Chapter 9

16 1 0
                                    


Napansin kong ako nalang ang nasa kwarto, kaya naman agad-agad akong nag-ayos para makalabas na. Naabutan ko silang nagpi-picture sa labas, ako nalang pala ang hinihintay nila para magbreakfast na. Nang tinanong ko sila Janine bakit di nila ako ginising ay nahiya daw sila dahil sa kalasingan nila ay ako ang naiwang naglinis ng mga kalat namin kagabi.

"Woi, ano yung text mo?" Sabi ko kaagad kay Clifford nang makita ko siya.

Nakita kong bahagya pa siyang nagulat nang tanungin ko siya.

"Ako? Nagtext? Lasing ka ba?" Tumatawang sagot niya pero umiiwas ng tingin sa akin.

"Oo kaya! Ito oh!" Sabay labas ko ng cellphone ko at pinakita sa kanya ang text.

"Drunk text? Di ko naman maalala na tinext kita." Saka niya ako tinalikuran.

Pagkatapos naming mag-umagahan ay nagpicture-picture pa muna kami.Hindi ko nga lang alam kung may hangover ba si Clifford dahil magmula kanina ay tahimik lang siya. Kinukunan niya parin naman ako ng litrato pero hindi tulad kahapon ay wala siyang imik, nakasimangot pa nga at parang napipilitan. Kung hindi ko pa sabihing picturan ako ay mananatili lang siyang nakaupo sa gilid.

Hindi niya din ako masyadong inaasar ngayon, nakakapanibago.

Nagswimming kami sandali at umahon din dahil itutuloy daw namin ang mga laro.
Talaga yatang pinapanindigan nila Alex ang palaro nila, sayang din daw kasi ang mga hinanda nila kung hindi namin itutuloy.

"Okay second day natin ngayon at para sa araw na ito, may dalawa ulit tayong set ng laro bago mag lunch." Si Janine.

"Apple eating ang game, so basically yung mauunang makaubos ng apple ay ang panalo."

"Oh mag-usap na yung mga magkapair, magstart tayo in 2 minutes."

Dahil kami naman ang nanalo kahapon, expected ko na kami parin ni Clifford ang magkakampi. Hindi ko maikakaila na medyo excited ako sa larong 'to dahil lagi akong nananalo dito tuwing Christmas Party nung highschool.

"So ganto techniq—

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang lagpasan ako ni Clifford at kay Noel siya lumapit.

"Hoy! Hindi ba tayo ang pair?" Tanong ko kay Clifford.

"Pwedeng mamili ng sariling pair yung winner diba?" Sarkastikong sagot niya.

"Eh? Kahapon ka pa nasusunod ah!"

"Akala ko ba ayaw mo akong kakampi? Ito na nga at pinagbibigyan na kita."

Kung kanina ay nagtitimpi pa ako ng inis ko, ngayon ay pakiramdam ko masusuntok ko na sa mukha si Clifford. Hindi ko maintindihan ang inaasta niya at naiinis ako ng sobra.

"Alam mo ang labo mo."

Bago pa ako makapagsalita ng hindi maganda ay umalis na ako. Narinig kong tinatawag ako nila Noel pero hindi ko na sila nilingon.

Dire-diretso lang ang lakad ko at nang may makita akong puno ay sumilong ako doon para magpahupa ng inis. Kumuha ako ng stick at ini-imagine kong si Clifford yung dahon at pinagtutusok-tusok ko yun, dun ko binuhos ang inis ko sakanya.

Cookies n' CreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon