Chapter 19: His Past

151 4 0
                                    

Chapter 19: His Past

"'Kina Kuya Zel lang ako." Paalam ko kay mommy isang hapon, kakauwi ko lang galing sa opisina. Nagbihis muna ako bago bumaba. Wala pa ang mga kapatid ko. Nasa kusina si mommy at nagluluto ng kung ano.

Lumingon si Mommy sakin. "Magmeryenda ka na muna. Nagluto ako ng turon."

Naupo ako sa kitchen stool at pumangalumbaba sa may counter habang nilalapag ni mommy doon ang platter ng turon. Inabutan ako ni mommy ng platito at tinidor. Tumusok ako ng isang turon at nilagay sa platito. Medyo mainit pa yun kaya gumamit ako ng tinidor para kainin yun. Binigyan ako ni mommy ng isang basong orange juice.

"Thanks 'My."

"Doon ka ba magdidinner?" Tanong ni Mommy.

"Di ko sure 'My." Sagot ko habang ngumunguya.

Pinagmamasdan ako ni mommy ng nakangiti. "For sure dun ka ipagdidinner ng mga yun. Naging malapit ka na talaga sa kanila ah." Komento ni mommy.

"Mommy naman. Mabait naman kasi sila eh."

"Wala naman akong sinabing hindi ah?" Pagmamaang maangan nito. "What im trying to say, baka gusto na din nila na maging part ka ng family nila?" Panunudyo nito.

Nag init ang pisngi ko sa sinabi nito. "Mommy talaga napaka malisyosa mo." Tanging nasabi ko.

Tumawa ito. "Eh bakit namumula ka dyan? My God Jade parang ngayon lang ulit kita nakitang magblush ng ganyan kabilis ah. Now i really do believe that love is magic." Kumindat pa ito.

Lumabi ako at uminom ng juice ng natapos ko ng kainin yung turon. Tumayo na ako. "Hay naku mommy. Alis na nga ako." Paalam ko.

Tumawa na naman ito. "Magdala ka na kaya para sa kanila? Marami naman to." Alok nito.

"Ikaw bahala 'My."

"Sige hintayin mo lang to saglit. Ilalagay ko lang sa isang sisidlan." Ani mommy at naglagay nga ng turon sa isang tupperware.

Nang matapos si mommy ay umalis na ako dala dala yun. Nagbisikleta ako para makapunta doon. Pagdating doon ay si Laurel ang sumalubong sakin.

"Ate Jade, buti nakapunta ka ngayon. Pasok ka." Binuksan nito ang gate. Pumasok ako na akay akay nalang ang bisikleta. Iniwan ko nalang yun sa labas ng pumasok na kami sa loob ng bahay.

"Bat parang tahimik?" Tanong ko pagkapasok namin.

"May meeting pa daw si Kuya Zel tapos yung dalawa ewan ko kung nasaan na. Nandito lang yun kanina eh."

Tumango ako. "Ito nga pala pinapabigay ni mommy. Turon yan. Nag gawa kasi siya."

Kinuha nito iyon. "Wow. Favorite ko to. Buti ka pa Ate Jade kasama mo palagi ang parents mo." Anito. Sa kusina na ang diretso nila.

Napatingin ako kay Laurel. Hindi naman ito mukhang bitter. Napag alaman ko kasi na nasa States ang parents ng mga ito at doon na tumitira. Ayaw lang ng dalawa doon kaya nanatili sa Pilipinas. Actually parehong parents ng magkapatid at ni parents ni Drew ang nasa States na at itong tatlo ang laging magkakasama kaya di na siguro masyadong nangungulila. Nasanay na din siguro ang mga ito.

Binuksan ni Laurel ang tupperware ng makarating kami sa kusina at kumuha ng pinggan at inilipat ang mga turon dahil mainit init pa yun. Kumuha ito ng isa at kumagat saka tumingin sakin.

"Ikaw Ate Jade? Kain?" Alok nito.

Umiling ako. "Nah. Para sa inyo na yan. Tapos na ako. Im full."

"Okay." Kumuha ito ng baso at kumuha ng juice sa ref at inilapag sa counter.

Naupo naman ako sa kitchen stool at pinagmamasdan lang si Laurel.

"Sanay na talaga kayong maging independent?" Naisipan kong itanong.

Naupo na din ito at iniabot sakin ang isang baso na may juice ng laman. Nagpasalamat ako.

"Oo. Sanay na kami. Buti na nga lang at responsableng lalaki at kapatid si Kuya Luke kasi hindi niya ako pinapabayaan at hindi din siya nagloloko." Sagot nito na kumuha ulit ng turon.

"Talaga? Kami may dalawa kaming Kuya. Mabait naman pareho pero si Kuya Topaz may konting pagkapilyo sa mga babae. Alam mo na. May pagkachickboy kaya ganun nalang ang pagiging protective nun saming mga kapatid niyang babae." Kwento ko naman.

"Iba si Kuya. Talagang di siya nagloko sa babae. Kahit fling fling o kaflirt wala akong nabalitaan. Ang alam ko nga lang na naging girlfriend niya ay si Belle eh. Kaso niloko naman siya." Pag oopen nito.

Umayos ako ng upo. That got my full attention. Magkatabi lang naman kami ni Laurel.

"Paano ba siya niloko? Did he really love that girl?" Curious kong tanong.

Lumabi ito. "Ginamit lang kasi siya ni Belle. Ayon kay Kuya, inamin daw sa kanya ni Belle na hindi naman siya ang gusto kundi si Drew. Kaya lang daw ito pumayag na makipagrelasyon kay Kuya para mapalapit kay Drew. Eh sa kasamaang palad nalaman niya yata na ako ang gusto ni Drew kaya ayun binreak niya ng agaran si Kuya. Kawawa nga si Kuya nun eh. Naglasing siya tsaka nagwala. Ilang araw nga yata siyang di nakapasok nun. Taz magmula noon ay medyo ilag na siya sa mga babae."

Medyo nagulat ako sa kinuwento ni Laurel. Talaga namang masakit yun kasi ginamit lang ito pero si Luke totoo ang nararamdaman nito. Parang kinukurot ang puso ko sa kaalamang yun. Parang gusto ko nalang na yakapin si Luke at sabihing nandito lang naman ako na nagmamahal sa kanya.

Hindi pa ako umiimik at muli na namang nagsalita si Laurel. "Pero alam mo bang nitong nakaraan ay napansin namin na tila unti unti na siyang bumabalik sa dati." Tumingin ito ng makahulugan sakin.

Ayokong mag assume dahil mahirap yun. Kuntento na ako sa kung ano ang nararamdaman ko para kay Luke. If its a one sided love, then so be it. Hindi naman porke mahal ko siya eh kailangan mahal niya din ako. Hindi naman nirerequire yun pag nagmahal. Bunos na yun pag parehas kayo ng nararamdaman. Hindi naman kasi lahat ay itinakdang mahalin ang isa't isa.

"Eh di mabuti yun para sa kanya. Kasi isang tao lang naman ang nanakit sa kanya hindi naman lahat." Komento ko nalang.

"Yan nga din ang sinasabi ko sa kanya eh. Sana makatagpo na niya ang taong magmamahal sa kanya ng totoo. Yung hindi siya sasaktan." Natawa ito ng bahagya. "Weird noh? Ang lalaki pa ang nasaktan at yung babae ang nanakit. Napakabihirang kaso." Umiling iling ito.

"Iba na talaga ang panahon ngayon. Karamihan sa mga bagay bagay napakakomplikado na. May simpleng paraan naman, pero pinapahirap kaya ang resulta may nasasaktan sa mga maling desisyon. Kaya dapat wag tayong magpapadalos dalos." Biglang nasambit ko. Bigla akong napaisip. Parang ang layo na yata sa pinag uusapan namin.

Mukhang tapos ng kumain si Laurel dahil tinatakpan na nito ang turon. Hindi na siguro nito napansin ang huling sinabi ko. Hehe.

Napalapit ako ng konti kay Laurel na parang nagsusulat. Nakiusisa ako kung ano yun.

"Ano yan?" Tanong ko.

Lumingon ito saglit at ngumiti. "Ah notes. Madalas kusina ang diretso ng dalawa eh. Mga PG kasi. Kaya ito nilagyan ko ng note na pwede nila tong kainin. Loko kasi di Drew minsan eh. Yung mga gawa ko kasi minsan na pinapalamig nilalantakan ng dalawang PG na yun eh." Natatawang sabi nito.

Natawa na din ako. "PG. Malakas ba talaga silang kumain?"

Umiling ito. "Hindi naman. Matakaw lang." Tumawa na ito.

Pagkatapos magsulat ay idinikit na sa takip ang post it note.

"Maaga pa naman Ate Jade, gusto mo bang doon na muna tayo sa kwarto magkwentuhan? O sa sala nalang?"

Tumayo ako. "Sa silid mo nalang."

Tumayo na din ito. "Sige. Tara na Ate. Mamaya, dito ka na mag dinner. Magluluto ako."

Naglalakad na kami palabas ng kusina. Wala pa din ang dalawa. Asan na kaya ang mga yun?

"Sige. Itetext ko nalang mamaya si Mommy."

Nagpatuloy kami hanggang sa pag akyat na patungo sa kwarto ni Laurel. Doon kami nagpalipas ng ilang sandali sa pagkukwentuhan ng kung ano ano nalang.

Jewel Siblings: Jade Raven: If You'll Just Realize (#3) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon