PROLOGUE

92 5 2
                                    


"Happy All Souls Day Pipay!Ops buwahaha eto na seryoso na tutal birthday mo naman. Happy Birthday Ms.Penelope Grace Sarmiento! I promise that I'll always be here for you.Naks! English yun pare para mas dama! I promise to be your one call away poging bestfriend haha boom swerte mo oyy hahaha! I will never lea—"

Sus hindi daw mang-iiwan. I promise, I promise ka pa letse ka. Bago pa niya matapos ang message niya sa akin three years ago ay sinara ko na ang laptop ko. 29 times, oo  29 times ko na itong pinanuod ngayong araw hindi pa kasali yung pagnuod ko nito sa nagdaang tatlong taon ha. Hep, hindi ako marupok, slight lang hahaha charot! Pagbigyan niyo na ako birthday ko naman, tsaka ito narin yung last na birthday ko na papanuorin ko yang video greeting niya na yan noh! Magmomove-on na talaga ako! Oo sa bestfriend magmomove-on ako, bakit ba?! Hmff!!

"Pipay ang kapatid mo!" sigaw ni Mama mula sa baba ang narinig ko.

Hay nako ilang beses ko bang sasabihin kay Mama na dalaga na ako at dapat Penelope na itawag niya sakin, pinangalanan pa niya akong Penelope kung Pipay din naman pala itatawag niya sakin. Hep, self kalma, birthday mo ngayon. Wag kang sumimangot at nakakapangit yan. Ay sandale, kapatid? Nataranta akong lumabas ng kwarto sa pag-aakalang inatake na naman ng hika ang kapatid ko na si Nathalia.

"Happy birthday to you, Happy birthday to you, Happy birthday, Happy birthday, Happy Birthday to you!" magiliw na pagkanta nila Mama,Papa at Nathalia.

"Ate wish!" sabay lahad ni Nathalia ng cake sa akin. Pumikit ako saka hinipan ang kandila.

Pagbaling ko sa lamesa ay nakita ko ang pagkaing hinanda ni Mama, lalong lalo na yung ice cream na cookies and cream.

"Oh bakit? Hindi ba't paborito mo yan, bakit mo inaalis sa hapag? tanong ni Mama matapos kong alisin ang ice cream sa mesa.

"Tatlong taon ko ng sinasabi sa'yo na sawa na ako dyan Ma."

Sige nga. Paano mo kakayaning kainin ang tanging pagkaing pinagsasaluhan niyo tuwing birthday ng isa't isa, tuwing may pinagdadaanan ang isa sa inyo at higit sa lahat ang huling pagkaing kinain niyo ng sabay bago ka niya iwan ng walang paaalam at dahilan.

Hindi lahat ng paborito, nanatiling paborito. At hindi lahat ng nangangakong hindi ka iiwan ay mananatili sa tabi mo.

Habang kumakain ay napag-usapan namin nila Mama ang balak kong pag-uwi sa probinsya.

"Sigurado ka na ba dyan?"

Bumuntong hininga ako. Matapos ang apat na buwang pago-online class, ngayon ay buo na ang desisyon kong umuwi ng probinsya. Uuwi ako para huminga, para makalanghap ng mas sariwang hangin, makakita ng magagandang tanawin tulad ng bundok at dagat, mag-isip isip at magkaroon ng sariling academic freeze sa buhay dahil ayaw naman itong ibigay ng DepEd, char wanhap.

Matagal ko din itong pinag-isipan, kasi syempre sayang naman talaga yung pera na pinang-enroll ko, yung naumpisahan ko at yung isang taon na mahuhuli ako. Pero hindi naman race ang success sa buhay, hindi naman yan sa kung sino ang naunang natapos eh siya na ang mas magiging mas successful. At hindi din naman sa sinasabi ko na sinasayang ng mga estudyanteng nag-aaral ngayon ang buhay nila ha, ang sakin lang you don't have to feel sorry and sad for taking a break, allowing yourself to take time thinking what you really want to do in your life is okay.

"Mag-iingat ka dun ha, tumawag ka kaagad pagdating mo. Sinabihan ko na ang pinsan mo na si Mark na sunduin ka nalang sa waiting shed sa bayan." bilin ni Mama habang naghihintay kami ng bus.

Mga apat na oras ang biyahe mula Manila papuntang Zambales. Doon ako lumaki at nagtapos ng high school, lumipat lang naman kami sa Manila nung nagsenior high na ako. Na-promote din kasi si daddy sa kompanya na pinagtatrabahuhan niya. Or should I say, lumipat kami ng Manila isang buwan matapos niyang maglaho ng parang bula.

"San Felipe! Waiting shed ng San Felipe, sinong bababa?" malakas na sigaw ng kondoktor ang naging dahilan ng paggising ko. Awit! Nakatulog pala ako sa biyahe, buti nalang malakas boses ni manong kondoktor! Nayswan manong!

"Pst! Pipay!" boses ng mukhang unggoy kong pinsan na si Mark ang bumungad sa akin pagkababa ko ng bus.

"Pwede ba?! Penelope itawag mo sa akin."

"Sus! Bakit may naaalala ka ba pag tinatawag kitang Pipaaaaayy? Wag mo ng isipin yun, di na yun babalik, tsa— natigil lang siya sa kakadaldal ng ambahan ko siya ng suntok. Ang mukhang unggoy na'to sana magbreak sila nung jowa niya, sino na nga ulit yun? Claripel ba? Hmfff.

"Mommy!" sigaw ko ng matanaw si mommy pagkadating namin sa bahay, hep wag kayong malito, lola ko siya nasanay lang talaga akong tawagin siyang mommy.

"Magmeryenda ka muna saka ka magpahinga, mukhang napagod ka sa byahe."

"Busog pako My, tsaka nakatulog naman po ako sa biyahe. Gusto ko po sanang magpunta sa dagat para makita ang sunset."

"Hoy kalbong unggoy! Asan motor mo? Punta tayong dagat dali!" sabi ko sa pinsan ko na hindi ko alam anong nakain at nagpakalbo.

"Aba! Ganyan pag walang jowa? Pinsan ang ginagawang alila!"

Umarte lang siya nung una pero heto't nasa daan na kami papuntang Linasin, lugar kung nasaan ang dagat. Marami ang beach dito sa Zambales, ito ang isang bagay na maipagmamalaki naming mga Zambaleños. Bukas ay balak kong sa Brgy. Sto. Niño magpunta, sana ay hindi busy yung mga high school friends ko. Babalitaan ko nalang sila mamaya na umuwi ako at sana maaya ko sila, miss na miss ko nadin yung mga ulupong na yun eh.

"Wow!" sambit ko ng tuluyang masilayan ang sunset. Halos tatlong taon narin kasi ng huling bisita ko dito. Gustuhin man naming umuwi nila Mama, laging busy si Papa at kung may oras man ay nilalaan namin ito sa pagto-tour sa ibang bansa.

Ang tanging ginawa ko lamang ay kunan ng litrato ang sunset hanggang sa may mabangga ako.

"Ops sor— natigilan ako ng paglingon ay nakita ko kung sino ang nabangga ko.

"Daddy! There you are!" isang tinig ng batang lalaki na nasa tatlong edad ang tumakbo at dali-daling yumakap sa binti ng lalaking nabangga ko.

"Sorry Miss, let's go baby." aniya at isang ngiti ang iginawad sa akin bago lumuhod upang kargahin ang bata at naglakad na palayo.

Naiwan akong nakatulala.

"Pipay tara na!"

Matapos pahiran ang isang patak ng luha ay nilingon ko ang pinsan ko. Tinakbo niya ang distansya namin.

"Bakit ganyan itsura mo? Para kang nakakita ng multo."

"Nakakita nga, yan oh kaharap ko." sabay turo ko sakanya. "Tara na nga."

Miss amputa? Aba nakuha pang ngumiti! Ano di niya nako kilala ganun? May amnesia ka gurl? Daddy? Baby? So may anak na siya? Hahaha hindi lang pala sa pang-iiwan magaling si gago pati din sa kama. Hayop.

Cookies n' CreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon