Chapter Syetenta-y-Ocho

18.5K 362 3
                                    


••

Author's POV

••

Naglalakad ngayon si Max at hindi talaga siya komportable dahil nakabuntot sa kanya si Brian. Hindi pa din kasi siya komportableng napapalapit dito. Ngunit ano bang magagawa niya? Eh diba napagkasunduan na nilang dapat mag-work out ang ano mang merun sila..

"Maxine Babes, Saan ka ba pupunta?" - Tanong ni Brian sa kanya. Napapagod nadin itong kakasunod kay Max ngunit kahit anong mangyari ay ayaw niyang mapalayo dito, ewan ba niya pero gusto niyang parating kasama si Max at ayaw niyang mawala ito sa kanyang paningin kahit ilang segundo lang.

"Dito.. Ano sama ka pa din?" - tanong ni Max sa kanya habang nakaturo sa itaas. Napaangat naman ng tingin si Brian para makita ang tinuturo ni Max, C.R.

Napakamot nalang siya ng pisnge at napailing-iling na parang bata. "H-Hindi.." Sabi nito.

"Good. Pwede ka ng umuna sa classroom. Wag mo na akong hintayin" - Sabi ni Max dito bago pumasok.

Napabuga nalang ng hangin si Brian at lumakad nalang.

Napaisip naman siya kung bakit ganun parati ang inaasta ni Max sa kanya. Para kasi itong may dalaw araw-araw dahil napakasungit. Parang gusto na nga siya nitong bugahan ng apoy galing sa bibig. Kahit anong pagsuyo na dito ay hindi talaga ito nagpapatinag, ini-ignore lamang siya ni Max.

Napanguso nalang siya sa kadismayahan...

"Ouch!" Napatingin agad si Brian sa babaeng nakaupo na ngayon sa sahig. May nakabangga pala siya!

Mabilis niya itong nilapitan at tinulungang tumayo.

"Sorry miss, Hindi kasi ako nakatingin. Pasensya" - Agad na hinging paumanhin ni Brian sa babae.

Taas kilay namang napatingin sa kanya ang babae, animoy gusto siyang patayin nito sa tingin. Ngunit nagbago nalang ang ekpresyon ng mukha nito, at napalitan ng pagkabigla ng makita si Brian.

"Ian!?" - sambit ng babae.

K.A.P.E.S(Adventure/Action/Romance/Gangster/Assassin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon