Chapter 14

42 2 0
                                        

Athena's POV

Kakatapos lang ng klase namin at lunch time namin ngayon...

Sa canteen ang punta ko ngayon malamang!

d-.-b

Nagutom ako sa puro sagot sa tanong ng Prof namin kanina sa Science at ang nakakaloka pa dahil tinanong kung ano ang SOLAR SYSTEM at ang SOLAR SYSTEM PLANET!

Pero syempre nasagot ko yon eh ang dali lang kaya nung tanong kaso nagpanic lang ako dun sa agad na tanong ng Prof.

Naalala ko din noon na si Prof Santos yung teacher namin sa science at math na ngayon ay Prof na rin sa college.

Pero ang nakakaloka talaga ang tanong ni Prof na what is solar system?

(What is Solar System?: The Solar System is the gravitationally bound system of the Sun and the objects that orbit it, either directly or indirectly. Of the objects that orbit the Sun directly, the largest are the eight planets, with the remainder being smaller objects, the dwarf planets and small Solar System bodies.)

(What are the planets in the solar system?–There are eight planets in the solar system. The four inner terrestrial planets are Mercury, Venus, Earth, and Mars, all of which consist mainly of rock. The four outer planets are Jupiter, Saturn, Neptune, and Uranus, giant planets that consist mainly of either gases or ice. Pluto was considered the ninth planet until 2006, when the International Astronomical Union voted to classify Pluto as a dwarf planet instead.)

(What's our solar system called?
Sun = Solar—Our solar system is simply called The Solar System.)

Naglalakad naman na ako ngayon at madadaanan ko ang classroom nila Heiden. Nauuna rin kaming mag-lunch sa kanila.

'Sana naman hindi niya ako makita'

d>>__<<b

Habang naglalakad pa rin ako sa kalagitnaan ng daan at bigla naman akong may nakasalubong na magandang babae.

Maputi, makinis ang balat, matangkad, matangos ang ilong, mapula-pula ang labi at higit sa lahat sobrang ganda.

Natulala naman ako saglit pero agad din natauhan ng bigla niya akong tanungin."Classmate mo ba si Heiden?"Malumanay na tanong niya.

Parang anghel yung boses niya.

"H-huh?"

"I said kung classmate mo ba si Heiden?"Tanong niya ulit. Agad naman ako napailing.

"H-hindi...bakit mo naman natanong kung kaklase ko yun?"Sagot at tanong ko naman na sabi saka sabay na napalunok.

"Ahm actually...he's my boyfriend"Sagot niya. Nagulat naman ako dahil sa sinabi niya na yon.

'Pang ilang girlfriend kaya ni Heiden 'to?'

"Ah...ganun ba hehe hindi k-ko kasi alam sorry hehe"Sagot ko naman na parang nahihiya pa.

Nahiya o napahiya?

"Ahm okay lang–———"Hindi naman niya natapos yung sasabihin niya ng biglang may nagsalita sa likuran ko at kilala ko ang boses na yon.

Si Heiden!

"Hey!"

d-.-b

Napalingon naman ako sa likod ko at si Heiden nga na nakangisi na ngayon. Nagulat naman ako dahil bigla niya akong inakbayan kaya agad kong inalis yung kamay niya sa pagkakaakbay sakin.

"Wag mo nga akong akbayan diyan!"Reklamo ko naman sa kanya pero pabulong lang yung pagkasabi ko baka kasi marinig nung girlfriend niya.

Tsk!

"Excuse me, girlfriend kit———"Hindi naman natapos ni Heiden yung sasabihin niya ng biglang nagsalita yung babae na girlfriend niya.

"Heiden, kanina pa kita hinahanap kasi itatanong ko lang yung classroom kung nasaan. Diba magkaklase tayo?"Sabi nung babae. Napatingin naman ako kay Heiden at salubong yung kilay niya.

"Alexa, bakit hindi mo na lang tinanong sa mga nakakasalubong mong students kung nasaan ang classroom diba?"Sagot naman ni Heiden. So Alexa pala pangalan nung girlfriend niya? Pero bakit ang attitude naman atang sumagot ng Heiden na 'to?

Kala ko naman hindi babae kausap eh! Sabagay ganyan din naman yan sakin may attitude na hinding hindi mo talaga magugustuhan ever!

Napatingin naman ako kay Alexa at biglang lumungkot yung mukha niya. Nagulat naman ako ng bigla niyang hinawakan kamay ni Heiden pero inalis ni Heiden kamay ni Alexa sa pagkakahawak sa kanyang kamay.

"Bakit ba hindi ka pa rin makapag-move on? May iba na akong mahal and please stop chasing me"Seryosong sabi ni Heiden at nagulat naman ulit ako ng bigla niyang hawakan yung kamay ko.

"H-Heiden, I-I love you..."Nanginginig na sabi ni Alexa at napansin ko na biglang may luhang tumulo sa mata niya.

Bigla naman agad ako nakaramdam ng awa sa kanya at inis naman para kay Heiden.

'Marami na sigurong napaiyak 'tong Heiden na 'to na mga babaeng nagiging ex niya? Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit ganyan na lang siya sumagot sa girlfriend niya'

Pilit ko naman inaalis ang kamay ni Heiden sa pagkakahawak niya sa kamay ko pero mas lalo niya yun hinihigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Bitiwan mo nga kamay ko Heiden———"Hindi ko naman natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang niya ako hinila at naiwan naman si Alexa na umiiyak na ngayon.

Nakalayo na kami ngayon at inis ko naman hinila kamay ko sa pagkakahawak sakin ni Heiden."Hoy! Wag mo nga ako dinadamay diyan sa kagaguhan mo! Imbes na makapag-lunch na ako ngayon eh...Hays! bahala ka na nga diyan sa buhay mo!"Inis na sabi ko at tinalikuran ko na siya at akmang hahakbang na rin ako ng bigla naman siyang nagsalita.

"Hindi ko siya girlfriend..."Rinig kong sabi ni Heiden. Bakas sa din sa tono ng boses niya ang panginginig nito. Dahan-dahan naman ako napaharap sa kanya.

"Ex-girlfriend ko na lang siya... Hanggang ngayon kasi mahal niya pa ako, pero kung ako ang taganungin mo kung mahal ko pa ba siya...hindi na, hindi ko na siya mahal kahit sobrang minahal ko siya noon. So move on, forget your past, forgive yourself, and begin again right now... Kasi kapag inalala mo ulit masakit lang diba? At patawarin mo rin ang sarili mo kung sinisi mo ang puso mo kung bakit siya pa yung minahal mo. Tao lang naman kasi tayo at walang perpekto at higit sa lahat patawarin mo ulit ang sarili mo kung bakit nagawa mo yung bagay na hindi mo dapat ginagawa"Seryoso ngunit may bakas ng lungkot sa mukha na sabi ni Heiden.

Bigla naman ako natulala dahil sa sinabi niya at nakaramdam ng awa dahil sa sinabi niya.

"A-ano bang kasalanan ginawa mo at bakit kailangang patawarin mo pa ang sarili mo?"Sa wakas ay nakapagsalita at tanong na rin ako. Bigla naman siya napabuntong at tumingin sakin ng deretso.

"Yung mga bagay na hindi ko dapat ginagawa tulad ng pangti-trip ko"Agad na sagot niya.

Huh?

"Yung kahit marami ka ng maling nagawa pero kailangan mo pa rin patawarin sarili mo dahil mismong sarili ko rin naman may problema kung bakit kailangan patawarin ko sarili ko. Sabihin na lang natin na nakukunsensiya ako sa nagagawa ko pero..."Huminto muna siya sa pagsasalita at napabuntong ulit.

"Pero nangyari na"Patuloy niyang sabi.

"Hindi ko maintindihan"Sagot ko na lang.

"Sige, ibahin na lang natin. Sa tulad ng sinabi ko na forget your past, forgive yourself, and begin again right now. Sasabihin kong forget your past, begin a new life and be contented. Yan dapat ang gagawin ko ang magbago dahil...may isang taong nagpabago sakin at nagpamulat kung sino talaga ako"Seryoso pa rin niyang sabi.

"So ibig mo bang sabihin may taong nagpabago sayo? Pero sino?"Takang tanong ko naman.

"I-ikaw"






Please don't forget to
VOTE. COMMENT & FOLLOW!

Thanks a lot!

d^^,b

My badboy loverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon