25

27.8K 834 173
                                    

Suuuurpise! Natapos ko na siyang isulat so ipopost ko na siya para pasasalamat narin sa support niyo! :) loveee you all!

Epilogue is next :)

______________.

Joan

Life is like a direction. Minsan mali. Minsan tama. Minsan nagtuturo kung ano ang dapat.

Sa buhay natin, may puntong akala natin hanggang doon nalang, but who knows? Life is full of surprises.

Huminga ako ng malalim.

"Well this is the day, you excited?" Napatingin ako kay kuya mula sa salamin.

"Kinakabahan ako"

"Relax An, hindi ka naman kakainin ng asawa mo doon eh, well, sa kwarto lang siguro"

"Kuya!"

"Kidding, anyways, Im happy for you An. Kahit galit ako sa gagong yun dahil sa ginawa niya sayo dati, wala akong magagawa, dahil masaya ka naman sakanya. Isa pa, there's a point in our life wherein we think immature and do reckless things, that might hurt us or worst someone. But, we cant blame it, love conquers all" napangiti naman ako at humarap sakanya.

"I know you're always there for me kuya, at salamat. Salamat sa lahat" yumakap ako sakanya.

"Hoy ano yan, kayo lang?"

"Mas mahal mo na kuya mo kesa sa Papa mo princess?" Napakalas ako at pailing-iling na tiningnan sila.

"Group hug!" Sigaw ni Gian

"Awhk! Gian, you're stepping on me!"

"Papa, binubugbog niyo ako sa hawak niyo"

Mahina nalang akong natawa.







"Princess you ready?" Napatango naman ako

Si papa at kuya ang mageescort saakin. Si Gian naman ay nandoon na sa pamilya niya.

Napatitig ako sa pinto ng dahan dahan itong bumukas.

This is the day I've been waiting for

The day I will marry the man I love the most.

Sabay kaming naglakad papasok.

Napatingin ako sa mga bisita. There I saw familiar faces of Jiro's friend. Ikaw ba raw sundan at mang-stalk dati, hindi mo malalaman...

Napatingin naman ako sa kabilang side, there I saw the wives, the boss rather, with their children. Kailan lang rin nung nagkakilala kaming lahat. Andoon rin si Mike kasama sina tita. Well, nakaya pa naman ni tita ang mag-travel at pinilit niya talaga, just to witness my marriage.
Nginitian ko naman sila.

And lastly napatingin ako sa mga lalaki sa buhay ko.

"Iho, ikaw ng bahala sa prinsesa namin"

"Opo pa" yumakap na muna ako kay papa at kuya.

"Congrats princess, at last you found your prince........again"

Ngumiti lang ako.

"Oops, wala munang iyakan princess"

"Psh" inirapan ko lang si kuya bago yumuko at pinanghahalikan ang mga anak namin.

"Ang ganda mo talaga Joan, alagaan mo tong bunso namin ah, maging strict ka, ikaw naman ang boss eh" natawa naman ako sa sinabi ni tita Jane.

"Salamat po ti-- Ma" napangiwi nalang ako. Grabe naman mandilat ng mata si mama.

"Come on babe" natatawang tinanggap ko ang kamay ni Jiro.

Bachelor Series 2: The Hedonistic [BXB] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon