Chapter 11

17 1 0
                                        


"May nakakatawa ba?" Inis na tanong ko kay Dwayne pagkapasok namin sa kwarto.

Kanina pa kasi siya pangisi-ngisi nung naglalakad kami papunta dito sa room namin. Inosente niya naman akong tinignan.

"What?" Mahinahong tanong niya at agad ding nag-iwas ng tingin sa akin pero kitang kita ko ang pagkagat niya sa labi niya.

Nakakaasar.

Nilibot ko ng tingin ang kwarto.

Dalawang upuan.

Isang mesa.

Isang kama.

Ugh! Nakakaasar talaga!

"Here." Sabay abot sakin ng t-shirt niya. "Magpalit kana."

"Paano ka? Basa ka din."

"I still have one extra shirt, don't worry."

"Uh okay, thanks." Sagot ko at tinungo na ang cr.

"Ay potek!" Napasigaw ako sa gulat ng biglang kumatok si Dwayne sa pinto. "Ano ba?!"

"Sorry." Nahihimigan ko sa boses niyang natatawa siya. "Lalabas ako para bumili ng pagkain, anong gusto mo?"

"Ikaw na ang bahala." Mahinahon ng sagot ko.

Paglabas ko ng cr ay wala pa rin si Dwayne kaya nanuod nalang muna ako ng tv. Nakalimutan ko palang tanungin sakanya kung may dala ba siyang charger, nalowbat na kasi ako. Hindi pa naman ako nakapagpaalam kila mamy na hindi ako makakauwi ngayong gabi, baka nag-aalala na sila.

Hindi pa man ako nakakatagal sa panunuod ay inantok na ako. Unti-unti ay tuluyan ng bumagsak ang talukap ng mga mata ko.

Bahagya akong nagising nang may maramdamang kamay na marahang humahaplos sa ulo ko.

"You look at peace. You look happy. And I'm starting to regret my choice of coming back. Pipay, nakakatakot. Natatakot ako. Gusto kong tumakbo pabalik sa'yo para magsumbong, magpaliwanag...Am I late my love? Am I being selfish?"

Hindi ko na narinig ng buo ang lahat ng sinasabi nung taong humahaplos sa ulo ko dahil nakabalik din ako sa pagtulog ko. Tuloy ay nang magising ako ay pala-isipan sa akin kung panaginip ba 'yun.

Pagbangon ko ay napagtanto ko na nakabalik na si Dwayne sa pagbili ng pagkain. Nakita ko ang mga supot sa ibabaw ng mesa at nilapitan ko 'yun.

Guni-guni ko lang ba yung kanina?

Pero alam kong boses ni Dwayne yun.

Panaginip, oo tama. Panaginip lang siguro.

Agad namang nawala ang isipan ko dito nang makita ang mga binili niyang pagkain. Ugh! Buttered shrimp! Chicken wings Favorite ko 'tooo! Buti may nabilhan pa siya? Ang alam ko ay medyo malakas padin ang ulan kanina. Nanghira naman siguro siya ng payong? Halos magtatalon ako sa tuwa sa mga biniling pagkain ni Dwayne. Paborito ko ang lahat ng 'yun. Maski ang butter coconut na biscuit ay mayroon. Isa lang ang wala doon, marahil ay alam niyo na anong pagkain 'yun.

I wonder if this is just a coincidence o kung tsinismis na naman ba nila Alex ang mga paborito kong pagkain.

Favorite foods ko na naman kakainin namin. Baka bukas...bukas...bigla nalang na naman siyang mawala. Ayoko na atang magkaroon ng paborito.

Naputol lang ang pag-iisip ko doon nang marinig ko ang pagbukas niya ng pinto ng cr.
Mabilis na natapos maligo si Dwayne. Pagkalabas niya ay halos murahin ko ang sarili ko sa ginawang pagtitig sa itsura niyang bagong ligo. Anglinis at angbango niyang tignan. Nabalik lang ako sa katinuan ko nang tinagilid niya ang ulo niya at ngumiti sakin.

Cookies n' CreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon