Athena's POV
2 weeks later...
Naglalakad ako dito lang sa loob ng village dahil boring sa bahay saka balak kong sa playground tumambay tutal hapon naman na ngayon.
May nakasalpak sa tainga ko na earphones para soundtrip na rin habang naglalakad ako.
Habang nasa kalagitnaan naman ako ng paglalakad bigla na lang ako napahinto sa paglalakad ng bigla kong makita si Heiden sa labas ng bahay nila nakatayo habang nakatingala sa langit at nakapikit ang mata niya.
Pinagmasdan ko lang siya pero ilang saglit lang napansin ko na minulat na niya ang mata niya bigla na lang siya napatingin sa pwesto na kinatatayuan ko ngayon kaya agad akong umiwas saka nagsimula na ulit naglakad.
Malapit naman na ako sa playground pero feeling ko parang may sumusunod sakin kaya napahinto ako sa paglalakad at dahan-dahang humarap sa likuran ko at halos bumilis ang tibok ng puso ko ng bumungad ang mukha ni Heiden na seryosong nakatingin sakin.
"B-bakit?..."Nagtataka at gulat kong tanong ngunit hindi niya ako pinansin at bigla na lang niya ako nilagpasan.
Natulala naman ako saglit saka ko sinundan siya ng tingin at parang natusok naman ang puso ko ng maraming karayom ng makita kong magkasama na sila ni Alexandra.
Kaya pala siya sumusunod sakin dahil magkikita lang pala sila ni Alexandra.
Nanatili muna akong nakatayo at pinagmamasdan sila na nagngingitian at sobrang sweet. Napabuntong na lang ako saka dahan dahang tumalikod at umalis.
Ayaw ko naman mag-stay doon habang nakikita sila saka ayaw kong magmukhang bitter.
Tsk bitter ka na nga eh!
Hindi muna ako dumeretso sa bahay kundi lalabas na lang ako ng village at tatambay na lang ako sa coffee shop.
Nag-para naman ako ng jeep saka sumakay. Mga 5 minutes lang siguro nasa coffee shop na ako dahil malapit lang naman yun sa village namin.
Pumasok naman na ako sa coffee shop saka nagtungo sa cashier para umorder.
"Hello, ano nga pala yung best seller niyo dito?"Tanong ko sa lalaki na nakatalikod. Dahan dahan naman siyang humarap at halos manlaki ang mga mata ko dahil si Zac pala.
"Zac?!"
"Athena? Ikaw pala! Long time no see hehe"Nakangiti niyang sabi. Ngumiti rin ako.
"Dito ka nagtatrabaho?"Tanong ko ulit.
"Nope. Kami may-ari nitong coffee shop"Sagot niya dahilan para mapanganga ako.
"So kayo pala may-ari nito? Edi may discount ako kapag umorder?"Biro kong sabi pero bigla na lang siya natawa.
Sampu ang table dito sa loob ng coffee shop at medyo malaki rin ang pwesto pero may apat silang customer bawat table.
"Sure"Sagot niya habang natatawa saka siya lumabas ng counter.
"Anong gusto mo? Libre na lang kita"Sabi niya. Napalunok naman ako.
"Kahit ano...ikaw bahala pero dapat umorder na lang ako"Sagot ko naman pero umiling lang siya.
"Aysus! Ako na manlilibre kaya umupo ka na muna doon. Sasabihin ko lang sa staff namin yung order ko saka ako naman magbabayad kaya wag kang mag-alala hehe"Sabi niya kaya wala naman ako nagawa kaya umupo na lang muna at aantayin ko na lang siya.
Mga 30 seconds saka siya bumalik at umupo. Magkaharap kami ngayon at bago siya magsalita bigla naman dumating yung order. Nang umalis naman ang waiter na nagdala ng order niya saka naman siya nagsalita.
BINABASA MO ANG
My badboy lover
Teen FictionSimple lang ang buhay ng isang Athena Robles at halos lahat ay humahanga sa taglay niyang katalinuhan at kagandahan ngunit paano kung ang kilala mong mayabang at badboy sa campus niyo ay walang ginawa kundi pumasok lagi sa magulong mundo? pero kahit...