Kabanata 6

3.7K 246 227
                                    

Rain

Mahigpit ang hawak ko sa strap ng tote bag. Naghihintay ako ngayon sa labas ng SG office dahil gusto kong makausap si Sergio tungkol sa nangyari.

I distracted myself a bit by looking at the posters on the bulletin board. The first thing I saw was the picture of the beautiful Sherry Guytingco who won this school year's pageant. Nag-iwas ako ng tingin mula roon.

I closed my eyes tight and sighed heavily. I leaned against the metal railings, still clutching the strap of the tote bag.

"Just tell him you've been busy," suhestiyon ni Ana.

Before coming here, I thought of asking them for advice. Dahil hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko. I feel like my nervousness will give the truth right away.

"Won't that be too obvious? E, si Wave ang nag-aya. So why would she forget?"

"No. Actually, it's good. She's showing him na she's not that desperate, na may iba pa siyang inaalala. Just do it, Wave," ani Viel.

And so, here I am.

Pinagkrus ko ang aking mga braso. Nagsisimula nang mangalay ang mga paa ko sa kaka-tayo. Pero alam kong wala akong karapatang magreklamo. I don't even know if he waited that long for me. Siguro'y matapos ang ilang minuto na wala ako, umalis na rin siya. No one really waits for long.

Still, I couldn't help but feel bad. Hindi ko alam kung saan nanggagaling 'to. Hindi naman ako naging ganito nang lokohin ko ang mga taong nakapalibot sa akin tungol sa estado ng buhay na mayroon ako.

Isang kalampag ng pinto ang pumutol sa iniisip ko. Nakita ko siya sa pintuan na may hawak na isang karton ng mga cartolina, nakatingin sa akin.

I slowly made my way to him. He blinked before putting the box down to face me properly. Hindi ako makatingin nang maayos sa kanya.

"Where are you off to?" paunang bati ko.

"Stockroom. May ilalagay lang doon."

I bit my lip. Based on his answer, and that gentle way of talking, I do not have the slightest idea of what he feels. Kung galit ba siya, o nagtatampo, o malungkot—hindi ko alam kung alin diyan.

Huminga ako nang malalim.

"Uh, sorry. I was busy... kaya, hindi ako nakapunta. I-I was working on something," I stammered.

"It's alright."

I forced myself to look at his face, to see if he really meant it. But once I did, I quickly averted my gaze.

"Ayos lang talaga. I-I did not wait long," he looked away.

His tone is as gentle as ever. Na para bang wala lang ang hindi ko pagsipot sa kanya.

And I don't know if I should be relieved when he said that it's alright and he didn't even wait long for me or be bothered by the same things.

Hindi ko mapigilang isipin na siguro nga ay katulad lang din ako ng mga naunang mag-aya sa kanya. Mahirap mang aminin sa sarili ko, umasa akong kahit konti ay may pinagkaiba ako sa kanila.

Ngumiti ako. Ngumiti rin siya sa akin. It's the first time I saw him smile brightly at me. Kaya namangha ako. Lahat 'ata ng gagawin niya, namamangha ako.

At sa pagkamangha ko, may nasabi na naman akong hindi ko dapat sinabi.

"How about... we go on another friendly date? After the s-short break? Gusto ko lang bumawi."

I knew I was done for.

Huli na nang mapagtanto ko ang sinabi kong pagbawi sa kanya. Wala 'yon sa plano ko. Kaya saan 'yon nanggaling?

Shot Through the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon