Kabanata 16

3.2K 184 84
                                    

Selfish

"Five, six, seven, eight!"

The routine began.

Kakabalik lang namin para sa panibagong academic year, balik na rin sa nakakapagod na routine bilang miyembro ng dance troupe.

Hinihingal pa ako kahit tapos na ang panghuling round ng practice. But I kept going. Kahit na umalis na halos lahat, nanatili ako sa studio para gumawa ng panibagong choreography na kailangang sundin sa susunod na practice.

I know I'm overdoing this. But I badly want to keep my mind off from things I don't wanna think about.

Sweat dripped. I wanted water. And yet I found myself not knowing when to stop.

"Wave? Wave?" tawag ng kung sino.

Hindi ako lumingon. I just kept dancing.

"Wave!" sigaw nito sa tenga ko.

Bahagya akong nairita. I spun around and saw that it was Viel. Her frown equaled mine.

"Ano na? 'Di ka na lalabas dito? Tapos na ang practice! Mamaya ka na bumalik sa hapon. Let's have lunch!"

Umiling ako. Binalik ko ang atensyon sa music player at magpapatugtog na sana nang magsalita na naman si Viel.

"Mamaya na nga 'yan. Wala namang nang-pressure sa 'yo. Si Austin nga na bukas 'yung choreo ngayon pa lang gagawa."

I didn't listen to her.

"May problema ka ba?"

To say that I'm surprised is an understatement. Ni minsan, hindi ko narinig na naging kuryuso si Viel sa buhay ko. O na may pake siya sa kung sino man sa aming grupo. We do our own shit alone.

Again, I just shook my head and continued.

"Fine! Kung gusto mong mabali lahat ng buto mo, kain muna ako sa canteen."

Siniguro kong nakaalis na siya nang tuluyan bago ko pinabagsak ang katawan sa sahig nitong studio. I feel nauseous. I want to vomit. Walang-tigil ako sa pagsayaw ng ilang oras. Normal na 'to sa akin kapag may gusto akong kalimutan.

Sergio tried to talk to me earlier. Pero mabilis pa sa alas kwatro ang pag-iwas ko. Kahit na ilang ulit niya akong tinawag, kumaway lang ako at nagmamadaling umalis.

Kanina rin, nag-aya si Aurel na makipag-date ulit. Inayawan ko agad.

It's been two weeks since I returned. It's also been two weeks since I felt like a mess.

Samu't saring isipin ang bumabagabag sa akin. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong problema. Sa pagsasabay ng lahat, gulong-gulo na ako.

I took a deep breath and sat up straight. I can't go on like this. Kailangan tuloy pa rin ang buhay. Kahit ano pa 'yan, kailangan kong itaguyod 'tong buhay na 'to.

I dragged my feet off the studio. Padarag kong kinuha ang bag ko at inayos ang mga gamit bago lumabas. Napasandal pa ako sa pinto ng studio gawa ng pagod. Halos maubos ko ang tubig kanina sa dalawang litrong jar na naiwan sa loob.

Pumikit ako nang mariin at bumuntong-hininga.

Pero bago pa ako makahakbang ng isang beses paalis, nakita ko na si Sherry na nakangiti sa direksyon ko at kumakaway.

I wore a weary smile for two things. One is I'm tired. And the other is I'm also tired of having to listen to her talk about Sergio nonstop.

Iniiwasan ko nga, siya naman ang palagi mong gustong pag-usapan. And I don't even know when she started hanging out with me. Nabigla na lang ako dahil palagi siyang sumasabay sa akin.

Shot Through the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon