Kabanata 32

3.1K 168 43
                                    

Perfect

This world is not perfect. It's not even fair. Because then, if those two fit the world as it is now, it's not life. And life... is always rough. There are smooth edges, of course. But most of the time, we walk on unpaved roads, run on difficult trails. For this is life. This is living.

Ganunpaman, ipinagpapasalamat ko pa rin ang buhay na mayroon ako. I have my mother, my siblings, the people who are willing to help us no matter what. And also Sergio.

Palaging may pumupunta sa amin na mga napagtrabahuan ni Nanay noon at mga kaibigan niya para magbigay ng kaonting tulong. Hindi man kami nanghingi, kusa silang nagbibigay.

Minsan, nagigising na lang ako na may kumakatok sa pinto at mag-iiwan ng mga gulay o 'di kaya'y prutas. Mayroon namang iba na nagbibigay ng karne o isda. Ang mga kaibigan ni Nanay at dating mga amo ay nag-alok ng kaonting tulong pinansyal.

Hindi rin nagpahayag ng pagtutol ang mga kapatid ni Nanay nang sabihin niyang dito muna kami maninirahan hangga't hindi pa nabebenta ang lupa. They even offered to help us build the house, to which my father strongly declined.

Despite the storm, a rainbow is at the end of it. Though not entirely visible, the faint streaks are there. We just have to help Him color it a bit.

"Aw!" daing ko.

Nagluluto ako ng agahan namin dito sa dirty kitchen sa likuran. Hiwalay ang bahaging ito sa bahay, dahil ang nakaya lang naming ipatayo ay pang-isang kwartong bahay na may maliit na hapagkainan. Wala na ngang espasyo para sa sala. Basta may mahigaan lang kaming magkakapatid, sapat na.

Tumalsik pa ang mantika ng isang beses na siyang ikinatalon ko.

"You're still a bad cook."

Napalingon ako sa nagsalita at nakita si Sergio na nakasandal sa kahoy na haligi, nakahalukipkip.

Bagama't natutuwa, umirap ako sa direksyon niya.

"Hoy! Masarap kaya akong magluto!"

"Takot naman sa mantika."

Lumapit ako at hinampas siya sa braso. Tumawa siya roon at umiling.

I have not seen him for a few days. Malapit lang naman ang kanila sa amin. Subalit hindi pa rin ako naglakas-loob na puntahan siya mismo. Lalo na't mainit pa rin ang dugo ng nanay niya sa akin at pinagchichismisan pa ako ng mga trabahante nila roon. Sa kabutihang palad, umalis si Ma'am Amanda sa araw na pinapagiba ang aming bahay. Ang sabi ni Sergio'y umuwi raw pansamantala sa Bacolod.

I can freely walk around San Antonio without worrying about her.

"Kumusta? Ilang araw kang hindi dumalaw, ah?"

"You didn't come to me, either."

I flashed him an apologetic smile.

"I'm sorry. I just... I can't do it, Sergio. Mainit pa ang mga mata ng naroon sa akin. I don't want them to think of anything."

He sighed.

"I know that. Kaya rin hindi ako nagpakita. I want to give you your space. At isa pa, nahihiya ako kay Tita."

Tinabi ko ang palayok at nagpunas ng kamay.

"Why? Ano'ng ikinakahiya mo?"

He stared into space.

"It's still here. The guilt will always be here. I should have done something. Napakiusapan ko sana si Mama. You're my girlfriend. And my girlfriend's family is mine, too."

Alam kong wala sa lugar, pero pinamulahan ako sa sinabi niya. It seemed like we're married! Kahit hindi naman!

I coughed and looked away.

Shot Through the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon