Kabanata 31

3K 182 71
                                    

Start

Wala akong lakas para kumilos.

Nakatayo lang ako sa harap ni Ma'am Amanda habang pumapasok at lumalabas sa magkabilang tenga lahat ng pinagsasabi niya. Ramdam na ramdam ko ang pagkabigo, galit, at kalungkutan sa puso ko.

Bakit? Bakit kami palagi ang pinupuntirya ng mundo? Halos hilingin ko na lang sa mga sandaling 'yon na sana... sa iba naman.

I know it is selfish and insensitive. But I've had enough.

I fought against my shock and tried to calm my thoughts down one by one. Pagkatapos ay kalmado kong tinignan sa mga mata si Ma'am Amanda.

"Ano po ang patunay ninyo?"

Tinuro niya si Nanay.

"She knows. Kaya nga hindi na nanlaban sa akin."

I could only stare helplessly at my mother with questioning eyes. She shook her head in frustration.

"Tsk. A pity. But it has to be done. Kung hindi ay hinding-hindi mo titigilan ng anak ko. That should do it!" masaya niyang pahayag.

Madilim ang ipinukol kong tingin sa kanya. Bagama't nanghihina na, sinubukan ko pa ring hanapin ang mga salitang nais kong iparating.

Subalit ang tanging lumabas sa aking bibig ay isang tanong.

"At kung hindi ako lalayo?"

Makasarili na kung makasarili. Ngunit hindi ko talaga kaya.

Saglit kong tinignan si Nanay. I know she understands me. More than anyone else in this world, she knows the feeling of losing someone. And she doesn't want me to experience that.

Kaya ko pa, e. Kakayanin ko pa. Pipilitin ko ang mundo. Hanggang sa ito naman ang lumuhod sa paanan ko, gaya ng pagkakaluhod ko sa mga panahong tinatalikuran ako nito.

She took one step closer, sporting a menacing look on her face.

"If you won't, then, I might have to take every single thing away from you. Hanggang sa malugmok ka. At walang matitira sa 'yo," she carefully said.

Ni hindi ako makaramdam ng takot. Galit lang ang nasa puso ko. Galit sa mundo, sa kanya, at sa sarili ko. Sapagkat kahit gaano karami ang baril sa tabi ko, wala akong bala. Wala akong ipanlalaban sa kanya.

A familiar roar of an engine disturbed the heavy atmosphere. Agad dinala roon ang atensyon ko. Naaninag ko ang isang puting sasakyan na palaging ginagamit ni Tatay at ng mga kasamahan niya. Niluwa roon si Tatay sa front seat at halos tumakbo papunta rito. Naguguluhan man, bakas ang takot sa kanyang mukha pagkakita kay Ma'am Amanda.

"M-Ma'am..." hinihingal niyang bati.

Sa puntong 'to, wala akong ibang maramdaman para sa kanya kundi ang dismaya. Nagawa niyang itago 'to sa amin ng ilang taon. At para saan ang pera? Bakit hindi man lang kami umasenso?

I felt betrayed, too. More than anything else.

Ma'am Amanda craned her neck. "Oh, there you are! Kausapin mo ang pamilya mo. Kukunin ko na ang lupa. Ora mismo."

My father paled. Sinubukan niyang lapitan si Ma'am subalit mabilis na humarang ang guard nito sa kanya.

"M-Ma'am, baka ho may kaonting palugit pa kayo. Magsisikap ho akong bayaran 'to," pagmamakaawa niya.

Buong buhay ko, hindi ko nakita ang tatay kong nagmakaawa nang ganito. He never acted like that in front of us. He never even begged for us. Seeing him like this fueled my anger even more.

Shot Through the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon