Chapter 5

27 1 0
                                        


"Bakit naman siya gagawa ng kuwento na may amnesia siya?" tanong ni Alex nang sabihin ko sakanila ang pagdududa ko kay Dwayne.

Linggo ngayon kaya wala kaming pasok. Pumunta sila dito sa bahay dahil sasamahan nila ako mamaya magtingin ng mga murang gowns para sa darating na mutya. Ang alam ko ay next month pa ang mutya pero gusto na nilang asikasuhin agad yung mga isusuot ko para hindi na daw ako makapagback-out. Mga sigurista masyado.

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam pero we've been best friends for almost 4 years, halos kabisado ko na kapag nagsisinungaling siya kaya feeling ko talaga may something eh. Pakiramdam ko may hindi siya sinasabi."

"Nagdududa ka ba talaga o may iba kang gustong marinig na rason?"

Napahinto ako sa sinabi ni Janine. Sa totoo lang, hindi ko na rin alam. Para kasi akong nawalan ng karapatan masaktan o ni magalit sakanya dahil sa ganoon pala ang nangyari kaya siya biglang nawala. Andaya lang kasi na parang hindi ako pwedeng magdemand ng paliwanag at patawad dahil hindi niya naman ginusto maaksidente at mawalan ng ala-ala.

"Sabi mo nga magbestfriend kayo for almost 4 years, dapat mas ikaw ang nakakakilala sakanya. Tingin mo ba ganun siya kababaw na tao para magsinungaling? At kung totoo man na nagpapanggap siya, para saan naman? Hindi ba nagbabakasyon lang din siya at babalik din silang Canada." mahinahong dugtong pa ni Janine nang hindi ako makasagot sa tanong niya.

"Tingin ko mas kailangan niya ng kaibigan ngayon kaysa pagdududa. Tsaka hindi naman tayo yung babagabagin ng konsensya niya sa gabi kung sakaling nagsisinungaling man siya tulad ng iniisip mo." Pagtatapos ni Noel sa usapan.

Tanging buntong hininga nalang ang nagawa ko dahil lahat sila ay iniisip na hindi nagsisinungaling si Dwayne. Baka tama sila. Masyado lang siguro akong OA. Hindi ko lang siguro matanggap na nakalimutan niya ako.

"Eto nalang black! Mas elegant tignan sa gabi." hawak ni Alex ngayon ang isang black na gown. Maganda nga iyon dahil may mga disenyo pang kumikinang pag tinamaan ng ilaw.

"Pwede din 'tong red! Lakas maka Catriona Gray!" Sabay abot ni Janine sa akin nung red na gown.

"Maputi ka kaya bagay din sayo 'tong nude." Turo ni Noel sa katabi niyang nude na gown.

Maraming magagandang gown na pagpipilian dun sa pinuntahan namin. Nagtalo pa silang tatlo sa kung ano ang pinakabagay sa akin pero sa huli ay yung black ang napili ko. Nacontact na rin namin yung handler na sinasabi ni a.k.a Ateng munisipyo at buti nalang hindi masyadong mahal. May halos tatlo hanggang apat na linggo pa naman ako para maghanda sa mutya pero sobrang natataranta na ako lalo pa't nakakatanggap na din ako ng messages regarding sa mga instructions and reminders about sa pageant. Wandot, magbaback-out ako huhu.

Balik trabaho naman kami kinabukasan. Maaga kaming pumasok kaya nadatnan namin si Manager na nagbubukas palang ng shop.

"Manager ilang taon kana? Napangisi si manager sa tanong ni Janine.

"Clifford nalang, masyado namang formal yung manager di ako sanay." Nakangiting sagot ni Manager. "22, bakit?"

"Wala naman manager, este Clifford. Natanong ko lang hehe." Pacute na sagot ni Janine.

Tsk tsk alam ko na yang mga galawan mo na ganyan Janine, wag ako.

Halos kalahating oras na kaming bukas ngunit wala pading customer kaya napatagal ang kuwentuhan namin. Nalaman namin na pinsan pala ni Dwayne si Clifford pero sa Manila siya lumaki, sakanya sila nagpatulong sa pagmamanage nitong business nila dahil graduate siya ng kursong BSBA. Nabanggit din ni Clifford sa amin na ipon daw ni Dwayne ang puhunan nitong milk tea shop nila, bago sila umuwi ay pinaasikaso sa sakanya ang pagpapatayo nito kaya siya nandito ngayon. Ngunit dahil nga tumulong sila Tita Min ay sinasabi na ang tinuturing paring may-ari nito ay ang magulang niya at hindi siya.

Hindi kaputian si Clifford, pareho sila halos ng tangkad ni Dwayne, katangusan din ang ilong at may bilugang mata. Hindi mo mahahalata na halos tatlong taon ang tanda nito sa amin. Masasabi ko na ang pinaka-asset niya ay ang dimple niya. Nasa lahi din talaga nila ang pagiging magandang lalaki huh.

Nahinto lang ang kuwentuhan namin nang biglang dumating si Dwayne.

"Sir napapadalas dalaw mo dito ah!"

"The fuck Clifford, stop calling me Sir!"

"Init naman ng head hahaha. Akala ko ba may outing ka with your friends?"

"Kung papayagan mo yung mga kasama ko, matutuloy kami."

Nang tignan ko sila Janine ay nakangiti na ang mga ito. Mukhang alam ko na kung sino yung tinutukoy niyang mga kasama niya.

"Ha?" Naguguluhang tanong ni Clifford.

"Alex, Janine and Noel. They are coming with me, right guys?" Nilingon ni Dwayne yung tatlo.

"What? Sila yung sinasabi mong kasama mo sa outing?" Gulat na tanong ni Clifford.

"Yeah. So pwede ba sila mag-absent for three days, manager?"

"The fuck Dwayne, stop calling me manager!" Nakakalokong panggagaya ni Clifford sa reaction ni Dwayne kanina. "Eh si Penelope, bakit di siya kasama?"

"Ah eh may gaga—

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang putulin ako ni Clifford.

"Kung ganoon papayag lang ako mag-absent yung tatlo pag kasama kami ni Penelope. Andaya niyo! Hindi pwedeng kayo lang mag-enjoy!"

Anak ng pating bakit biglang nasali ako dito! Aangal pa sana ako nang dugtungan ni Clifford ang sinabi niya.

"Kaya kung ayaw ni Penelope na sumama o kung ayaw niyo kaming kasama, walang outing na magaganap."

"But Cli—

"Back to work guys! Back to work." walang nakaangal kay Clifford nang pabalikin niya kami sa kanya-kanya naming trabaho.

Parang tanga naman siya padin naman ang boss dito kaya bakit hinahayaan niyang si Clifford ang magdesisyon. Basta ayokong sumama sa kung anong outing man yan. Oo gusto ko mamasyal, pero ayoko siyang kasama. Hanggang ngayon iniisip ko padin kung paano makikitungo sakanya kaya hindi, hindi talaga ako sasama.

Nakauwi na kami galing trabaho pero itong tatlo ay hanggang ngayon andito pa din sa bahay at nagmamakaawa sa akin na sumama ako.

"Sige na Pipay! Mukhang seryoso si Clifford sa sinabi niya eh. Sayang naman yung outing huhu tsaka wala kung gastos ang problema mo wala ka ng iisipin dahil dahil libre lahat! Kailangan lang talaga ni Dwayne ng kasama, kaya sige na please huhu." Ngumunguso-nguso pang sabi ni Alex na akala mo ay makakapagpapayag sa akin.

"Bakit ba kasi si Clifford ang masusunod eh si Dwayne ang may-ari!" Pagalit na sabi ko.

"Eh paano kung gusto ka rin talagang kasama ni Dwayne?"

"At bakit naman aber?"

Natahimik silang tatlo at nagpalitan ng tingin.

"Basta sumama ka na kasi wala ng masyadong maraming tanong. Kahit para sa amin nalang Pipay pleaseee." Kumurap-kurap pa ang mata ni Janine sabay ngiti.

"Tsaka isa naman 'to sa pinunta mo dito diba? Matitiis mo ba yung ganda ng Liwliwa?"

Dito sa Zambales ay kilala ang Liwliwa bilang isang sitio na binubuo ng iba't ibang beach resort. Totoong magaganda ang beach resorts na naroon kaya naman gustong gusto ko din iyong puntahan.

Isa isa ko silang tinignan at hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa pagpapa-awang mukha na pinakita nila sa akin. Hay nako naman talaga. Parang kasalanan ko pa tuloy kung mauudlot yung pesteng outing na yan.

Cookies n' CreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon