Haaaapppy New Yeaar to all. This update is for all my readers! Lovelots!
________.
Joan
Kinabukasan. Napahikab ako habang naglalakad papunta sa kusina.
Nagtimpla ako ng gatas at kumuha ng dalawang cookies na ibibigay ko kay Arc.
Sorry Arc pero tinatamad talaga akong magluto.
Dinala ko ito sa kwarto at namili ng susuotin ko.
Napili ko ang isang polo na blue at jeans lang. Pagkaubos ko sa cookies ay agad na akong naligo.
Isinuot ko ang damit na pinili ko at kinuha ang bag tsaka susi ko.
Napatingin ako sa orasa.
6:38
Sakto lang, di naman masyadong malayo ang simbahan dito.
Sumakay na ako sa Kotse at dumiretso sa Alliance church.
Nagpark ako sa medyo dulo at nakangiting lumabas at pumasok na simbahan.
Tulad ng iniisip ko andyan na nga sila
Pumwesto ako malapit lang sakanila.
Ilang minuto lang ay nag-umpisa na ang misa.
"Thank you all for coming today, God bless you all" huminga muna ako ng malalim bago tumayo.
Napatingin muna ako sakanila bago lumabas ng simbahan. Sapat na yun saakin,....
Dumiretso na ako sa kotse pero hindi pa ako nakakapasok ay may tumawag saakin
"Hi, excuse me?" Napatingin naman ako sa may-ari ng boses at nagulat.
"M-maam Hannah"
"Oh you know me"
Napakagat-labi naman ako.
"J-just heard your name po, bakit po pala?" Nilahad niya naman ang kamay niya at nandoon ang teddy bear na key chain. Napatingin naman ako sa bag ko.
Napapikit ako ng hindi ko yun makita doon.
"I believe this is yours" agad ko naman itong kinuha
"Naku, maraming salamat po, kung hindi lang ako tanga hehe"
"Dont blame yourself--?"
"Ahmn Joan po"
"Oh Joan, by the way parati kitang napapansin tuwing linggo. You're such a beauty iho, lalaki ka ba talaga?" Mahina naman akong natawa.
"Physically po opo, pero sa puso po babae, thank you po pala sa compliment"
"Nah, totoo rin naman. I have to go na pala, my family are waiting, gusto lang talaga kitang malapitan and your keychain give me a reason to do so"
Napangiti nalang ako at nagpaalam na nga kami sa isa't-isa. Agad akong pumasok sa kotse at.huminga ng malalim....
"Kyaaaaah!!! Kinausap ako ng mama niya!!" I compose myself first bago umalis at dumiretso na sa bahay.
Best sunday, kahit mama niya lang yun
_______.
Lunes na naman. Napahikab ako habang naglalakad papunta sa room ko ng makasalubong ko si Arc na malaki ang ngiti.
"Morning Arc"
"Cookies kooo?!"
"Oo napakaganda nga ng araw" pabalang kong ibinigay sakanya ang supot kung saan nakalagay ang jar of cookies na para sakanya.
BINABASA MO ANG
Bachelor Series 2: The Hedonistic [BXB] COMPLETED
General FictionI love you since then..... Im contented seeing you from afar. I known you for so long, but never have I ever expected that fate will brought us together. 2nd Installment of Bachelor Series