Chapter 6

26 1 0
                                        

"Napakadami mo naman talagang dala Janine parang wala ka namang balak umuwi, tatlong araw lang tayo dun hoy!" Angal ni Noel dahil sakanya pinabitbit ni Janine yung isa niyang bag. Totoo naman kasi na napakadaming dalang gamit ni Janine, pero sa hula ko mas madaming dala si Alex. Ang huling text niya sa amin ay nasa daan na siya, pustahahan tayo hindi papadaig ang isang 'yon.

Matapos ang magdamag na pagpupumilit sa akin ng apat na kumag ay sumama din ako. Nagtataka kayo bakit apat noh?

"So napilit ka nila o napilit kita?" Nakangiting bungad sa akin ni Clifford nang dumating siya.

Nung gabing nakauwi yung tatlo ay nakatanggap ako ng message galing sa isang unknown number.

From: Unknown number
       Sumama ka na tapos lunurin natin sila! Haha joke lang pero hindi nga sumama ka na kasi andaya naman kung sila lang mage-enjoy. Tsaka nakita ko feed mo sa ig, feed goals naman pala! Magaling ako kumuha ng pictures kaya maaasahan mo ako. Ayaw mo nun mage-enjoy kana, may photographer ka pa! Ano pang hinihintay mo? Sama na!
                   - Clifford poging manager

Me:
      Stalker ka manager! Tsaka san mo nakuha number ko ha?

Clifford:
       Sinabi ng Clifford nalang Ms. Sarmiento. Nasa resume mo kaya! Ouch naman sa stalker, follow nalang kita mamaya ng madagdagan naman followers mo. So ano sasama ka na ba?

Me:
     Awit naman sa Ms.Sarmiento, Penelope nalang. Kapal naman ni Manager, nahiya ako sa 1,051 followers mo.

Clifford:
      Sino sa atin ngayon ang stalker ha? Followback naman pala Ms.Famous! Gagalingan ko kumuha ng pictures promise, sama ka na?

Me:
      Gusto mo din naman pala sumama, dinadamay mo pa ako. Payagan mo na sila.

Clifford:
      Pakipot! Di masaya pag kulang! First outing 'to ng milk tea squad kung saka-sakali. As your manager, gusto ko kumpleto tayo:)

Me:
    Milk tea squad amp. Masyadong jologs para sa isang manager na katulad mo.

Clifford:
    Penelope wag mong pahabain usapan nakakahalata na ako. Hahaha joke, so sasama ka na ba?

Me:
    Kapal.

Clifford:
    I'll take that as a yes! Inform ko na sila!

Me:
   Pag wala kang dalang DSLR camera, uuwi ako.

Clifford:
   Yes! Noted master!

"Tse, asan camera mo?"Sagot ko sakanya.

Natawa siya sa sinabi ko. "Sagot ko pictures mo!" Sabay taas ng DSLR camera niya.

Inirapan ko nalang siya.

Sa totoo lang ay bago umuwi yung tatlo sinabi kong pag-iisipan ko pa kahit na napilit na talaga nila ako. Gusto kong sumama dahil yun nga bukod sa libre ay isa talaga ito sa pinunta ko dito, ang mamasyal at mag-enjoy.

Isa pa, hindi ko maitatanggi na talagang gusto ko pagandahin yung feed ko sa ig kaya napaisip ako sa offer ni Clifford na maging photographer ko. Nang tinignan ko kasi ang feed niya ay mukhang mahilig at magaling nga talaga siyang kumuha ng litrato.

Cookies n' CreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon