Chapter 13

14 0 0
                                        

Pinilit ko nalang balewalain ang mga narinig ko nung araw ng uwi namin. Nagkunwari nalang din akong nakasalubong sila para balikan ang cellphone ko. Hindi ko naman sinasadyang marinig kung ano man ang pinagtatalunan nila. 

Napagkasunduan din namin agad ni Clifford kung anong talent ko. 3 minutes lang per contestant ang binigay na oras para sa pagpapakita ng talent. Sa huli ay napagdesisyunan namin ni Clifford na kumanta sa unang kalahati ng 3 minutes and interpretative dance naman sa remaining minutes. "Ikaw at Ako" ni Jason at Moira ang napili naming kanta, at siya ang partner ko.

"Okay ka lang?" Tanong ni Clifford paglabas ko ng rehearsal room. Nang magsimula ang rehearsals namin for the pageant ay araw-araw na akong sinusundo ni Clifford. Ayaw ko sana nung una kaso siya na rin nagsabi na hihintayin niya nalang din naman daw ako sa bahay namin para magpractice edi susunduin niya nalang ako para naman may kasabay ako umuwi. 

"Hmmm, medyo pagod lang."  

Sa totoo lang hindi medyo kasi pagod na pagod talaga ako dahil 1 week straight na kaming nagpa-practice for the pageant. Hindi pa nakakatulong yung bulungan na naririnig ko tuwing rehearsals mula sa ibang contestants. Kumalat na siguro yung balita na nakipagmeet ako kay Ysabel, ang reigning Mutya ng San Felipe na pinsan ni Alex. Tinuruan lang naman niya ako kung paano ang tamang paglalakad at pagngiti sa stage. Wala naman akong nakikitang pandaraya doon. Ni wala pa nga halos isang oras 'yun dahil busy din siya. Isa pa, halos lahat sila may handler, yung isang contestant nga pamangkin ng Mayor, yung isa naman boyfriend yung kaibigan ng isang judge, ni hindi ko naman sila pinag-isipan ng masama ah.

"Gusto mo bang skip muna tayo ng practice today? Para naman makapagpahinga ka. Yung sayaw nalang naman ang kailangan dating makabisado eh." Sinserong suhuestiyon ni Clifford.

"Hindi na. Sayang naman paghihintay mo sa akin dito kung hindi tayo magpa-practice."

Matagal niya akong tinitigan, bahagya ring nakakunot ang noo niya. "Tara may pupuntahan tayo." Nauna siyang naglakad saka binuksan ang pintuan ng sasakyan sa parte ng shotgun seat.

"Huh? Saan?" Nagtatakang Tanong ko.

"Sakay."

Sumakay nalang ako kahit wala akong idea kung saan kami pupunta. Saka ko lang napagtanto na sa dagat ang punta namin nang marinig ko na ang hampas ng ulan at matanaw ang papalubog na araw.

Sunset...

My comfort...My serenity...My favorite view on Earth.

"Woowww! Clifford dali! Sunset na!" Excited na sabi ko kay Clifford. 

I heard him laugh.

Pagkapark ni Clifford ay mabilis akong bumaba at tinakbo ang dagat.

"Dahan-dahan naman! Madadapa ka na naman niyan." Sigaw niya.

Hindi ko siya pinansin at nakangiting umupo sa buhangin nang marating ang saktong layo sa dagat. Maya-maya ay  tuluyan nang lulubog ang araw kaya niready ko na ang phone ko. Sa totoo nga niyan may highlights pa ako ng sunset sa Instagram. Marami yun eh, kaso marami rin kasi doon kasama ko si Dwayne, kaya nung umalis siya at hindi bumalık, inalis ko na rin yung iba. Ayoko kasing masaktan noon tuwing tinitignan ang sunset. Naisip ko noon, na gusto kong manatiling paboritong tanawin ang sunset kahit wala na 'yung tong kasama kong naging paborito 'to.

Mahal na mahal ko kasi ang sunset eh, wala lang, basta para sa akin may kakaiba siyang epekto sa sistema ko. Napakasarap niyang tingnan, tila ba laging naghahatid ng mensahe na magiging okay din ang lahat, na posible pa rin akong maging masaya, at na hindi ako magiging mag-isa dahil bukas, paggising ko ay sisikat ulit siya. Kaya ayoko talaga nang tag-ulan eh. 

Cookies n' CreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon