Kabanata 50

3.8K 221 62
                                    

Contact

I couldn't sleep.

I tossed and turned in my bed. It's been hours. Mag-aalas dos na rin ng madaling araw. Pero ganito pa rin ang naiisip ko.

Bumagabag sa aking isip ang napag-usapan namin ni Sergio. Lalo na ang tungkol sa mga sulat na sinasabi niya. Ni isa, wala akong natanggap. Tandang tanda ko pa, e. Matapos naming maghiwalay, nanatili pa kami roon sa Basco ng ilang linggo bago ang apoy. At ang sabi niya'y nagsulat na siya pagkalapag nila ni Sherry sa ibang bansa.

But... does that change anything between us?

May mababago ba? May mangyayari bang taliwas sa planado na? Mag-iiba baa ng kapalaran naming dalawa?

We're done. Matagal nang natuldukan ang lahat ng namamagitan sa amin.

Ngunit kapag nakikita ko siya sa malayo, o sa malapitan, palagi akong napapaisip ng mga bagay na hindi ko na dapat pang pagbigyan ng atensyon. Dahil bukod sa mali, huli na ang lahat.

What if we didn't break apart? What if we ran away? What if we fought for the love that we had?

Ang daming napapatay na kasalukuyan dahil sa mga tanong na 'yan. Ang daming nakakulong sa nakaraan at kinakalimutan ang kung ano ang nangyayari ngayon. Ang daming nasasawi.

And I refuse to be like them.

Iniwasan ko rin si Sergio. Nung bayaran na sa lupa, ni-send ko na lang ang pirma ko sa sekretarya niya at ang bayad diniretso ko na sa bank account. Bayad na rin ang tax. At akala ko makakalusot na ako nang sinabi kong may sakit ako bilang rason.

Ngunit hindi 'yon nangyari. Ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko ang sasakyan niya sa tapat ng gate nitong villa, may dala-dalang gamot at isang mangkok na lugaw.

My heart... warmed.

This is something that only Sergio did my whole life.

Walang palya 'yon. Araw-araw. Hanggang sa sinabi ko na sa note sa labas na okay na ako. Saka lang din siya tumigil.

"Tatawagan ka na lang po namin para sa exact time. Hindi kasi namin alam kung kailan magiging available ang conference hall para sa meeting."

I sprayed perfume on my neck and wrists before answering.

"Okay. But if I can't answer, i-text niyo na lang sa akin ang details. Maraming salamat."

"Sige po!"

I was in the middle of getting ready when they called. Pupunta ako sa presinto ngayon dito sa Basco para tignan kung maaari na ba akong bumisita kay Tatay doon sa Ivana.

Hindi ko pa lubos na naitanong sa sarili ko ang tungkol dito. Pakiramdam ko, kulang pa ang labing-isang taon. Para sa akin, aabutin ako ng habang-buhay kakahanda sa sarili ko. And it shouldn't be the case. We don't have that luxury of preparing. Because this world is infinitely cruel. It will strike in your most vulnerable moment at any second.

"Ay naku, Ma'am. Pwede naman po. Pero kasi... si Enriquez, high-profile inmate po. Kaya hindi maaaring basta-basta na lang kayong pupunta roon sa San Vicente."

Nangunot ang aking noo sa narinig. Dahil ba napatay niya si Atty. Guytingco?

"Po? High-profile?" ulit ko.

Tumango naman ang officer.

"Opo. Sangkot po kasi si Enriquez sa isang sindikato sa Maynila na siyang may kagagawan ng sunog sa Tondo noong 2006 at iilan pang malalaking drug trade."

Tila nabingi ako sa narinig.

The fire in Tondo.

Kasali siya sa may gawa noon?

Shot Through the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon