Chapter Cincuenta-y-Nueve

18.2K 469 15
                                    

(A/N : Kaydee is on the Right Corner ^___^, Sinong nagsasabing Creepy si Kaydee? Ang cute naman ehh! )


**

Author's POV

**

Malalim ang isip ni Kaydee habang naglalakad paalis sa isang Hospital. Hawak-hawak niya din ang leeg niya. Nang galing siya sa paaralan at pagkatapos ng klase ay dumeretso na siya dito.

Sa mahabang panahon ng pagpapagamot niya ay parang nabunutan siya ng tinik sa sinabi ng kanyang doctor kanina. Ang hindi inaasahang balita.

'Nitong mga nakaraang araw iha, ay bumubuti na ang kalagayan mo. At base sa obserbasyon ko, Unti-unti ng bumabalik ang boses mo'

Napahinto siya sa paglalakad at napangiti. Masaya, masaya siya dahil sa wakas! Makakapagsalita na ulit siya! Maririnig niya na ulit ang tinig niya na nakalimutan na niya. Sa mahabang panahon nga namang hindi ka makakapagsalita. Makakalimutan mo talaga ang boses mo.

Nagmamadali na siyang umuwi para ibalita sa kanyang ina ang tungkol sa kalagayan niya.

Pag dating niya sa bahay nila ay hindi niya inaasahan na makita ang kanyang ama. Dahil kung uuwi kasi ito ay Gabi na. Kaya takang-taka siya.

Nakita siya ng ama niya, pati narin ang ina nito.

Ngumiti ang magulang niya sa kanya at nilapitan siya at niyakap ng mahigpit. Hindi niya mawari kung anong nararamdaman niya ngayon. Sobra pa sa kasiyahan! Pero nalulungkot din siya dahil wala ang kapatid niya.. Hindi parin naghihilom ang sugat sa kanyang puso ang pagkawala ng kanyang Kapatid.

"Anak, Patawad. Patawad kung hindi ka namin napagtuonan ng pansin ng mama mo" - Sabi sa kanya ng ama niya ng pagkatapos siya nitong yakapin. Hindi niya din namalayan na tumulo na pala ang kanyang luha dahil doon.

Pinahid niya din yun agad at ngumiti sabay umiling sa kanyang magulang na para bang sinasabi sa kanila na 'Okay-Lang-Po-Iyon-Naiintindihan-Ko-Naman-Po.

K.A.P.E.S(Adventure/Action/Romance/Gangster/Assassin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon