Chapter Syetenta-y-Seis

16.7K 351 5
                                    

••

Author's POV

••


Nasa isang Park sina Max at Brian ngayon habang nilalantakan ang Ice cream nila. Sa maniwala man kayo o sa hindi. Walang rambulan ang naganap sa pagitan ng dalawa. Hahaha.

Bakit sila nasa isang parke? Dahil iyon sa ediya ni Brian. At ulit, sa maniwala man kayo o sa hindi.. Niyaya niya talaga si Max na makipag-date sa kanya. Oo, siya na talaga! >;D


Ewan kung anong pumasok sa utak ni Max at napapayag siya dito.. Ah! Blinack mail pala siya ni Brian. Hahaha Anong sabi? Binantaan siya nito pag hindi ito makipagdate sa kanya ay ikakalat niya na sinisikmuraan, binubugbog, sinasampal, sinasabunot, tinatadyakan niya ito kahit hindi naman totoo. Pero kahit hindi ito totoo ay alam ni Brian na paniniwalaan siya ng mga tao lalo na ang mga Kababaihang Sexy! Dahil alam niyang madami siyang Fans! Hahaha.


Gusto talagang sikmuraan, bugbugin, sampalin, sabunutan, at tadyakan ni Max si Brian noong sinabi ni Brian iyon.. Gustong-gustoooong gustoooooo niya talagang gawin iyon!! Grrr.. Pero nagawa niya na pala yun.. Sa isip niya nga lang </3 Aww..

Nga pala nakaupo sila sa isang bench, silang dalawa lang doon. Pero nasa isang metro ang layo nila sa isa't-isa. Pilit ngang hinahatak ni Brian si Max papalapit sa kanya eh, kaso di talaga gusto ni Max kaya hinayaan niya nalang. Napaisip pa nga si Brian kung may Alergy ba sa kanya si Max. Pfft.


"Ate.. Ate.. Can you open this one po?"

Napatingin ang dalawa sa biglang sumulpot na batang babae sa kanilang harap. Napatingin si Max sa hawak-hawak ng bata. Isang lollipop.

Bumalik ang tingin ni Max sa bata at bahagyang napalaki siya ng mata dahil sa ang cute ng bata!! May bangs ito at napaka-straight ng buhok, may mabibilog din itong mga mata, ang pula-pula ng labi animoy nilipstikan, ang mga pisnge din nito ang parang nilagyan ng Blush-on. Napaka-Cute!! Di niya maiwasang hawakan ito sa mga pisnge at kinurot-kurot pero mahina lang. Napangiti ng malapad si Max dahil parang kutson lang sa lambot ang pisnge ng bata!!


Nagulat naman si Brian sa inakto ni Max sa bata. Hindi niya akalain ganun si Max sa mga bata, dahil sa totoo lang napaka-brutal nito sa kanya. Ngayon ay parang bata na nakakita ng bagong Teddy Bear. Kinusot-kusot pa nga ni Brian ang kanyang mga mata para gumising sa isang panaginip. Pero totoo talaga eh.

"Let me open it" - Sabi ni Max at tumango naman yung bata at ibinigay kay max. Naglean pa yung bata sa kanya para bang nakayakap sa mga binti niya at nakatoon lang ang atensyon sa Lollipop. Napangiti nalang si Max dahil doon, gusto niya talaga ang mga bata. Walang kapatid si Max kaya ganun nalang ang pagkasabik niya sa mga bata. Gustong-gusto niya ngang magkapatid eh kaso wala talaga.


"Here you go.. Ahhmm~" - Nakangiting sabi ni Max at ipinakain sa bata ang Lollipop na bukas na. Tuwang-tuwa naman ang bata kaya niyakap siya nito, pumatong pa ito sa kanyang lap at nagulat nalang siya ng bigla itong humalik sa pisnge niya.

"Mwua~ Thank you Ate Maganda!" - Ngiting sabi ng bata at umupo lang sa Lap ni Max. Fc noh? Yaan natin. XD hahahaha..

"No worries, hindi ka pa ba hinahanap Little Girl?" - Malambing na tanong ni Max dito at sinusuklay pa niya ang buhok ng bata. Nagkibit balikat naman ang bata sa kanya.


"I don't know where's my Yaya but maybe she's just here in the park" - Sagot nito sa kanya. Napaka-Englisherang bata naman nito!

K.A.P.E.S(Adventure/Action/Romance/Gangster/Assassin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon