Chapter 24: Bar

164 3 0
                                    

Chapter 24: Bar





"Anyare sayo?" Tanong ni Jane sakin ng mapapitlag ako ng bigla siyang sumulpot sa harapan ko. Maaga pa kaya siguro nandito to para makipagchikahan.

Di ko namalayan na napatulala na pala ako doon sa kakaisip. I know i shouldn't bother about this but i can't keep myself from thinking about Ate Sapphire and that Tristan.

Naiinis ako kapag naiisip ko na meron pa palang isa sa mga kapatid ko ang nasaktan dahil sa pag ibig na yan. Ni hindi namin nalaman na may pinagdadaanan na pala siyang mabigat na problema sa pag ibig. Kinimkim nya lahat.

Parang gusto kong kausapin ang Tristan na yun at tanungin why did he cheated Ate Sapphire. But i have no right to ask, besides lumipas na yun, nakaraan na. Dapat pa bang balikan? May pamilya na din naman yung Tristan kahit sinabi pa ni Pearl na hiwalay na daw ito sa asawa nito. Ate should move on.

Nilingon ko si Jane na tila na aantay ng sagot ko.

Umiling ako. "Wala naman. May iniisip lang ako."

Ngumisi ito ng makahulugan. "Sino? Si Sir Luke?"

Napakunot noo ako. Ano na naman kaya pinagsasabi ng isang to?

"What about him?" Takang tanong ko.

Sinundot pa nito ang balikat ko. Nakatayo kasi ito at nakasandal sa table ko habang ako ay nakaupo at nakaharap sa kanya.

"Kunwari pa to. May pinagkakalat si Dora na may something daw sa inyo ni Sir Luke. Tsinismiss niya nga din na tinatarayan mo pa nga daw Sir Luke. Kaya ayun, inis na inis yung fansclub ni Sir sayo." Pagkukwento nito.

Napailing nalang ako. Wala naman akong mapapala kung papatulan ko ang pangchichismiss nila sakin.

"Hayaan mo na yun. Walang something samin at alam mo yun." Balewalang sinabi ko saka kinuha ang cellphone ko na nakapatong lang sa table ko.

"Huh? Anong wala? Meron kaya." Anito.

Kakaopen ko lang ng isang app, napaangat agad ang tingin ko sa kanya. I glared at her. Nag peace sign ito sakin at ngumiti. "Peace. Sige mamaya nalang ulit." Sabi nito at nagmadaling umalis.

Napailing ako. Kahit kailan talaga. Binalik ko ang tingin sa cellphone saka naglaro. Maaga pa naman.

Nabusy ako sa trabaho buong umaga. Ni hindi ko namalayan na dumating ang mga big bosses namin. Hindi ko tuloy nakita si Luke.

Nang maglunch time ay sabay kaming nagpunta ni Jane sa canteen para kumain. Gutom na gutom na ko.

Bumili kami ng lunch at ngayon papunta na kami sa isang bakanteng table ng biglang may bumunggo sakin mula sa likod dahilan kaya tumapon ang pagkain ko mula sa tray na hawak ko. Medyo nabigla ako kaya hindi ako agad nakakibo.

"Oh my gosh!" Hiyaw ni Jane.

"Oppss. Sorry. Hahara hara ka kasi. Stupid." Narinig kong may nagsalita sa likod namin. Siya siguro ang bumunggo sakin. Halata pa na sinadya nito ang pagbunggo.

At dahil gutom na nga ako, natapon pa ang pagkain ko, naiinis na nilingon ko ang babae.

"Sorry?!" Sabi ko na nagpipigil sumigaw. Hindi ko naman kasi ugali ang sumigaw.

Hindi man lang natinag ang babaeng hindi ko kilala. Humalukipkip ito at nakataas ang kilay sakin.

"Bingi ka Miss? Sorry nga ang sabi ko, gusto mong paulit ulit?" Pamimilosopo nito.

"Sinadya mo tapos magsosorry ka? Sino satin ang stupid?" Tugon ko.

Ramdam ko na pinagtitinginan na kami dito. Hindi ko alam kong anong problema ng babaeng ito sakin.

Jewel Siblings: Jade Raven: If You'll Just Realize (#3) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon