Chapter Nueventa-y-Syete

13K 276 3
                                    

••

Elle's POV

••

"Anong gagawin mo pagnawala ako Nyegie?"

Napatingin siya sa akin at biglang napakunotnoo. "Paanong 'mawala?'" - tanong niya.

"Paano pag isang araw, namatay ako? Anong gagawin mo?" - deritso kong tanong na agad nagpabigla sa kanya.

"I won't do anything coz that will never gonna happen." - sabi niya sa akin at niyakap ako. "You promised me that you'll never leave me and I will forever hold and believe on that promise no matter what." - sinsero at seryoso niyang sabi sa akin.

"Pero sakali lang naman..." - tanong ko pa din. Bumugtong hininga naman siya at bigla niyang hinaplos-haplos ang mukha ko.

"Ikaw kung mawawala? Mahirap. Baka sa pagkawala mo ay pati din ako mawala.. Itong mukha mo, hindi ko na makikita pagnawala ka? Ayoko. Ayokong hindi ka makita kahit isang linggo lang na hindi ka na nga makita ay mahirap na. Paano pa kaya kong ilang taon pa? Hanggang sa tatanda ako ay hindi ko masisilayan ang mukha mo? Ayoko.. Gusto ko nasa tabi lang kita. Gusto kong parating nakikita ka. Gusto ko nandito ka lang. Ayokong mawala ka hon, mahal na mahal kita ng sobra pa sa buhay ko. Hindi ko maaatim na mawawala ka. Baka laman na ako ng Bar nyan araw-araw at gabi-gabi pag mawala ka kaya ayoko. Hindi ko kakayanin, at baka susunod ako sayo kung nasaan ka." - mahaba niyang sabi habang hinihigpitan niya ang pagkakayakap sa akin.

Dahil naman sa sinabi niya ay napayakap din ako sa kanya habang ang mukha ko ay nasa balikat niya.

Inangat ko ang kamay ko at pumahid ng pasimple sa mga luha kong tumutulo. "I love you.. I love you Nyegie.. I love you." Puno ng emosyon kong sabi sa kanya. Kahit sa huling sandali lang ay masabi ko ulit sa kanya ang katagang ito.

"Mahal na mahal din kita Hon.. Kahit na anong mangyari ay Ikaw pa din ang mamahalin ko." - tugon niya habang nararamdaman kong hinahaplos niya ang buhok ko.

"Ako din naman.." kahit mamatay man ako ay patuloy pa din kitang mamahalin Nyegie.

K.A.P.E.S(Adventure/Action/Romance/Gangster/Assassin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon