Kabanata 8

3.5K 243 124
                                    

Smile

"Nak, pasensya ka na, ha? Ganoon na talaga si Senyora."

Hinagod niya ang likod ko at paminsan-minsa'y ang buhok ko naman ang hinahaplos. But my mind went elsewhere. 

I didn't have much time to take the situation in earlier. But now that I thought about it, I couldn't believe it. Hindi ko siya kailanman nakita rito sa Basco. Wala rin akong nababalita na anak sa labas ni Senyor.

The Arcozas have always been secretive. Kahit na ilang taon na sa politika, wala masyadong nababalita na eskandalo. I don't know how they handle it. But so far, they're doing a good job.

"Hayaan mo na lang 'yon si Ma'am Felistina. Sa susunod, 'wag ka na lang din munang sumama sa akin."

Nakarating na kami sa bahay bago kainin ng dilim ang natitirang araw sa kalangitan.

"Okay lang po," wala sa sarili kong tugon.

Nang hindi ko na mapigilan, maayos kong nilagay ang pera sa wallet ko bago bumaling kay Nanay para magtanong.

"Nay," tawag ko. "'Yon po ba ang... anak ni Senyor sa ibang babae? Si... Sergio?"

Kumurap-kurap si Nanay.

"Oo, bakit? 'Di mo alam?"

I shook my head.

"Hindi po."

"Hmm. Siya nga. Hindi ko siya kilala. Pero sa mukha niya pa lang at sa tunguhan nila ni Senyora sa isa't isa, 'di na mahirap na malaman. Bakit?"

"Wala po kasing bali-balita rito. Wala akong narinig na chismis."

Puamlatak si Nanay.

"Ay, 'yang mga Arcoza, hindi mo dapat binabangga 'yan! Kaya nga walang nagtatangkang pagchismisan ang gov. Kasi takot. Hindi naman sila pumapatay ng tao. Pero malalaman mo na lang sa susunod, tanggal ka na sa trabaho."

Matapos 'yon ay hindi na ako ulit nagsalita tungkol sa mga Arcoza. Is that why he's carrying the surname of Mercado? At mayaman pala siya?

Ang kilala ko lang na binatang Arcoza ay si Sinerio, na buong kabaliktaran ni Sergio. Pero naging crush ko naman noon.

Gumuhit ang isang ngiti sa labi ni Nanay.

"Akala ko magkaibigan na kayo. Paano nga kayo nagkakilala?"

"Sa school po. Ahead po siya ng isang taon sa akin."

Tumango-tango si Nanay.

"Anong kurso ba?"

"Agricultural engineering po."

"Hindi ko alam 'yan, pero mukhang malayo naman ang mararating ng kurso na 'yan. Bonus pa na mayaman na noon pa."

Sa ilang buwan kong pamamalagi sa paaralan, ni minsan ay hindi ko inakalang mayaman si Sergio. Balita kasi sa buong school ay academic scholar siya. Hind rin naman siya 'yong tipong sumasama sa mga sosyal. Lalong hindi siya nagsisikap magmukhang mayaman. At mas nahiya lang ako dahil sa katotohanang 'yon.

I slept with that thought. Now, it's Sunday. Kailangan ko na namang bumalik mamayang gabi sa Maynila para sa huling requirements at na kailangan ipasa bago kami pwede nang magbakasyon. Pati na rin ang dance competition.

"Magluto ka na, Wave. Darating na 'yong Tito mo ngayon."

"Po? Sinong Tito po?"

"Si Roberto. Tungkol na naman 'ata sa lupa."

Nagpakawala ako ng malalim na hininga.

"Hindi pa rin siya tumitigil? At alam ba ni Tatay?"

"Oo, kahit na sinabi ko nang hindi papayag ang Tatay mo. Ayaw niyang makinig, e. Hindi ko na rin pinaalam sa Tatay mo. Ayoko na ng gulo."

Shot Through the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon