Athena's POV
1 month later...
Nakikinig naman ako sa discussion ng Prof namin ngayon sa History.
Palakad-lakad at pabalik-balik lang siya habang nagsasalita. Nagta-take down notes naman ako sa mga importanteng sinasabi niya kahit napaka bilis niyang magsalita pero mabuti na lang nasusundan ko siya.
Ang topic namin ngayon ay tungkol sa Spanish Colonial Period in the Philippines.
"The Spanish colonial period of the Philippines began when explorer Ferdinand Magellan came to the islands in 1521 and claimed it as a colony for the Spanish Empire The period lasted until the Philippine Revolution in 1898"Paliwanag na sabi ng Prof namin.
Babae ang Prof namin sa History subject na kamukha ni Miss Minchin at saka mukang strict din siya.
"The U.S. then fought Spain during the Spanish-American war and took possession of the Philippines, which prompted the Philippine-American war that took place from 1899 to 1902."Patuloy na paliwanag niya tapos bigla siyang tumigil sa paglalakad at tumingin sa amin lahat ng sobrang seryoso kaya ang iba kong mga kaklase napapayuko na lang.
"I have a questions...What happened during Spanish colonization in the Philippines?"Nakataas kilay na tanong ni Miss at nagpa-cross arms pa siya habang pinapadyak ang mga paa niya at nag-aantay kung sino ang sasagot sa tanong niya na yon.
Tumingin-tingin naman ako sa mga kaklase ko at lahat sila nakayuko maliban sakin na nakaangat lang ang ulo at pinagmamasdan sila.
Tumingin naman ako kay Miss sabay taas ng kamay.
"Yes, Miss Robles?"
Tumayo naman ako.
"Ahm Miss...the happened during Spanish colonization in the Philippines is... began with the arrival of Miguel López de Legazpi's expedition on February 13, 1565, from Mexico. He established the first permanent settlement in Cebu. Spanish rule ended in 1898 with Spain's defeat in the Spanish–American War. The Philippines then became a territory of the United States."Sagot ko naman.
"Very good Miss...sit down"Medyo nakangiting sabi ni Miss kaya ngumiti na lang din ako ng konti saka umupo.
"Well, I have a question on my myself... How many years the Spanish colonized the Philippines? Well, the answer is... 333 year (During Spain's 333 year rule in the Philippines, the settlers had to fight off the Chinese pirates (who lay siege to Manila, the most famous of which was Limahong in 1573), Dutch forces, Portuguese forces, and indigenous revolts.)"Sabi ni Miss at siya na rin ang sumagot sa tanong na yon.
Bigla naman nag-bell mean time na namin at susunod na subject naman ngayon namin ay Purposive Communication.
"Good morning class?"
"Good morning, Miss"Bati naman namin.
"The topic today is about Communication. So who knows about communication?"Nakangiting tanong ni Miss.
Mabuti pa 'to sa English subject namin mukhang mabait na Prof at palangiti.
Nagtaas naman ng kamay yung kaklase kong lalaki.
"Ma'am?"
"Yes, Mr. Aquino?"
"Communication is simply the act of transferring information from one place, person or group to another. Every communication involves (at least) one sender, a message and a recipient. These include our emotions, the cultural situation, the medium used to communicate, and even our location."Sagot ng kaklase namin.
"Very good Mr. Aquino. Sit down, please, thank you"
"Ahm Why is communication important? Ibang students naman para makasagot yung iba..."Nakangiting tanong at sabi pa ni Ma'am.
Nagtaas naman ako ng kamay.
"Yes, Miss Robles?"
"Good communication skills are essential to allow others and yourself to understand information more accurately and quickly. In contrast, poor communication skills lead to frequent misunderstanding and frustration."Sagot ko naman at ngumiti naman sakin si Miss.
"Very good Miss Robles. Sit down, thank you"
Umupo naman ako at nagtawag pa ng ibang students si Ma'am para sagutin ang iba pa niyang mga tanong.
Apat na subject lang naman meron ako at after naman ng English subject namin maglu-lunch break na kami.
***
Pauwi na ako ngayon kaso parang gusto kong mag-mall muna ngayon dahil wala naman ako gagawin sa bahay.
At dahil nga boring sa bahay nag-mall nga muna ako.
Nagikot-ikot lang ako at syempre may nakita akong bagong labas na libro sa bookstore. Mukhang ngayon ko lang 'to nakita na bagong labas na libro.
My boyfriend is a badboy?
Bigla ko naman naalala si Heiden at naalala ko rin na nagpanggap kaming mag-boyfriend girlfriend na kalaunan ay nahulog na ako sa kanya at aamin na sana kaso...
Binalikan niya pa si Alexa.
Napabuntong na lang ako at saka ko binalik yung libro na yon. Naghanap na lang ako ng ibang libro kahit na gusto ko yon mabasa kaso baka maalala ko na naman siya.
May nakita naman akong libro na hindi ko pa naman nababasa kaya kinuha ko yon saka ko binili.
Mukhang maganda yon basahin dahil sa title palang nung libro mukhang kikiligin na ako na maiiyak.
Hello, Stranger.
Hindi ko alam kung ano na lang naiisip ng mga Author na title dahil minsan corny pero kapag binasa mo sobrang ganda pala.
Nabasa ko naman yung pangalan ng Author at lalaki pala nagsulat 'non.
Si Wolfski1996?
Astig ng pangalan ng Author na 'to ah!
"Alam mo bang ako nagsulat niyan"
Halos mapatalon naman ako sa gulat sa lalaki nagsalita sa tabi ko at pagtingin ko naman hindi ko siya kilala kaya umiwas na lang ako kaagad sa kanya.
"Ah eh talaga ba? A-anong story ba nito?"Tanong ko.
"Tungkol sa isang lalaki na nainlove sa babaeng hindi naman niya kilala. Sa isang babaeng stranger. After naman nila ma-meet ang isa't isa unti-unti na silang nafa-fall sa isa't isa kaso ang nakakalungkot lang dun dahil yung babae may boyfriend na pala. And yung babae kasi may amnesia tapos hindi niya alam na yung lalaki na yon na nakilala niya ay ex niya pala. Tapos ang ending...hindi sila nagkatuluyan dahil bigla na lang nawala yung babae na parang bula. Diba ang sad ng story?"Paliwanag na sabi naman nung lalaki na nakilala ko lang ngayon.
Malungkot nga yung story at sana pala hindi ko na lang tinanong.
d>>__<<b
"So anong masasabi mo sa story? Bilhin mo na yan para naman matuwa akong may nagkaka-interes pa palang nagbabasa sa story ko."Rinig kong sabi niya. Napahinga naman ako ng malalim.
"Bakit mo naman naisipang mag-published ng ganyang kalungkot na kwento?"Tanong ko na lang.
Narinig ko naman napabuntong siya."May babae kasi akong schoolmate na laging mag-isa at ayaw niyang makipag-usap sa iba.
Hindi ko siya kilala pero lagi ko siyang nakikita"Sagot naman niya. Napatango-tango na lang ako.Napatingin naman ako sa orasan ko at kailangan ko na palang umuwi.
"Ahm bibilhin ko na 'tong libro. Alis na ako kasi nagmamadali na ako"Paalam kong sabi ng hindi pa rin tumitingin sa kanya.
Tumalikod na ako saka ko muna binayaran sa cashier yung binili kong libro at pagkatapos non ay umalis na ako sa mall na yon saka umuwi na ng bahay.
–
Please don't forget to
VOTE. COMMENT & FOLLOW!Thanks a lot!
d^^,b
BINABASA MO ANG
My badboy lover
Teen FictionSimple lang ang buhay ng isang Athena Robles at halos lahat ay humahanga sa taglay niyang katalinuhan at kagandahan ngunit paano kung ang kilala mong mayabang at badboy sa campus niyo ay walang ginawa kundi pumasok lagi sa magulong mundo? pero kahit...