Kabanata 5

4K 244 214
                                    

Date

Taas-noo kong binalita sa kanila ang tugon ni Sergio kinabukasan. Kahit na may kaonting pangamba at pagkapahiya, pinili ko na lang na lunukin ang mga 'yon.

"Totoo?!" Jessy was wide-eyed.

Tumango lang ako.

"You actually did it," manghang sabi ni Jelo.

Si Patrick naman ay tawang-tawa kaya paminsan-minsang nakukuha niya ang atensyon ng mga taong dumadaan dito sa student center kung saan kami tumatambay.

Hinampas ni Viel ang braso niya para mapatahimik ito.

"What did you do?"

"Sinunod mo ang magazine?"

"Baka gusto ka niya?"

I almost snorted at the last question. Hindi ako kailanman magugustuhan ni Sergio. Siguro bilang kaibigan. Kung hihigit pa roon, imposible.

I shrugged at their questions.

"Wala naman. I just casually asked him if we can... go out."

"At pumayag agad?" usisa ni Ana.

"Yeah. Pumayag naman. He doesn't reject girls, remember?"

What a joke. His acceptance is the rejection itself. 'Yon yung tipong hindi ka pa nga nakakagalaw, kinakadena ka na sa dapat mong kalalagyan. Bobo na lang ang hindi makakaintindi sa pinapahiwatig niya.

Sergio is not the type that you should date if you're looking for something temporary. He's quite traditional and very old-fashioned. Kaya hindi tumatalab sa kanya ang pasimple kong mga galaw.

"So, saan kayo magdidate?"

Napaisip na ako kung saan. Hindi ko lang alam kung mahilig ba siya sa mga dula. Ayoko sa movie theater. Masyadong mahal. Ako ang nag-aya kaya baka ako na lang din ang magbayad.

"We're seeing a play."

Umarko ang kilay ni Jessy at Viel sa naging tugon ko.

"What? Your first date is in a play? Ayos ka lang? That's too boring!"

"Most girls already brought him to movie theaters and malls. Sobrang usual na," palusot ko.

Totoo rin naman, e. Halos lahat ng mga naka-date niya ayon sa sabi-sabi, palaging movie theaters ang punta o 'di kaya'y sa mga mall. Gusto ko sana ng picnic. Pero parang ang weird naman noon lalo pa't hindi pa naman kami ganoon ka-close para mag-picnic.

At nangingilabot ako sa tuwing naiisip kong naglalatag ako ng kumot sa damuhan habang siya'y bitbit ang mga basket kung nasaan ang aming mga pagkain.

I unconsciously shook my head, which earned confused looks from Ana and Jessy.

"Ano'ng nangyari sa 'yo diyan?"

"Wala," iling ko.

"Anyway, you have to prepare!"

Umiling si Patrick sa suhestiyon ni Viel. Prente siyang nakaupo habang pinagkrus ang dalawang binti at dalawang braso.

"'Wag mong siputin, Wave."

"What?"

"Huh? What do you mean?"

Maging ako'y nangunot ang noo sa sinabi ni Patrick. Hindi sisiputin? Para saan pa ang pagpapansin ko kay Sergio nitong mga nakaraang linggo kung 'di ko siya sisiputin?

Lumawak ang ngisi ni Patrick.

"'Wag mong siputin. And see if he approaches you first the next day to ask kung bakit hindi ka dumating."

Shot Through the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon