Chapter Nueventa-y-Cuatro

13K 255 0
                                    

••

Elle's POV

••

"Nga pala hell.. Natatandaan kong aalis pala si Celestial sa susunod na Lingo para dumalo sa laban ng lahat ng mga gangs dito sa pinas.. Kaya mas mabuting.. Gawin mo ang pagsulong mo sa kanya bago pa siya makaalis."

Napatitig ako sa kanya ng sinabi niya iyon.

'Laban ng lahat ng mga Gangs?'

"Mag papatayan ba yan?" - seryoso kong tanong sa kanya. Umiling naman siya kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Hindi, pero ang iba ay matinik at gustong manalo kaya gagawa sila ng paraan para matalo ang kanilang kalaban.. Kung hindi ka mamatay doon, ay pwede ding 50/50 ang buhay mo." - sagot niya na nag pasimangot sa akin.

Tsk. Kasama si Nyegie dyan sa laban na iyan diba? Ang alam ko isa siyang Rank 1 doon.. Bakit may ganun pang labanan? Tsk.

"Tell me more." - sabi ko kay Forest.

Umiling naman siya. "Pero wag dito dahil baka may makarinig sa usapan natin." sabi niya kaya tumango naman ako. "Sige. Bilhin mo nalang ang kailangan mo." sabi ko.

Tumango siya at namili ng kakailanganin niya. Nagbayad kami at umalis na pagkatapos. Dumeretso agad kami sa Mansyon ni Celestial. Nag-park lang ako sa di kalayuan ng mansyon niya. Si Forest naman ay nagsimula ng mag-drawing.

Malaki talaga tong mansyon ni Celestial. Halatang mayaman siya. May dalawang Guards sa labas na nagbabantay pero sa loob mas marami pang guards na nakakalat. Ewan ko kung bakit andami niyang mga alagad, tsk. Ano yun? Pang Presidente ang feeling nya? Psh.

"Ano.. Ang Battle of all gangs.." - napatingin ako kay Forest ng magsalita siya bigla.

"Sige sabihin mo.." - I said. Tumango naman siya pero hindi siya nakatingin sa akin. Doon sa Sketch pad niya kasi nagdo-drawing parin siya.

K.A.P.E.S(Adventure/Action/Romance/Gangster/Assassin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon