Gooooodmoorning, maagang update ngayon kasi may lakad si author! Lovelots!
___________.
Joan
Pagkarating namin sa bahay ni tita ay agad akong bumaba.
"Titaaaaa!!"
"Titaaaaaaa! Leooooo! Miiiiiikeeeeey!"
"Jusko sino ba yan, sandaaali" pagkabukas ng gate ay agad akong yumakap sakanya.
"Namiss ko po kayo!"
"Naku! Joan! Ikaw'ng bata ka!"
"Hehe, sorry sa ingay tita" kumalas ako sa yakap.
"Maaang, sino ba yang nagsisigaw diyan at parang asong na-ulol"
"Bwiseeet ka Mike, hintayin moko diyaaan!"
"Baklang tooooh, makasigaw ka kasi sis eh!"
"Kayong mga bata talaga kayo. Oh! Sino tong kegwapong gwapong lalaki na toh?" Napatingin naman ako kay Jiro na nagmano pa kay tita.
"A-ah kaibigan ko po"
"Ganun ba, o siya tara at pasok muna kayo, tamang tama ay mag-hahapunan palang kami" nauna ng pumasok si tita.
Papasok na sana si Jiro ng pigilan ko siya.
"Bakit?"
"Magbibilin lang ako. May dalawa akong pinsan sa loob, yung isa matino yung isa hindi, kaya wag ka masyadong magpapaniwala doon" natawa naman siya.
Ang gwapo takte!
"Yes babe"
"At yan, yung tawag mo saakin, minimize it" parang nagbago naman ang emosyon niya doon, pinagsawalang bahala ko nalang at nauna ng pumasok.
"Hellooooo"
"Oh insaaan, ikaw pala" sabi ni Leo na kakababa lang
"Hindi, picture ko lang toh" napakamot sa batok naman siya
"Siiiiis, madami akong-- omooo! Ikaw yung ba---" agad kong tinakpan ang bibig ni Mike.
"Sis naman, zip muna yung bibig natin ha"
Dahan dahan kong inalis ang kamay ko sakanya.
"Okay hihi, hiii, Ako nga pala si Mike, pinsan ni Joan, nice meeting you Mr. Marquez" napangiwi naman ako. Tinanggap naman ni Jiro ang kamay ni Mike.
"You know me?" Agad na tumango tango si Mike.
"Very well"
Agad ko siyang hinila
"Ah. Hehe, kain na raw, tarana Jiro."
Umupo na kami sa hapag kainan at nagdasal.
Katabi ko sa kanan si Jiro at si Mike naman sa kaliwa. Habang katabi naman ni Mike si Leo sa kabila at si Tita agad.
"Joan, anak, asikasuhin mo ang bisita mo ah" napatingin naman ako kay Jiro na nginisihan ako. Kaya napairap nalang ako.
"Eto masarap toh" at nilagyan ko siya ng pagkain sa plato niya.
"Kumain ka na, hindi kasali ang pagsubo, sa asikasong sinasabi ni tita" bulong ko sakanya.
"Ako nalang isubo mo" nabilaukan naman ako.
"Oh dahan dahan lang Joan"
"Sis naman, hindi ka mauubusan ng pagkain" ininom ko ang tubig na binigay saakin ni Jiro. Tinapunan ko naman siya ng masamang tingin at ang gago, pangiti ngiti lang.
Pagkatapos naming kumain ay nagtipon kaming lahat sa sala, maliban kay tita na nasa kusina parin.
"Juice nalang muna tayo ngayon ah, may sari-sariling pasok pa tayo bukas eh" natawa naman ako sa sinabi ni Mike.
"Cheers"
"Cheers!"
"So pano kayo nagkakilala Jiro netong si Joan" napatingin ako kay Jiro na uminom muna sa baso niya.
"We met at the bar"
Pareho naman kaming nabilaukan ni Mike.
"Ay grabe, nabilaukan karin sis? Hindi mo alam, hindi mo alam?" Inirapan ko lang siya.
"Grabe ka insan, may pa bar bar ka na pala ah"
"Pagkatapos, ano?"
"Doon nga kami nagkakilala, we exchange numbers, then became friends" ako nalang ang sumagot
"Ay ang KJ mo sis, di ko alam na Jiro na pala pangalan mo ngayon"
"Hahaha, what he said is true" parang nakahinga naman ako ng sakyan ako ni Jiro.
"Asus, alam mo ba, itong si Joan matagal ka ng gusto"
"Hoy Mike!"
"Really?" Sinamaan ko ng tingin si Jiro
"Oo,naku, dati palang, nung college kayo"
"Mike tama na!"
"Then?" Pinandilatan ko ng mata si Jiro
"Sabi kong loka loka toh, at dapat wag kang magpapaniwala diyan"
Pero ang gago ngumisi lang!"So you were with the same school with me in college" napairao naman ako.
"Obvious ba?"
"Hindi, kung hindi sinabi ni Mike"
"Haha, ang hina mo sis, nasa harao mo na sunggaban mo na, ilang taon karing tumatanaw lang mula sa malayo sakanila"
"Ops, tama na nga yan Mike, at umuusok na ang ilong ng pinsan natin"
Napanguso nalang ako.
"Joan, anak" napatingin ako kay tita na kakalabas lang galing sa kusina.
"Po?"
"Gabi na, madilim na sa daan"
Napatingin naman ako sa oras.
Shocks! Alas dyes na pala ng gabi!
"Nakuu, mauna na kami tita" yumakap muna ako sakanya.
"Bisita ulit kayo dito insan" nakipag fist bumb lang ako kay Leo at binatukan ko naman si Mike.
"Aruuy naman sis, ikaw talaga, sayang ka, maganda ka pa naman, torpe lang" inirapan ko lang siya at nagpaalam ulit bago hinila paalis si Jiro.
"So college huh?"
"Ewan ko sayo Jiro"
__________.
Lutang at wala sa mood ako ng gumawa ako netooo, bear with it pleaaase haha.
Very Short UD!
BINABASA MO ANG
Bachelor Series 2: The Hedonistic [BXB] COMPLETED
General FictionI love you since then..... Im contented seeing you from afar. I known you for so long, but never have I ever expected that fate will brought us together. 2nd Installment of Bachelor Series