Natawa ako hindi dahil sa tanong ni Alex kundi sa serysoso ng mukha niya.
"Ha? San naman nanggaling yang tanong mo? Tsaka bakit ang seryoso mo naman hahaha."
Ngumiti siya ng punahin ko ang pagkaseryoso ng mukha niya.
"Wala natanong ko lang, di naman kasi maitatanggi na gwapo si Clifford, matalino, responsable, mabait at madaling makagaan ng loob. Ibig kong sabihin ay hindi naman siya mahirap magustuhan."
"Sabagay tama ka. Pero hindi naman ako nagpunta dito sa Zambales para sa ganiyang bagay kaya hindi ko iniisip o nakikita ang sarili kong magugustuhan siya."
"Eh kay Dwayne? Galit ka pa din ba?"
Napabaling naman ako kay Janine sa tanong niya.
Hindi ko alam kung galit ba ang tamang salita sa nararamdaman ko ngayon o kung may akma bang salita para dito.
Anghirap kasi na parang nabigyan ako ng sagot na mas nagdulot para magkaroon ako ng maraming tanong.
Kung dati ay gusto ko lang malaman bakit siya umalis ng walang pasabi. Bakit ngayon na nalaman ko yung dahilan eh mas lalo lang akong hindi napakali?
Wala ako kailanman pinagsabihan ng tunay kong nararamdaman para kay Dwayne, natakot kasi ako na baka hindi kami pareho ng nararamdaman. Ayokong itaya ang halos apat na taon na pagka-kaibigan namin.
Pero nauna siyang tumaya, at nauna din siyang nang-iwan.
Sa huli ay ngumiti nalang ako dahil hindi ko alam ang dapat kong isagot.
Mabuti nalang at kinatok na kami ni Noel para sabihing kakain na ng lunch.
"Grabe yung coincidence noh? So you were all friends pala back in high school and right after his accident nawalan ng communication, ngayon na bumalik siya nagkataon pang naging kayo yung employees niya!" Pagbubukas ni Clifford ng usapan habang kumakain kami. "So naalala mo sila dude? That means may chance talagang bumalik na lahat ng ala-ala mo!"
"I hope so." Maikling sagot ni Dwayne.
"Di naman natin kailangan pilitin, baka makasama pa sa'yo Dwayne. Basta ang mahalaga ngayon mag-enjoy tayong lahat at masulit natin yung tatlong araw na pagstay natin dito!" Masayang ani ni Janine.
"Anong gagawin natin after lunch?" Tanong ni Noel.
"Papahinga lang muna, masyado pang mainit para maligo. Mga 1 hour rest siguro tapos maglalaro na tayo!" Sagot ni Alex.
"Ha? Maglalaro?" Nagtatakang tanong ko.
"Oo noh! Nagready kami ni Janine ng mga games! Prepared kami kaya wag kayong mag-alala, di tayo maboboring!" Tumatawang sabi ni Alex.
Kanya-kanya kaming balik sa aming kwarto matapos mananghalian. Mga 2pm magsisimula ang games na hinanda nila kaya mayroon kaming mahigit na isang oras para umidlip at magpahinga.
Nung una ay akala ko nagbibiro lang sila pero nang makita ko ang mga itlog, talong, mansanas, saging, calamansi, bola ng volleyball, dyaryo at iba pang gamit at pagkain ang nilalabas nila Janine at Alex sa kani-kanilang bag ay natawa nalang ako.
Kaya pala madami silang dalang gamit ay naghanda sila ng mga games. Sabi nila ay naisip daw kasi nila na mahaba ang tatlong araw para maligo lang sa dagat ang gawin namin.

BINABASA MO ANG
Cookies n' Cream
Short StoryPipay and Dwayne's friendship started with having a common preference for an ice cream flavor. Hence, just as Pipay thought their friendship would turn into a romantic relationship after that kiss, Dwayne left her. Then he came back. He came back bu...