Nang makita ko ang lalaking tinawag ni manager ay parang gusto ko na lang magresign agad.Pambihira namang buhay 'to oh! Kung kelan hindi mo hinahanap saka pakita ng pakita.
Ngayon ko lang napansin na pumuti siya, tumangkad din, ang buhok niyang palaging bagsak dati ay medyo nagkaroon ng ayos, nag gel siguro siya. Puta ang gwapo padin.
"Sir sila yung sinasabi kong mga bago nating employees, si Janine, Penelope, Alex at Noel." Pagpapakilala samin ni manager.
"Hi." sabi ni Dwayne at isa isa kaming nginitian.
Natigil ang tingin sa akin ni Dwayne.
"Hey! Are you the girl from the other day? The one I rode with the tricycle?"
Tipid akong ngumiti. "Yes po, Sir. Uhmm, thank you sa libre ng pamasahe. Yung payong baka bukas ko pa maibalik."
"No problem. I saw you preparing yourself to run. I needed to go home badly, so I thought it would be a waste of time for the driver to wait for your payment."
Hindi na ako nakasagot dahil naunahan na ako nang reaksiyon at boses ni Noel.
"Hoy! Ikaw na ba yan Dwayne?! Kelan ka pa nakabalik?" gulat na tanong ni Noel.
"Uhm yeah it's me Dwayne. Kilala niyo ako? How? I mean are we friends before?" Naguguluhang tanong niya.
Ano 'to? Anong "kilala niyo ako at are we friends before" pinagsasabi niya?
"Ha? What do you mean Dwayne? Pabalik na tanong ni Janine.
"I'm sorry. Naaksidente ako 3 years ago. May amnesia ako and I still can't remember everything." Sinserong pagpapaliwanag ni Dwayne.
The fuck! Kelan? Saan? At paano? Hindi ko alam na na-aksidente siya at mas lalong hindi ko alam na may amnesia siya.
Isang ring mula sa cellphone ni Dwayne ang tanging namutawi dahil tulad ko ay gulat at pagtataka din ang mababasa sa mukha nila Alex.
"Excuse me."
Hindi namin napagkuwentuhan ang tungkol sa sinabi ni Dwayne dahil agad kaming pinabalik ni manager sa kanya-kanya naming trabaho. Pero hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Dwayne. Tatlong taon, tatlong taon kong iniisip kung anong nangyari. Magkasama kami nung gabing 'yun. Hinatid pa nga niya ako eh, kaya kung pauwi siya naaksidente ay malamang nalaman ko yun. Wala din siyang nabanggit sakin na may pupuntahan sila o kung aalis man sila. Kaya paano?
Hanggang 7pm lang ang pasok namin pero dahil madami ang customer ngayong araw ay nag-overtime kami. Naglakad pa muna kami hanggang sa waiting shed para doon sumakay, ngunit nang makitang walang trike sa pila ay nagpasya muna kaming umupo.
"Tingin mo totoo yun?" Tanong ni Alex sa akin.
"Ewan ko." Maikling sagot ko.
"Sabi mo kumain pa kayo ng ice cream sa tabing dagat diba? At wala naman siyang nabanggit na pupuntahan nila. Kung totoong naaksidente siya, bakit hindi man lang sinabi sa atin ni Tita Min, o kahit sayo man lang bilang ikaw ang best friend niya?"
"At nung oras na naaksidente siya, hindi naman agad agad masasabi kung may amnesia siya. Tingin mo sinadya nilang hindi sabihin?" dagdag pa ni Noel.
Bumuntong hininga ako. Dahil tulad nila ay iyon din ang mga tanong ko. Bakit hindi nila sinabi? Bakit inabot sila ng tatlong taon bago bumalik? At kung totoo man na wala siyang naaalala, ano pa ang dahilan niya para bumalik dito.
Isang kotse ang huminto sa tapat namin at bumaba ang bintana nito.
"Wala kayong masakyan? It's getting late, tara hatid ko na kayo."

BINABASA MO ANG
Cookies n' Cream
ContoPipay and Dwayne's friendship started with having a common preference for an ice cream flavor. Hence, just as Pipay thought their friendship would turn into a romantic relationship after that kiss, Dwayne left her. Then he came back. He came back bu...