Chapter Ochenta-y-Uno

14.8K 315 2
                                    

••

Elle's POV

••

Naghikab ako at napatingin sa Wall Clock. It's now 10 PM. Tumayo ako at pumasok sa CR para maghilamos. After that I went back to my room. Napasapo naman ako sa noo ko, yung Pictures! Hindi ko pa pala nadedevelop! -______- tanga lang.

Paano ko yun ilalagay sa Scrapbook? May bukas pa ba ngayong Store na nagpapadevelop? At saan naman? :3 Wala akong alam eh. I sit in my bed, frustrated.

I grabbed my phone and once again I found myself looking at our Pictures. I smiled at stood up again, kumuha ako ng Coat sa Closet ko at lumabas ng condo. Kailangan ko talagang Ipa-Develop to para matapos ko na ang Scrapbook kasi bukas ko na yun ibibigay sa kanya.

Palakad-lakad lang ako sa labas. Nagtatanong din ako sa mangilan-ngilang taong nakakasalubong ko kung saan pwedeng magpa-develop. May nakuha naman akong sagot sa isang binatang lalaki kaya pinuntahan ko yun. Yung iba kasi wala din silang alam. Tsk

Tinuro ng lalaki ang isang eskinita na pasukin ko lang tsaka doon ko na daw makikita. So I did. Pumasok ako doon, napakunot-noo. Medyo madilim at may naririnig akong tawanan sa di kalayuan. I got a bad feeling about this. I stopped walking at lumingon ulit sa dinaraanan ko. I blink twice kasi wala na yung dinaanan ko. I mean naging pader nalang! Wth?

"Oh! May bago na naman tayong biktima mga tsong! PWUAHAHAHA!" - napatingin ako sa harap ko ng may biglang nagsalita. I looked at him, he looks digusting. Ang panget at andami niyang tattoo at parang hindi siya naligo ng ilang buwan. Shit.

"Ohh! Ang ganda nyan ah! Magaling talagang manlinlang ni Baldo! Hahaha Naka-Jackpot tayo dito mga tsong! Hohoho.. Nangangati na ako!" - Nalipat naman ang tingin ko sa isa pang kasama nito, pariho sila nong lalaking yun parang di rin naligo to. Pero ang mas nakapansin ng aking tingin ay ang mga mata nya. Namumula, at base sa obserbasyon.. I think He's on drugs!

May bigla na namang nagsidatingan. Lima silang bago at noong makita nila ako ay biglang ngumising parang uhaw na aso. Wth.. Ano ba tong napasok ko? At nakaka-Encounter pa ako ng mga Manyakis!

Bigla namang lumakad papalapit sa akin ang unang nagsalita kanina "Miss, Tara sama ka sa amin.. Lit injuy da Nayt!" - He said. Napangiwi naman ako sa pananalita nya. Ang bantot. English-English pa ang pangit naman ng Accent! Tch.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at binigyan ng Bored look. "Ayoko."

K.A.P.E.S(Adventure/Action/Romance/Gangster/Assassin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon