Kabanata 29

3.1K 176 17
                                    

Risk

So far, my days have been pretty normal. Mahirap, oo. Sikat kasi itong bakeshop na pinapasukan ko sa mga turista. Pati na rin sa mga taga-rito.

Hindi lang pagkakahera ang trabaho ko. Sikat man, kakaonti lang ang mga nakatoka sa pag-asikaso sa mga customer. Kaya ako na rin ang sumasalo sa trabaho ng iba kapag nasa ibang istasyon sila.

The owner, Sir Glen, was kind enough to accept me with open arms. Pinagsumite lang ako ng iilang dokumento at tanggap na ako. The whole place is welcoming. Pati na ang mga katrabaho ko rito.

Sergio comes by here a lot. Dito sila nagmemeryenda kasama ang ibang kasamahan. Minsan, dito na rin siya nanananghalian kasama ako. Tinatawanan kami ng mga katrabaho niya. Pati na rin ng akin.

"Psst! Wave! Nandito ang jowa mo!" malakas na tawag ni Kat.

Nagpunas ako at agad na nagtungo sa mga mesa. There he was, sitting by himself with a large chocolate milkshake. He wore his favorite white long sleeve polo and black tailored slacks. Nakasalamin din siya at hawak sa isang kamay ang binabasang stocks report. The lines on his forehead were evident even from afar.

Hindi nagbago ang gupit niya. Still the same bob cut pushed back hair in a messy fringe. Napangiti ako nang papalapit na sa pwesto niya.

"What are you doing here?" lambing ko.

He looked up and instantly put away his papers.

"Reading. And I want to see you," he answered.

Saglit kong ni-check ang orasan na nakasabit sa pader. "10 minutes more. Malapit na akong mag-out. Just wait for me, okay?"

He nodded meekly.

I kissed his cheek once. He stilled at that. I grinned at him and stood. Kahit ilang beses ko na siyang nahalikan, he still felt and acted the same way. And that goes for me too. Walang nagbago.

That was my daily routine. Walang palya ang pagpunta niya rito. Paminsan-minsan, ako ang pumupunta sa kanya at maghihintay sa shed sa labas ng opisina kapag maaga matapos ang trabaho.

This day to day habit became my rest. Nakakapagod ang trabaho. Pero kapag nandiyan na siya sa labas at naghihintay para sa akin, napapawi 'yon lahat. At mas pinagbubutihan ko lahat ng ginagawa ko rito. Inspired, e.

Nang sabihin ko kina Tatay na may trabaho na ako, wala siyang sinabi at tumango lang. Kinabahan pa ako noon kung magtatanong siya kung paano. E, mainit ang dugo niya kay Sergio kaya nanahimik na lang ako.

Sergio never entered our house, as embarrassing as it is on my part. Lagi kaming lumalayo sa bahay kapag magkasama. Mabuti at wala siya sa bahay madalas at nasa ibang lugar. Kundi ay matagal nang nakatikim ng suntok 'tong si Sergio. Hindi pa naman 'to lumalaban sa suntukan.

But I'm glad he understood our situation. Ayaw kasi talaga ni Tatay. Si Nanay naman ay gustong makilala nang maayos si Sergio. Ngunit hanggang ngitian lang sila. O 'di kaya'y kaonting kamustahan. Kung higit pa roon, wala na. Minabut na lang naming umiwas sa galit ni Tatay hangga't maaari.

Even before, I've always hated getting caught up in trouble. I loved the attention and would give everything to be given the attention that I deserved. However, as much as possible, I steer away from troubles that will cost me the things I hold precious.

Hindi nga lang ako nakakailag sa mga piling pagkakataon.

Katulad nito.

"So, you're working here."

Kinailangan ko pang humingi ng paumanhin sa mga serbidora at sa manager nitong bakeshop nang tanggihan ni Ma'am Amanda ang iba pang trabahanteng nag-eentertain sa kanya. Gusto niya raw akong makausap at hindi siya aalis kapag hindi ko siya hinarap.

Shot Through the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon