Chapter Nueventa-y-Nueve

11.8K 266 11
                                    

••

Author's POV

••

Nagising si Nyegie sa tunog ng kanyang Telepono at ng kanyang Alarm clock.

Nakita niyang alas Tres na ng umaga kaya napabangon agad siya sa kanyang kama. Kinuha niya ang kanyang telepono at nakita niyang tumatawag sa kanya ngayon si Brian kaya sinagot niya ito.

(Yo! Buti at nagising ka na dude.)- bungad ni brian sa kanya. Napakamot nalang ng ulo si Nyegie at napahikab.

"Oo nga eh." - inaantok pa na sabi nito.

(Geh, yun lang ang itinawag ko ang kompirmahing gising ka na dahil baka hindi tayo maka-sali sa Battle of All gangs pag wala ka.)

"Yah man, I gotta go bath now. Call you later. Magkita nalang tayo sa Meeting place." - sabi naman ni Nyegie.

(Sige-sige dude) sagot ni Brian at doon na natapos ang tawag.

Napahikab nalang ulit si Nyegie at pumasok na sa banyo niya at ginawa ang morning rituals.

*

Hindi parin nahahanap ni Forest si Mendy kaya isa lang ang naiisip niyang lugar kung asan ito.

Kinakabahan siya dahil doon. Kung totoo bang nandoonang kaibigan sa lugar na naiisip niya. Napalunok nalang siya at pilit ipinapatatag ang sarili. Naglakad siya ng tahimik at maingat para hindi mahuli ng kalaban hanggang sa wakas nakarating na din siya sa tapat ng isang silid kung saan siya ng galing, ang silid kung saan siya pinahirapan noon.

Lumakas pa lalo ang kabog ng dibdib ni Forest dahil sa takot na makita ang kaibigang si Mendy kung nandito ba talaga ito.

K.A.P.E.S(Adventure/Action/Romance/Gangster/Assassin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon