01

46.7K 1K 292
                                    

Joan

"That's all class, you can go now"

"Goodbye teacher Capillano"

"Bye-bye, ingat kayo ah"

"Opo maam, ay sir po pala"

"Babye po!"

Napapangiti nalang ako sakanila. Niligpit ko ang mga gamit ko. Inayos ko muna lahat ng upuan, nakalinis narin naman sila.

Niligpit ko na ang gamit ko kasi marami pa akong tatapusin.

Nang masigurado kong nakalock na ang room ay dumiretso na ako sa parking lot ng school. Kinuha ko ang susi sa bag at binuksan ang kotse ko.

As soon as I started the engine, I drove off.

Im Joan Capillano, mag-isa nalang sa buhay, actually hindi talaga mag-isa. Andyaan naman sila tita na nagpalaki saakin. Si mama naman ay namatay sa panganganak saakin. Yung papa ko? Ewan, basta ang alam ko, nung nabuntis si mama ay iniwan siya ni papa, magjowa palang raw sila nun, sabi ni tita. Hindi narin raw naaalala ni tita ang pangalan nito at wala naman akong balak alamin.

Pagkapasok ko sa village kung saan ako nakatira ay biglang nagring ang phone ko.

Sinagot ko naman ito bago ko itinigil ang sasakyan sa harap ng bahay.

"Hello po tita?"

"Oh iho? Kamusta ka naman diyan?"

"Oks lang naman ako tita, haha, ikaw talaga, kakatawag mo lang kaninang umaga eh"

"Eh alam mo na, nag-aalala lang ako--kami"

Napangiti naman ako

"Kayo po talaga, Oh sige tita nasa bahay na po ako, ingat po kayo lagi diyan, pakikamusta nalang po kay Leo at Mike"

"Sige iho, mag-ingat ka rin lagi diyan"

Pinatay ko na ang tawag, at sinara na ang pinto ng kwarto ko.

Napahiga naman ako agad sa kama.

Nakakapagod na araw.

Napatingin ako sa table na nasa tabi lang ng kama ko.

"Hello baby! Kamusta yung araw mo? I hope you wont stress yourself too much" haaays parang baliw na talaga ako.

Bumangon nalang ako at dumiretso sa cr para maligo

__________.

New day! New stress!

"Good morning Sir"

"Good morning" dumiretso ako sa guidance office para mag log in, pagkatapos ay sa classroom ko naman. Maaga pa masyado, wala pang 6:30, pero kailangang maging maaga, nasa akin pa naman ang susi.

Pagkabukas ko ng room ay agad kong nilapag ang bag at folders ko sa mesa.

Tok! Tok! Tok!

Napatingin ako sa pinto at ngumiti

"Good morning Jo,"

"Morning rin Arc" siya si Arcus, co-teacher ko at isa sa malapit na teacher saakin dito.

"Nag breakfast kana?" Umupo naman ako sa upuan ng maglakad siya papunta sa harap ng lamesa ko.

"Yup! Light lang, coffee and bread with ham"

"Kaya ka slim na slim eh"

"Hoy, natural na toh!" At nag pose pa ako. Di naman lingid sa kaalaman nilang gay ako, atsaka hindi naman basehan ang gender when it comes to you profession. It doesn't define anything, the only problem is the mindset and how people look at it.

Bachelor Series 2: The Hedonistic [BXB] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon