Pagkaabot sa akin ni Clifford ng panyo ay umalis na siya. Inaantok na daw siya kaya kami nalang ang tumapos sa huling kanta ng Kemeroots Band.Kinabukasan din nun ay nagulat nalang ako nang sabihin nila Alex na nauna na siyang umuwi. Ang alam ko kasi ay after lunch pa kami uuwi pero nauna na daw siya.
Sa last day ng outing namin na 'yun ay tahimik lang ako. Iniisip ko pa din kung ako lang ba o may ibig sabihin ang mga kinanta nila Clifford at Dwayne.
Tinext ko si Clifford nung araw din na iyon kung bakit siya nauna at ang sabi niya lang ay may biglaan siyang lakad sa Manila. Nagtext ako ulit sa kanya na saka ko nalang ibabalik yung jacket at panyo niya pag nakauwi na siya pero hindi na siya nagreply ulit.
Ngayon ang unang araw ng pasok namin ulit sa trabaho matapos yung outing namin pero wala pa rin si Clifford. Natagalan ata siya sa Manila. Siguro ay importante talaga yung ginagawa niya doon. Pansamantala namang si Dwayne ang pumalit sakanya.
"Pipay, kamusta yung talent mo para sa pageant. Nakadecide ka na ba?" Tanong ni Janine.
"Oo nga pala malapit na yun!" Si Noel.
"Hindi pa nga eh."
Gusto ko kasi sanang kumanta kaso baka pumiyok pa ako sa sobrang kaba.
"Marunong ka naman mag-gitara diba?" Si Alex.
"Matagal na akong hindi naggitara eh, ewan ko, tignan ko pa." Sagot ko.
Sa totoo lang ay gusto ko sanang magpaturo kay Clifford kaya lang ay hindi ko alam kailan siya uuwi. Mukhang busy din kaya hindi ko mamessage.
"Dwayne tumawag nga pala yung furniture shop. Pwede na daw tignan yung designs ng mga tables nila. Magsasara daw sila bukas kaya mas maganda kung ngayon na daw tignan at luluwas pa sila para doon sa klase ng kahoy na mapipili. Eh kaya lang wala pa si Clifford, sinong pupuntang titingin?"Narinig kong sabi ni Janine kay Dwayne.
Papalitan nga pala yung ibang tables dito ng mas malaki. Napansin ko kasi na madalas pagdugtungin ng ibang customers yung dalawang maliit na mesa kaya sinabi ko yun kay Clifford na kung pwedeng palitan ng mas malaki. Siguro nabanggit niya kay Dwayne.
"Ako na." Sagot ni Dwayne.
"Ha? Eh medyo malayo yun ah! Isama mo na si Pipay. Tutal siya din nakaisip palitan yung tables, mas alam niya anong tamang designs." Suhestiyon ni Alex.
"Oo tama! Isa pa alam ni Pipay daan papunta doon! Alis nalang kayo ng before lunch para di kayo gabihin." Pagdadagdag ni Noel
Pinanlakihan ko silang dalawa ng mata pero tinalikuran lang nila ako.
"It's okay if you don't want to come." Napatingin ako kay Dwayne.
Napakamot pa ako sa ulo dahil ako nga pala nakaisip nito. Bakit kasi sila nakikinig sa akin ha?
"Sige samahan na kita."
Nakita kong nagulat pa siya sa pagpayag ko. Kahit ako nagulat din sa sarili ko eh. Boset.
"O-okay, thank you. I'll call our driver."
"Nako Dwayne wag na! Kaya mong i-drive yun! Ituturo nalang ni Pipay!" Nakangising sabi ni Janine.
BINABASA MO ANG
Cookies n' Cream
Short StoryPipay and Dwayne's friendship started with having a common preference for an ice cream flavor. Hence, just as Pipay thought their friendship would turn into a romantic relationship after that kiss, Dwayne left her. Then he came back. He came back bu...