Chapter Cuarenta-y-Tres

18.8K 419 15
                                    


(A/N: POV naman ng ating King Nyegie para alam natin ang happenings ;)) so ito na! Enjoy~)



**Nyegie's POV



Mabilis akong naglakad papaalis doon sa kinauupuan namin ni Hell kanina.

Tch. Concern? Tch!

Bumalik ako sa kotse ko at pumasok doon. Napatingin ulit ako sa kinaroroonan ni Hell. Ba't parang tanga yun nakatayo doon habang hawak-hawak ang ulo niya?

Nagtagal siya nga mga 10 secs. ata tapos ay lumakad sa papalapit doon sa nakapark na kotse. Kotse niya yun? Merun pala 'tong kotse? Ngayon ko lang nalaman.

Pagkarating niya doon ay nakita kong sinandal niya ang ulo niya sa kotse niya. Anong nangyayari dun? Baka inaantok na talaga siya? Pero magda-drive siya? Baka mapano siya! Baka maibangga niya pa ang kotse niya! Konsensya ko lang nuh, dahil ako ang kahuli-hulihang taong nakausap niya pagnangyari yun. Tch!

Kaya dali-dali akong lumakad putungo sa deriksyon niya. Napahinto naman ako sa likuran niya ng bigla siyang gumalaw at may kinapa sa pwet niya. (O__O) ano ginagawa niya? Makati ba pwet nito? Wahahaha. Shit! Baka may bitok. Hahahahahahahaha!




Pero nakita kong parang cocollapse na siya kaya napatakbo ako sa kanya at sinuportaan siya. Kaya parang nakayakap talaga ako sa kanya. Anyare dito?





"Easy" - Sabi ko. Ano bayan? Di na talaga siya makaantay makauwi at dito nalang siya matutulog? Psh.


Tumingala ito para makita ako.
"Nyegie" - Bulong niya pero rinig ko naman.

"Ya, The One and Only" - Ngising sabi ko sa kanya.

Di niya ako sinagot pero nakaramdam ako ng init nang hinahawakan ko siya. I mean parang ang init niya!



"Ang init mo ah? Nilalagnat ka ba?" - tanong ko sa kanya pero di naman ako pinansin (=___=)


K.A.P.E.S(Adventure/Action/Romance/Gangster/Assassin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon