Zac's POV
Naglalakad ako ngayonpapunta sa soccer field dahil gusto kong tumambay doon at magbasa.
Habang naglalakad ako kinuha ko naman yung phone ko sa bulsa ng pants ko para itext si Troy.
"Bro? Nasaan ka? Pupunta akong soccer field*send*"
Pagkatapos kong isend yon ay saka naman ako nandito na sa soccer field. Iginala ko mga mata ko pero mabuti na lang walang tao ngayon kaya naglakad na ako para maghanap ng mas mapreskong lugar kaso napatigil ako ng makita ko si Athena na nakaupo habang may hawak na libro at parang nagbabasa siya.
Lumapit naman ako sa kanya saka umupo sa tabi niya.
"Ano yang binabasa mo?"Nakangiti kong tanong kahit hindi pa naman siya lumingon sakin.
"History book"Sagot niya. Napansin ko na parang matamlay siya.
"Ayos ka lang? May masakit ba sayo o baka naman may sakit ka?"Nag-aalala kong tanong pero hindi siya sumagot.
Napabuntong na lang ako saka sumandal at tumingin na lang sa malayo.
"Alam mo bang hilig mga tao maging alone? I mean mas gusto pa nilang makapag-isa malayo sa mga tao dahil...ayaw nila ng magulo"
"Parang ako...ayaw ko ng magulo pero napapasok talaga kami sa gulo dahil sa kalokohan ni Heiden. Gusto ko ng tahimik at gusto ko makapag-isa kaya nagpupunta ako sa tahimik na lugar kaso kahit saan naman ako magpunta maingay pa rin"Tumingin ako kay Athena.
"Pero mas maganda rin pala na may isang tao kang kasama kapag nag-iisa ka dahil feel mo na hindi ka nag-iisa."Pagkasabi ko non saka siya napaangat ng ulo at sinara ang libro na binabasa niya saka tumingin sakin.
"Lumaki ka bang alone?"Takang tanong niya. Ngumiti naman ako.
"Mas gusto ko kasi yung maging alone talaga at kung saan talaga ako belong."Sagot ko. Napansin ko naman ang pagtataka sa mukha niya.
"Saan ka ba dapat belong? Diba sa mga tao?"Takang tanong pa rin niya pero ngumiti lang ulit ako.
"Hindi lahat belong sa tao dahil minsan toxic din sila. Alam mo yung namimili lang sila ng kakaibiganin yung dapat pakikinabangan ka nila. Si Heiden at Troy sila lang tunay kong kaibigan dahil hindi sila namimili ng kakaibiganin nila."Sagot ko.
"Edi belong ka...tao naman sila kung saan ka belong sa kanila. Ah baka ayaw mo lang sa mga taong toxic at maaarte kasama. Ako nga walang kaibigan at saka noon akala ko talaga na mayabang kayo at mahirap pakisamahan pero nung nakilala ko kayo ng lubusan naging kaibigan ko kayo--------Ay! Oo nga pala, ikaw lang pala nakipag kaibigan sakin"Sabi ni Athena. Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Mabait naman ako at ganun din si Troy pero mas mabait at mapagbigay talaga sa amin si Heiden noon kaso nga lang nagbago lang talaga siya pero sana bumalik ang dating siya. Yung Heiden na masayahin kasama, yung mahilig manlibre at kahit kailan hindi mawawala ang kalokohan sa kanya at ang mas gusto namin sa kanya sa oras ng problema lagi siyang nandiyan...hays! Nagbago lang talaga yun dahil sa ex niya na iniwan lang naman siya pero hindi ko lang alam kung mahal niya pa yun kasi sa tuwing tinatanong namin siya ni Troy kung mahal pa ba niya si Alexa ang sagot niya hindi. Pero feel ko talaga na mahal niya pa rin pero kung ako sa kanya wag na niyang balikan dahil sinaktan na siya pero depende na lang sa kanya kung tanga pa siya. Tsk! Ewan ko ba dun minsan parang ewan talaga siya"Mahaba kong sabi saka ako tumingin kay Athena na napabuntong lang.
"Mahal niya pa yon"Biglang sabi ni Athena. Pansin ko na parang malungkot siya.
Bigla ko naman naalala na nagpapanggap nga pala sila ni Heiden pero bigla ko na lang naisip na baka wala na talaga feelings si Heiden kay Alexa at baka may gusto na siya kay Athena?
BINABASA MO ANG
My badboy lover
Roman pour AdolescentsSimple lang ang buhay ng isang Athena Robles at halos lahat ay humahanga sa taglay niyang katalinuhan at kagandahan ngunit paano kung ang kilala mong mayabang at badboy sa campus niyo ay walang ginawa kundi pumasok lagi sa magulong mundo? pero kahit...