Chapter 12

20 1 0
                                    

Kinaumagahan ay nagising akong mag-isa nalang sa kama. Agad na hinanap ng paningin ko si Dwayne at nakita ko itong nakatalikod sa akin malapit sa pintuan, tila ba may kausap sa telepono.

"I'm fine now, Ma." Mahinang ani niya. "We are safe. There is nothing to worry about. I just want to make sure she's okay and that they will leave her alone. I'll hang up now, natutulog pa siya."

Mabilis akong nagtulog-tulugan muli. Nagpanggap nalang akong nagising nang matapos komg marinig si Dwayne umorder ng pagkain para sa breakfast namin.

"Hey, good morning." Nakangiting bati niya. "I already ordered food for our breakfast."

"Uhm, okay ka na? Kamusta pakiramdam mo?"

Agad siyang nag-iwas ng tingin sa akin at kung hindi ako nagkakamali ay namumula ang pisngi niya.

"Uh yeah, t-thank you for t-taking care of me... and...I-I'm sorry...I d-didn't mean to sleep beside y-you, i-it's j-just th—

"Ah...hahahaha." Dinaan ko nalang sa tawa dahil hindi na siya matapos tapos magpaliwanag. Mukhang nakuha ko na kung bakit siya ngayon nauutal. Bigla ay ramdam ko 'din ang init ng aking mukha.

Tang ina. Body heat pa, Pipay. Ugh!

"Wala 'yun. Ako nga dapat humingi ng pasensya sa'yo. Sorry hindi ko na rin kasi alam ang gagawin ko kagabi. Kahit kasi anong patong ko ng comforter hindi ka tumitigil manginig eh. Pasensya kana nakatulugan ko rin." Pilit kong pinapakalma ang boses ko kahit na sa loob-loob ko ay hiyang-hiya ako.

Mabuti nalang din at may nagdoorbell sa labas.

"Dwayne?! Penelope?!" Boses ni Clifford yun kung hindi ako nagkakamali.

"Ano? Wala pa rin ba? Halos nacheck na natin lahat ng room dito. Tatlo nalang ang natitira, dito kaya sila nagpalipas ng gabi?" Rinig ko na rin ang boses ni Janine.

"Wala namang ibang hotel dito eh.  Tsaka nung pinakita ko yung picture nila sa receptionist, oo raw, dito sila nagcheck in. Sa iisang room pa nga raw." Si Alex yun.

"Last na doorbell pa bago tayo lumipat sa next room." Si Noel.

Bago pa man nila madoorbell ulit ay binuksan na ni Dwayne ang pinto.

"Dwayne! Sigaw ni Alex.

Tumayo na rin ako at naglakad palapit sa pinto.

"Kamusta? Nag-alala kami." Sabi ni Janine.

Nag-angat ako ng tingin at naabutan ko ang titig ni Clifford. Tila ba napawi ang pag-aalala niya nang makita ako. 

"Okay lang naman kami, malas lang talagang naabutan ng malakas na ulan." Sagot ko.

Nilagpasan nila akong tatlo at sabay-sabay na dumiretso kay Dwayne.

"Ikaw ba, Dwayne? Okay ka lang ba talaga? Hindi ka naman nahihilo? Rinig kong tanong nila.

"I'm fine. There's nothing to worry about." 

Saglit pa nilang tinitigan si Dwayne at nang makitang wala naman itong iniindang sakit ay tila ba napanatag na rin sila. Bahagya man akong nagulat sa paraan nang pag-aalala nila ay binalewala ko nalang ito. Inisip ko nalang na siguro ay dahil boss namin si Dwayne kaya ganoon na lamang ang pag-aalala at reaksiyon cila.

"Halla... iisang bed lang kinuha niyo?" Puna ni Noel.

Sa dami nang pwedeng mapansin nitong si Noel ay yung kama pa talaga.

Pwede namang yung tv na malaki. Yung breakfast, yung password ng wi-fi or yung kulay ng dingding. Ugh!

"This is the only room available last night. Don't worry I slept on the floor." Agad namang sabi ni Dwayne.

Cookies n' CreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon