23

22.5K 823 99
                                    

Late update guys, may lakad kasi si otooor, kararating ko lang hehe. Enjoy reading!

_________.

Joan

Inayos ko ang pagkakumot sa mga bata.

Ang bilis nga naman ng araw. Magdadalawang linggo na pala kami dito, at magdadalawang linggo narin akong sinusuyo ni Jiro. Pinagluluto niya ako, pinapasyal, at hinahatid papunta sa bahay.

He never gets to meet the four.

Nasa hospital parin si tita and the saddest part there is, she's not getting better.

Minsan hindi na tinatanggap ng katawan niya ang gamot.

Tumayo ako at dahan dahang lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina nila sa baba.

Naabutan ko doon si Miggy, Mike at Leo na nagkakape.

"Kape sis, may mainit na tubig na diyan" tumango ako at nagtimpla ng kape. Umupo naman ako sa katabing upuan ni Miggy.

"Seryoso niyo ah" uminom ako ng konti at sumandal sa upuan.

"Alam naman natin kung saan na patungo si mamang. Hindi natin yun pwedeng pigilan" napatingin ako kay Leo

"Hindi na raw tinatanggap ng katawan ni mamang ang mga gamot, minsan rin daw walang kwenta ang sinasalin na dugo sakanya. Mahina na raw ang katawan ni mamang at hindi raw nila masisiguro saatin na tatagal pa siya" napabuntong hininga naman ako. Yung isang katulong nina Mike ang nagbabantay kay tita ngayon. Duty kasi si Gian, wala rin si kuya Jerome para sana maiwan dito, si Leo nag-overtime rin, kakauwi nga lang yan eh, si Miggy naman may ipinasa at ginawa kanina.

Sabay kaming napatingin kay Mike ng may tumawag sakanya.

"Hello po Manang?"

"H-ho? Sige po pupunta na kami diyan"

"Anong sabi?" Tanong ko. Naman oh! Kinakabahan ako.

"Nagising raw si Mamang at hinahanap tayong tatlo!" Mabilis naman kaming napatayo

"Sige na, ako na bahala dito" yumakap ako kay Miggy at sumunod na kina Mike.














Pagkapasok namin sa room ay dalawang doctor at isang nurse ang nabungaran namin.

"K-kamusta po siya?" Hinihingal na tanong ni Mike.

Napatingin ako kay tita, nakatitig lang ito sa kisame.

"Pinakalma lang namin siya Mr. Perrer, mukhang may sasabihin kasi sainyo, kanina pa tinatawag ang mga pangalan niyo" napatingin ako sa mga doctor, andito si Doctor Galvez at isa naman ay si....

Namilog ang mata ko sa gulat.

"Hi, Im Mr. Boromeo, this is my wife" tinanggap ko ang kamay nilang nakalahad

Wife?

Napatingin ako sa nurse na katabi niya. Ngumiti naman ito saakin.

"Im gay, pero totoo asawa ko ang tukmol nato" pinakita niya ang kamay niyang may singsing, ganun narin si Alexis.

God... I didn't know, mukhang babae naman kasi siya..

"Paano Joan? Mauna na kami" ngiti lang ang ginawad ko.

How the hell they know me?!.

Pinilig ko nalang ang ulo ko at napatingin kay tita.

"I'll discuss things later, maiwan ko na muna kayo"

"Salamat Doc" umupo kami sa tabi ng kama ni tita.

"Mang, a-andito na kami"

"L-leo? M-mike? J-joan?"

Bachelor Series 2: The Hedonistic [BXB] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon