"Papa? Bakit ka po nandito? May problema ba?"Nagulat ako nang pag-uwi ko ay nadatnan ko si Papa na nakaupo sa sofa. Hindi naman nabanggit sa akin nila Mama na uuwi siya dito.
Unti-unting namuo ang luha sa aking mata nang bumaba ang tingin ko sa papel na hawak niya.
The moment I saw the paper he was holding, I knew that they had already read my letter. After kong makita ang prelim grade ko sa accounting ay parang huminto ang mundo ko. Totoo pala, sa college mo mapapatunayan na bobo ka. Dito masusubukan ang tatag at lakas ng loob na meron ka at kung hanggang saan ang kaya mong ibigay at tiisin pagdating sa pangarap mo. Kahit consistent honor student ka pa mula elementary up until senior high school ay walang wala ang talinong pinanghahawakan mo pagtungtong mo sa college. Parang sinampal sakin ang realidad ng buhay.
I can't directly tell may parents that I failed. I have always been afraid to disappoint them. Gustong-gusto kong sabihin na hindi na ako sigurado sa sarili kong pangarap, na unti-unti ng nauubos ang tiwala ko sarili, na hirap na hirap na ako sa course ko, na kahit anong pilit ko ay wala talaga akong maintindihan sa online class.
Ayoko ng magpanggap na okay lang ako kahit hindi naman. Kaya bago ako umalis, nag-iwan ako ng sulat sa cabinet nila Mama. At ngayong nandito si Papa, malamang ay nabasa na nila iyon.
"Anak usap tayo." mahinahong sabi ni Papa.
Umupo ako sa tabi niya at pilit parin pinipigilan ang nagbabadyang mga luha.
"Kamusta ka dito? Nabasa namin ng Mama mo ang sulat na iniwan mo, Pipay. Bakit hindi mo agad sinabi sa amin ito anak?" sinserong sabi ni Papa. "Akala mo ba ay bababa ang tingin namin sa'yo? Pipay, hindi mababawasan ang pagmamahal at paghanga na mayroon kami sa'yo dahil lang sa mababa ang marka mo. Oo, masaya ako na lumalaki kang matalino pero higit dun ay mas masaya akong nakikita kang lumalaking may takot sa Diyos at mabuting tao."
"Papa hirap na hirap na po ako. Pakiramdam ko napapag-iwanan na ako. Hindi ko kayang makipagsabayan sa talino ng mga kaklase ko. Kahit anong puyat at aral ang gawin ko, wala pa din akong maintindihan, Pa." tapat na amin ko kay Papa.
"Walang madali anak, lalo na pagdating sa pangarap. Maraming beses kang madadapa, maraming beses kang masasaktan, at maraming beses kang matatalo. Pero lagi mong tatandaan na normal yun at parte yun ng proseso. Walang taong hindi nahihirapan at hindi nabibigo anak. Kung bumagsak edi babawi, kung nadapa edi tatayo, ang mahalaga ay bumabangon ka upang sumubok muli. Ang importante ay nagpapatuloy ka, Pipay. At huwag mong tignan ang mga kaklase mo o ang ibang tao bilang kalaban mo o kakompetensiya mo, dahil tulad mo ay may pangarap din silang pinagsusumikapan at pinaglalaban sa buhay."
Nang niyakap ako ni Papa ay hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng aking luha.
Matapos naming mag-usap ni Papa ay para akong nabunutan ng tinik. Nakakagaan ng loob na manggaling kay Papa ang mga salitang yun. Sana ay lahat ng taong may pinagdadaanan ay magkaroon ng lakas ng loob magbahagi ng kanilang problema at makahanap ng taong sasamahan silang malagpasan yun. May we all find the happiness, hope and piece of mind we deserve.
Kinabukasan din ay bumalik si Papa ng Manila. Mabilis na lumipas ang isang linggo at nakapag-umpisa na rin kami sa aming trabaho.
"Sasali ka sa Mutya ng San Felipe?!" sabay sabay na sigaw sakin nila Janine nang ipaalam ko sakanila ang desisyon kong pagsali sa pageant.
"Hindi ka naman nilalagnat ano?" sabi ni Alex at nakakalokong nilagay ang kanyang palad sa aking noo.
"Ano ba?!" sabay alis ko ng kamay niya.
"San ka uminom kagabi?" kunot nuo ko namang binalingan ng tingin si Janine sa tanong niya.
"Hindi ako lasing."
"Kurutin niyo ako dali! Kurutin niyo ako!" at agad namang kinurot ng dalawa si Noel. "Aray! Oh shit confirmed hindi ako nanaginip."
"Alam niyo bwisit kayo kausap." pikon na sabi ko sakanila.
"So bakit nga? Anyare sa 'Ay salamat po, pero pasensya na po at hindi ko po kayang sumali sa ganyan'." panggagya ni Noel sa sinabi ko nung panahong tumanggi ako sa ateng nag-alok saking sumali sa mutya.
"Eh kasi nga kagabi habang nagi-scroll ako sa fb at twitter, nakita ko kung gaano napinsala ang ibang lugar ng bagyo. Nakita niyo ba yung nangyari sa Tuguegarao? Gusto ko sanang tumulong kahit konti, kaso yun nga wala naman akong ganung kalaking ipon at nagastos ko na lahat halos nung nag-online class ako. Kung papalaring manalo, sayang naman yung pera kong pwedeng maitulong, diba?." pagpapaliwanag ko sakanila.
Sobrang nakakaawa talaga ang nangyari sa mga lugar na napinsala ng bagyo. Kailangan nila ng tulong kaya naisip ko na bukod sa sahod ko dito sa milk tea shop baka pwede pang madagdagan yun kung sakaling manalo ako.
Nakakatuwa lang din at napagpasyahan nila Alex na ibigay ang kalahati ng suweldo nila ngayong buwan sa mga nasalanta ng bagyo. Ngayon ay pinapanalangin ko na sana ay naiisip din ng mga mas nakakaangat lalong lalo na ang mga nasa posisyon ang tumulong sa mga taong napinsala ng bagyo. Sana ay kumikilos din sila. Sana ay napapanindigan nila ang mga pangakong binitawan nila sa bayan noong panahon ng election.
Kahapon ko lang sinabi kila Alex ang pagsali ko sa mutya pero nandito na agad kami sa munisipyo ngayon upang magpalista. Mga excited amp.
"Wag nalang yata." sabi ko nang may makasabay akong mga magpapalista. Eh paano naman kasi ang gaganda nila. Iisip nalang siguro ako ng ibang paraan para madagdagan yung donation na ibibigay namin huhu.
"Umayos ka! Isipin mo yung mga taong napinsala ng bagyo Pipay! Tsaka di pa nga nag-uumpisa yung laban, pinanghihinaan ka na agad ng loob. Maganda ka noh! Mas maganda nga lang ako pero pwede naman ng panlaban yung ganda mo." diretsahang sabi ni Alex.
Matapos magpalista ay sinubukan naming hanapin yung ate na lumapit samin sa 7-Eleven.
"Ayun si ate!" sabi ni Janine nang makita siyang nakikipag-usap sa isang co-worker niya. Agad namin siyang nilapitan.
"Uy nagbago isip mo? Mabuti at umabot ka, ngayon ang huling palista eh. Malaki ang chance mo! Good luck!" mayayakap ko na 'tong si ate laki ng tiwala sakin eh.
"Opo, uhm thank you ate! Pasensya na po at hindi kita nasabihan, biglaan po kasi. Balak ko nga po sanang itext ka muna kaso excited po yung mga kaibigan ko." sabi ko kay Ate.
"Oh! Si Mr. Gracias yun diba? Yung teacher natin sa accounting nung Grade 11." turo ni Noel sa isang lalaki na ngayon ay palabas sa office of the mayor.
"Yes si Mr. Chedriel Gracias nga, isa siya sa judges." sagot ni ate.
Mukhang ayaw ako tantanan ng accounting ha, hanggang sa pagsali ko ba naman ng pageant nagpapapansin siya. Hmff. Hindi naman siguro balak magtanong ni Mr.Gracias ng about sa accounting sa Q and A portion noh? Subukan lang niya babatuhin ko talaga siya ng calculator, char.
Nagpaalam na kami kay ate dahil papasok pa kami sa trabaho. Ang sabi namin kay manager ay male-late lang kami for 20 mins.
"Good afternoon po Manager!" bati namin kay Manager pagpasok sa loob.
"Oh andyan na kayo, hinahanap kayo ni Sir, sandali at tatawagin ko." nabanggit nga pala samin ni manager na bibisita ngayon ang anak ng may-ari nitong milk tea shop.
"Grabe ang gwapo talaga ni Manager noh?" Pabulong na sabi ni Alex sa amin.
"Lahat naman sayo guwapo." Pambabara ni Noel.
Natawa ako pero agad ding napatigil sa narinig ko.
"Sir Dwayne andito na po sila."
Fuck. Wag mong sabihing ikaw na naman.

BINABASA MO ANG
Cookies n' Cream
ContoPipay and Dwayne's friendship started with having a common preference for an ice cream flavor. Hence, just as Pipay thought their friendship would turn into a romantic relationship after that kiss, Dwayne left her. Then he came back. He came back bu...