Athena's POV
'Ang sabi ko gusto kita'
'Ang sabi ko gusto kita'
'Ang sabi ko gusto kita'
'Ang sabi ko gusto kita'
'Ang sabi ko gusto kita'
'Ang sabi ko gusto kita'
'Ang sabi ko gusto kita'
'Ang sabi ko gusto kita'
'Ang sabi ko gusto kita'
'Ang sabi ko gusto kita'Natulala na lang ako dahil sa sinabi ni Heiden pero naiisip ko na nagbibiro lang siya at saka kilala ko na yang style niya na bolero!
d-.-b
Akala naman niya siguro mabobola niya ako...hmp!
"Alam mo baka nagugutom ka lang tsk"Inis kong sabi at saka na ako tumayo at humakbang kaso napatigil ako sa paghakbang ng marinig ko ang boses niya.
"Hindi naman ako gutom lalo na kapag nakita kita busog na ako"Rinig kong sabi niya at gusto kong matawa dahil ang corny niya. Napahinga naman ako ng malalim at saka lumingon sa kanya.
"Ang corny mo! Ang sabihin mo maarte ka lang talaga! Oops! Tapos na pala ang pagpapanggap kaya uuwi na ako. Bye!"Sabi ko at saka na rin ako nagpaalam at akmang tatalikod na ako ng magsalita ulit siya.
"Hatid na kita"Sabi niya dahilan para mapatingin ulit ako sa kanya at saka ko siya sabay na tinaasan ng kilay.
"Wag na! Hindi naman ako kinder para ihatid mo pa"Sabi ko at tuluyan ko na siyang tinalikuran at saka umalis.
'Tsk! Papakitang tao ka na naman!'
"Okay, text mo ako kapag nakauwi ka na ah"Rinig kong sabi niya pero hindi ko siya pinansin. "Good night! I love you hehe mamahalin pa kita"Rinig ko pang sabi niya pero napairap lang ako at patuloy na naglakad.
'Mahalin mo muna sarili mo!'
Pagkadating ko sa bahay ay agad akong napaupo sa sofa at saka ipinikit ang mga mata ko kaso agad din akong napamulat ng biglang may nag-bell kaya napatayo ako at saka lumabas ng bahay.
Halos manlaki naman ang mga mata ko dahil si Heiden pala!
"ANONG GINAGAWA MO DITO!?"Gulat na tanong ko pero seryoso lang yung mukha niya. Nagpalinga-linga naman ako baka kasi may makakita sa kanya pero nung wala naman tao ay saka ko siya hinila papasok sa loob ng bahay namin.
"Gabi na ah! Bakit ka nandito?"Gulat ko pa rin na tanong pero imbes na sagutin niya ako iginala niya pa yung mga mata niya kaya napapikit na lang ako.
"Umuwi ka na nga! Baka maabutan ka pa dito ni mama!"Inis na sabi ko dahilan bigla siyang napatingin sakin.
"Pwede ba akong matulog dito?"Tanong niya. Bigla naman nanlaki yung mga mata ko.
"Bakit ka naman dito matutulog!? Baka naman hanapin ka sainyo?"
"Tsk! Never akong hahanapin sa amin"Ngisi niyang sabi at saka siya umupo sa sofa at akmang magre-react naman ako ng bigla na niyang ipinikit yung mga mata niya.
Pinagmasdan ko naman siya at pansin ko ang tangos ng ilong niya at ang maamo niyang mukha.
'Dapat pumikit ka na lang palagi para magmukha kang anghel!'
Napahinga na lang ako at saka akmang tutungo na sana ako sa kusina para uminom na lang ng tubig kaso napansin ko na namumula yung mukha niya.
Dahan-dahan naman akong lumapit sa kanya at saka ko hinipo yung noo at leeg niya pero nanlaki na naman ang mga mata ko dahil sobrang init niya!
Tinapik tapik ko naman siya sa pisngi."Heiden, may sakit ka ba?"Tanong ko habang tinatapik ko pa rin yung pisngi niya pero hindi siya sumagot.
Napabuntong na lang ako at saka nagtungo sa kusina para magpakulo ng mainit na tulog at saka kumuha din ako ng towel sa taas para ipangpunas sa kanya.
BINABASA MO ANG
My badboy lover
Teen FictionSimple lang ang buhay ng isang Athena Robles at halos lahat ay humahanga sa taglay niyang katalinuhan at kagandahan ngunit paano kung ang kilala mong mayabang at badboy sa campus niyo ay walang ginawa kundi pumasok lagi sa magulong mundo? pero kahit...