover
أدب المراهقينSimple lang ang buhay ng isang Athena Robles at halos lahat ay humahanga sa taglay niyang katalinuhan at kagandahan ngunit paano kung ang kilala mong mayabang at badboy sa campus niyo ay walang ginawa kundi pumasok lagi sa magulong mundo? pero kahit...