Chapter Ceinto-y-Uno

15.2K 310 9
                                    

 The Pic at the Right Corner was edited by @El Kayl. Thank you sis! <333 Ang Cool ni Hell dito ^u^

••

Author's POV

••

Iyak ng Iyak si Nyegie habang akay-akay si Hell. Dahil sa kanyang iyak ay nadadala din ang iba sa kanyang pagiyak. Naiiyak din sila, kasama na sina Sky at Brian. Hindi din nila lubos maisip na magiging ganito ang lahat. Unang beses nilang makitang na-Inlove ang kaibigan nilang si Nyegie at unang beses din nilang makita itong umiiyak ng ganito. Nakakalungkot.

Nagulat nalang  si Nyegie ng may biglang lumapit sa pwesto nila na isang lalaki at hinawakan ang kamay ni Hell.

Sa inis niyang hinawakan nito si Hell ay sinigawan niya ito ngunit naging kalmado lang ang lalaki.

"May buhay pa po siya, bilis at pwede pa syang mabuhay!"

Sinabi ng lalaki na nagpabigay sa lahat ng pagasa. Hinawakan din naman ni Nyegie ang pulso ni Hell at nakumpirma niyang tumitibok pa ito kaya napatango-tango siya sa lalaki.

"Bilis, may ambyulansa na po sa labas." - sabi ng lalaki at agad-agad namang kinarga ni Nyegie ang kasintahang si Hell at tumakbo sila palabas ng mansyon.

Parang isang teleserye lang ang mga nangyayari ngayon sa kanila. Hindi man lubos kapanipaniwalang nangyari ito sa kanila ngayon ay minabuti nalang ng lahat na magpatatag ng kanilang mga sarili, lalong-lalo na si Nyegie para kay Hell.

Mabilis na nakalabas sila Nyegie ng Mansyon dahil napakabilis din nitong tumakbo. Agad na sinalubong sila ng mga medic at inakay sila sa Ambyulansa. Inihiga nila sa Stretcher si Hell at binigyan ng paunang lunas. Si Nyegie naman ay sumabay sa Ambyulansa papunta sa pinakamalapit na Hospital.

Pigil-pigil ang luha ni Nyegie habang nakatingin sa kasintahang si Hell na ngayon ay tinatanggalan ng Katana sa Balikat nito. Kitang-kita niya na buhay pa nga si Hell dahil kahit nakapikit ito ay umiiba pa din ang ekspresyon ng mukha nito. Kitang-kita niya ang sakit at paghihirap ni Hell dahil napipinta iyon sa mukha nito.

Hanggang sa wakas, ay nakaabot na din sila sa isang Hospital. Mabilis na bumaba sina Nyegie panghuli ang Stretcher ni Hell.

K.A.P.E.S(Adventure/Action/Romance/Gangster/Assassin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon