Hanggang ngayon ay iniisip ko kung mali o tama ba ang pagkakarinig ko sa kung anong sinabi ni Dwayne kanina.Salamat nalang din kay Clifford na walanghiyang pumasok sa kwarto para mabaling ang atensiyon ko sa ibang bagay.
"Candid shot naman tawa ka kunwari!" Andito kami ngayon sa tabing dagat ni Clifford para kumuha ng pictures. Sabi niya ay bukas na daw kami hahanap ng ibang spot dahil maya maya rin ay sunset na.
Balak namin magbonfire mamaya at siguro ay mag-iinuman din.
"Mamaya nalang ulit nangangawit na ako magpose." Sabay upo ko sa buhangin. "Patingin nalang muna ng mga kuha mo sakin."
Umupo sa tabi ko si Clifford at inabot sa akin ang camera.
"Pili ka nalang ng gusto mo tapos i-edit ko."
"Hindi ko alam na seseryosohin mo naman yung pagiging photographer ko." Natatawang sabi ko habang namimili ng mga ipapa-edit na pictures sakanya. "Ikaw pa ba yan Manager?"
"Tss, sabihin mo nalang na magaling ako kumuha. Walang anuman." Mayabang na sagot niya.
"Magaganda kuha mo kasi maganda ako. Yun lang yun."
Ine-expect kong tatawa siya at babarahin ako pero wala akong narinig na sagot at tawa mula sakanya kaya binalingan ko siya ng tingin. Napakunot nalang ako ng nuo nang makita ko siyang nakangiti at nakatingin sa dagat.
"Ngini-ngiti mo diyan?"
Lumingon siya sa akin. "Wala. Mamili ka nalang dyan dami mo pang sinasabi."
Umirap nalang ako sakanya.
"Clifford! Pipay! Tara meryenda muna!" Napalingon kami pareho nang tinawag kami nila Janine.
"Tara." Pagkatapos magpagpag ng buhangin sa katawan ay nilahad ni Clifford kamay niya sa akin.
Inabot ko naman yun saka tumayo.
Mula sa malayo ay tanaw ko ang tingin ni Dwayne. Nung una ay hindi ko alam kung sa amin ba siya nakatingin o sa dagat. Naging malinaw lang sa akin kung saan siya nakatingin nang makalapit kami sakanila.
Seryoso siyang nakatingin sa kamay ko. Anong meron ba sa kamay ko? Tinignan ko ito at naabutan ko ang magkahawak naming kamay ni Clifford.
Hindi ko napansin na magkahawak kamay kaming naglakad lintek. Binitawan ko ang kamay ni Clifford at nakitang nakangisi ito sa akin.
"Uso bumitaw. Tsansing ka ha." Nakangising sabi niya.
"Hindi ka din bumitaw, baka ikaw ang may gustong tsansingan ako?" Taas kilay kong sagot sakanya.
"Eh kung sabihin kong oo?"
Sasagot pa sana ako sakanya pero hindi ako nakapagsalita nang makita ko ang seryoso ng mukha niya.
Anong tingin yan?!
Ngunit agad din niyang binawi yun at saka tumawa ng malakas tinuturo ang mukha ko.
"Wag mo sabihing kinilig ka? Speechless. Tsk tsk."
Huminga nalang akong malalim para maalis ang inis ko at pekeng ngumiti sakanya.
BINABASA MO ANG
Cookies n' Cream
Short StoryPipay and Dwayne's friendship started with having a common preference for an ice cream flavor. Hence, just as Pipay thought their friendship would turn into a romantic relationship after that kiss, Dwayne left her. Then he came back. He came back bu...