Chapter 2

60 2 1
                                        


"Hanggang kelan mo balak makipagtitigan diyan sa payong?" tanong ng pinsan kong si Mark na mas lalong nagpasira ng mood ko.

"Ikaw? Hanggang kelan mo balak magpanggap na tao? Ilabas mo na buntot mo at doon ka sa puno ng saging tumambay wag dito!" sagot ko pabalik sakanya.

Siguro nga, kung nakakapagsalita lamang itong payong ay kanina niya pa ako sinabihang tumigil na sa kakatitig sakanya.

"Here, it's raining." sabay abot sa akin ng payong.

Oo! Hindi niya lang niya binayaran yung pamasahe ko, inabutan niya pa ako ng payong. Like wtf! Aalis ka tapos after three years magpapakita ka ulit saka moko tatawaging "Miss" at papahiraman ng payong na parang walang nangyare?

Kung hindi ko lang nakita at naramdaman na natural at walang halong pagpapanggap ang kilos niya ay baka sinigawan ko na siya at sinabing, "HOY DWAYNE MARCUS LAURENTE BAKA NAKAKALIMUTAN MONG UMALIS KA NG WALANG PAALAM! OO SIGE SABIHIN NA NATING BESTFRIEND MO LANG AKO! PERO AKALA KO BA WALANG IWANAN? NAGPINKY SWEAR PA TAYO GAGO! KAHIT ISANG TEXT DIMO NAGAWA?! HALOS MAMATAY NAKO KAKAISIP ANONG NANGYARE SAYO! ANG LAKAS NG LOOB MONG HALIKAN AKO NUNG GABING YUN EH BIGLA KA NAMAN PALANG MAGLALAHONG PARANG BULA! BAKIT? NAGSISI KA BA? MABAHO BA HININGA KO? DI BA AKO MAGALING? KAPAL NG MUKHA MONG MAGBIGAY MOTIBO MAY PLANO KA NAMAN PALANG IWAN AKO!

Teka hiningal ako. Oh ano? Nagulantang kayo sa halik? Ano pa kaya ako? Halikan ka ba naman ng bestfriend mong matagal mo nang lihim na gusto tapos iwanan ka kinabukasan aba talagang magugulat ka.

Halos hindi ako nakatulog kakaisip kung anong trip meron si Dwayne. Kaya naman wala pang alas sais ay gising na gising na ako. Mga bandang alas dos pa ng hapon ang balik namin sa milk tea shop para mag-observe sa aming magiging trabaho at para sa ilang reminders ni manager.

Gawa ng kabagutan ay napagpasyahan kong maglinis ng aking kwarto. Marami akong naiwang gamit dito ng lumipat kami sa Manila dala ng hindi naman ganun kalaki ang nabiling bahay ni Papa. Pagbukas ko ng aking cabinet ay tumambad sa akin ang lumang mga libro, kuwaderno, bag at mga damit ko. Paghugot ko ng isang libro ay nagsilaglagan ang iba, akma kong pupulutin ng mapansin ko ang isang sticky notes na may nakasulat na, "may utang kang ice cream sa akin".

Bigla ay naalala ko ang araw na yun, kung paano nagsimula ang pagkakaibigan namin.

*6 years ago*

"Isang cookies and cream po." mabilis at gulat akong napabaling sa kanan ko ng marinig ang katabi ko sa pila na may parehong order sa akin.

Isang payat, maputi at may katangkaran na lalaki ang marahil sa gulat ay napatingin din sa akin. Matangos ang ilong at may kasingkitan ang mata kaya ng ngumiti siya ay mas lalo pa itong nadepina. Cute, mejo cute siya.

"Ay isa nalang ang cookies and cream." naputol ang aming titigan ng magsalita ang tindera.

"Sige po sakanya nalang." pagpapaubaya niya.

"Ay hindi po sakanya nalang." nahihiyang sagot ko kahit na takam na takam nako sa ice cream. Bahagya akong nagulat nang ibalik ko ang tingin ko sakanya ay naabutan ko siyang nakangiting nakatitig sa akin, umiling pa siya ng isang beses saka nagsalita.

"Sige po akin nalang." sabay abot niya ng bayad sa tindera

Umalis ako sa pila at nagpasyang bumalik nalang sa classroom.

"Pst! Ms.Cookies and Cream!" hindi pa man ako lubos na nakakalayo ay napahinto ako ng marinig ko siyang sumigaw. Lumingon ako sakanya.

"Oh." sabay bigay sakin ng ice cream.

"Ha? Bakit binibigay mo sakin 'to?"

"Kitang kita sa mga mata mo na gustong-gusto mong kumain niyan eh." nakangiting aniya. "Kung ayaw mo okay la—

"Gusto! Salamat!" pinutol ko siya ng akma niyang babawiin yung ice cream. Sayang din eh.

Nang makita niya ang reaksiyon ko ay natawa siya. "Paborito mo rin ba? Parehas pala tayo. Ngayon lang kita pagbibigyan dahil busog na rin naman ako pero dapat sa susunod ako naman ilibre mo ha!"

"Eh?"

"Bakit akala mo libre? Asa ka naman uy!" tumatawang aniya saka naglabas ng sticky notes at ballpen.

"May utang kang ice cream sa akin." yan ang nakasulat sa sticky notes na inabot niya sakin bago tumakbo pabalik sa classroom nila.

"Hoy bruhang walang ambag sa kagwapuhan ko! Andito na sila Alex, lumabas ka na diyan!" sigaw ng pinsan kong bukas na bukas ay ipapadrug test ko.

Wew! Napa mini flashback pako dun ha! Mabilis kong niligpit ang gamit ko at lumabas na. Agad din kaming nakasakay ng tricycle at nagpabayan. Matapos ang konting paalala at pagtuturo sa kung paano ang tamang pagkuha ng orders, paano maglinis at magligpit ng tables, ang pagtitimpla ng milk tea at iba pang bagay ay pinauwi narin kami.

"Tara bbq!" yaya ni Noel.

"Sige nagce-crave din akong kwek kwek eh." sabi ni Janine

Patawid na kami ng pigilan kami ni Alex kaya napatingin ako sakanya.

"Bakit?" tanong ko.

Pero mas lalo pa akong naguluhan nang makitang namumula ito. Sinundan ko ng tingin kung nasaan ang atensyon niya at saka ko lang nalaman ang sagot. Nakita kong nasa nakaupong lalaki sa nasa bilihan ng bbq ang tingin niya. Nakilala ko agad kung sino ito.

"Pucha Alex hanggang ngayon ba? Hahaha! Magwave kana kasi tapos sabihin mo sorry napindot lang!" pang-aasar ko kay Alex na hanggang ngayon ay kinikilig pa rin sa crush niya, si Xile.

"Subukan niyong magpahalata, sasakalin ko kayo." banta ni Alex sa amin bago tumawid.

Kung ayaw niya magpahalata edi sana di nalang kami tumuloy bumili diba? Hay paghanga nga naman! Jowain mo na kasi Xile! Gaya ng bilin ni Alex ay hindi kami nagpahalata kahit na pulang pula na siya. Kaunting hagikgik ay sinasamaan niya kami ng tingin.

Hindi ko alam kung pumapanig ang tadhana ngayon kay Alex dahil hangga't sa matapos kaming magmeryenda ay hindi rin umalis sila Xile at ang mga kaibigan nito. Mauuna pa nga yata kaming uuwi.

Paalis na kami nang pare-pareho kaming natigilan at napalingon nang magsalita si Xile.

"Ate nahulog niyo po." sabay abot ni Xile ng panyo kay Alex na may kasamang pagngiti.

Ngumiti pa nga! Sigurado ka bang yung panyo lang nahulog? Puso ni Alex di mo pupulutin? Hahahaha! Kaya hindi nakakamove-on 'tong si Alex eh.

Kanya kanya kaming kagat ng dila nila Janine at Noel upang hindi matawa.

"Sa.. Salamat." medyo nauutal pang sagot ni Alex. Ito na yata ang pinakamapula at awkward na mukha niyang nakita ko sa tanang buhay ko.

Pagsakay namin sa tricycle ay halos mamatay kami kakatawa sa nangyari kanina. Si Alex ay walang ibang ginawa kundi tumili at amuyin yung panyo. Abnormal amp!

Hindi katulad kahapon ay ako ang naunang hinatid ngayon.

Pagpasok ko ng bahay ay nagulat ako nang makita kung sino ang naghihintay sa akin.

Cookies n' CreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon