Matapos nung gabing kumain kami ng ice cream sa tabing dagat, bigla nalang siyang nawala. Walang may ideya sa amin kung saan sila nagpunta. Dadalawa silang nandito sa Pilipinas ni Tita Min, ang Papa niya ay nasa Canada. Kahit nga ibang relatives niya ay hindi alam kung bakit sila biglang umalis ng walang pasabi.
He deactivated all his social media accounts, he even changed his number. Yun ang naging sign ko na sinadya niyang umalis at wala siyang balak sabihin sakin ang dahilan.
Imposibleng magkamali ako. Nabangga ko siya, nakita ng malapitan at nakausap pa. Sigurado ako na siya yun, ang hindi ko lang alam ay kung bakit ganun ang reaksiyon niya. Hindi naman ako nagparetoke, kahit sinong taong nakakakilala sakin noon ay makikilala parin ako bilang si Pipay. May amnesia ba siya o sadyang kinalimutan niya lang ako?
"Pipay yuhoo!" isang katok at boses ng pinsan ko ang naging dahilan ng paggising ko kinaumagahan. "Lumabas ka na diyan may naghahanap sa'yo." Sa gitna nang aking pag-iisip kagabi ay hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
Ngayon ay nasisiguro kong hindi panaginip yung kahapon. Andito ako sa Zambales at nakita ko siya.
Paglabas ay nadatnan ko sila Janine, Alex at Noel na prenteng nag-aalmusal sa kusina.
"Oh Pipay! Halika na wag kang mahiyang kumain." hindi man nagbago ang kakapalan ng mukha ni Noel ay nagbago naman ang pangangatawan nito, tumangkad ng konti at tumaba...ng sobra.
"Paano niyo nalamang nandito ako?"
"Nakita ko si Mark kahapon sa waiting shed, nabanggit niya sa akin na tumigil ka muna sa pago-online class at uuwi pansamantala para magbakasyon." sagot ni Janine habang nagtitinga, napaka-kalat pa rin niyang kumain hanggang ngayon ngunit kabaligtaran ni Noel ay pumayat ito.
"Welcome to the club!" sabay taas ni Alex sa kanang kamay niya para makipag-apir sa akin saka tumawa ng malakas. Palibhasa ay hindi na bungi at maayos na ang ngipin ay hindi na ito nahihiyang ngumiti at tumawa.
Umupo ako at sinaluhan sila sa almusal. Habang kumakain ay nabanggit nila ang plano nilang paga-apply sa bagong milk tea shop sa bayan.
"Buti nalang nagpunta tayo agad! Saktong apat pala ang kailangan nila." masayang sabi ni Noel.
Naglalakad kami papuntang 7-Eleven dahil napag-isipan naming magmeryenda nalang muna bago umuwi. Sa susunod na linggo pa kami mag-uumpisa at kailangan lang namin bumalik bukas upang magkaroon ng ideya at kaalaman sa kung paano ang magiging trabaho namin.
"Kanina ka pa tinitignan nung babaeng nagtatrabaho sa munisipyo, Pipay." sabi ni Noel ng mapansin ang paulit-ulit na pagbaling sakin nung ate, sa suot palang nitong id at uniform ay masasabi mo nang ito ay nagtatrabaho sa munisipyo.
Sa totoo lang ay kanina ko pa din nararamdaman ang pagtitig nito sa akin ngunit hindi ko lang pinapansin.
"Tumayo ka nga tapos tumalikod ka, tignan ko kung nakatagos ka." parang tangang sabi ni Alex.
"Sumingit ka ba sa pila kanina sa pagbabayad?" mukhang ewan namang tanong ni Janine.
"Last week pa ako natapos at hindi din ako sumingit."
"Gago ayan na lalapit na siya, sabihin namin di ka namin kilala at nakiupo ka lang." nakakaasar na sabi ni Noel.
"Hello! Tagadito ka ba?" magalang na tanong sa akin ni ate nang makalapit siya.
"Uhm opo, taga dito po ako, bakit po?" kabado man ay sinagot ko si Ate.
"Kanina pa kita tinitignan, matutuloy na kasi yung naudlot na Mutya ng San Felipe at malaki yung potential mo. Gusto mo bang sumali?" nagningning pa ang mata ni ate nang sabihin iyon at tila ba umaasang sasagot ako ng oo.
Ako? Mutya? Kahit kailan ay hindi ko nakita ang sarili kong sasali sa mga patimpalak na ganito. Hindi man sa pagmamayabang pero hindi ito ang unang beses na may nagtanong at nagsabi sa akin na may potential ako pagdating sa pagsali sa mga beauty pageants.
"Ay salamat po, pero pasensya na po at hindi ko po kayang sumali sa ganyan." magalang at sinserong sagot ko.
"Sayang naman pero kung magbago ang isip mo, ito ang number ko. Sana mapag-isipan mong muli. May kaibigan akong pwedeng maging handler mo." matapos ibigay ang number niya ay umalis na si ate.
"Abaaa! Kabog! Mutya daw ng San Felipe girl! Grab mo na! Sayang opportunity at experience!" maarte at nakakabinging sabi ni Janine.
"Lagi kang kinukuha diba? Try mo lang. Malaki ata yung price tsaka balita ko marami ding pasabog na iba pang awards." pangungumbinsi ni Noel.
"Ganda mo naman! Sana all! Bulag yata si Ate at hindi ako yung tinanong tskk! Bigyan ko ng salamin yun eh! Hmp!" tumatawang hirit ni Alex. "Pero don't yah worry Reigning Mutya ng San Felipe yung pinsan ko, si Ysabel! Hingan kitang tips!"
Kahit anong pagpilit nila ay walang epek sa akin. Niyaya ko nalang silang umuwi at tila uulan pa. At dahil magkakabarangay sila ay nauna silang hinatid. Naiwan akong mag-isa sa loob ng tricycle, sa sobrang swerte ko ay naabutan pa ako ng ulan sa daan. Huminto ang tricycle at isang pasahero ang sumakay sa tabi ko, umusog ako at binuksan ko ang phone para magchat sa gc namin na naabutan akong ulan.
Nang kapain ko ang bulsa ko ay saka ko lang naalala na pinabag ko pala kay Alex yung wallet ko. Shit! Ang lakas pa naman ng ulan at malapit na kami sa bahay tapos wala pa akong payong. Akma na akong bababa, bubuwelong tumakbo upang kumuha ng pamasahe sa bahay ng biglang magsalita ang katabi ko.
"Kuya dalawa po kami." sabay abot ng 50 pesos kay kuyang driver.
Nanlaki ang mata ko hindi dahil binayaran niya ang pamasahe ko, kundi dahil sa dinami-dami ng taong pwede kong makasabay sa tricycle ay bakit siya pa. Bakit ikaw pa Dwayne Marcus Laurente?

BINABASA MO ANG
Cookies n' Cream
Kısa HikayePipay and Dwayne's friendship started with having a common preference for an ice cream flavor. Hence, just as Pipay thought their friendship would turn into a romantic relationship after that kiss, Dwayne left her. Then he came back. He came back bu...