Chapter Cein

14K 315 17
                                    


••

Author's POV

••

"Ako'y nagtataka kung sino ba talaga ang magulang ng isang Payne na pinatay ko. Sa dami na ng napatay ko, hindi ko na matandaan. Kaya sino ang magulang mo Payne?" - tanong ni Celestial kay Hell na nagpangisi nalang at napailing-iling sa dahilan ni Celestial.

Tinanggal ni Hell ang kanyang maskara gamit ng kanan niyang kamay kaya kitang-kita ngayon ni Celestial ang malademonyong ngisi ni Hell ngunit hindi iyon ang nagpagulat sa kanya ng husto.

".. Keilly.." - gulat na sambit ni Celestial habang nakatingin ng hindi makapaniwala kay Hell.

Binigyan ni Hell ng isang matalim na tingin si Celestial. "Wala kang karapatang banggitin ang pangalan ng Ina ko!" Galit na bulyaw ni Hell kay Celestial kaya napabuka ng bibig si Celestial.

"I-Ina mo si Keilly? Ibig sabihin.. Anak ka ni Stein..?" - hindi parin makapaniwala si Celestial.

"Kilala mo naman pala ang magulang ko. Oo, sila nga ang magulang ko at pinatay mo sila. Kaya papatayin din kita!"

"Ha!.. Ha-ha.. Ha-ha-ha.. Hahahaha! Nakakatawa. Ha-ha." - tumawa si Celestial ngunit hindi mo masabi kung totoo ba talaga ang tawa nito. Napayuko ito at madiing napakamot sa ulo.

"Wag kang tumawa! Walang nakakatawa!" - sigaw ni Hell kaya napahinto naman si Celestial at tinignan muli si Hell na ngayon ay binibigyan siya ng matatalim na tingin.

"Kamukha mo talaga si Keilly.." - hindi maiwasang sabi ni Celestial.

Huminga ng malalim si Hell. "Inuulit ko, wala kang karapatang banggitin ang pangalan niya. Ngayon, sabihin mo ang dahilan mo sa pagpatay ng mga magulang ko." Mahinahon ngunit sa bawat pagkasabi ni Hell ay madiin.

K.A.P.E.S(Adventure/Action/Romance/Gangster/Assassin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon