Chapter 16: May Crush Na Siya

140 4 0
                                    

Chapter: May Crush Na Siya


"Asan na yung dalawa bat ang tagal?" Reklamo ko kay Pearl ng halos tatlumpong minuto na akong naglalaro ng isang crossword app game sa cellphone ko.

Nasa loob kami ng isang cafe. I dunno but Pearl said na ang may ari ng coffee shop na yun ay related sa boyfriend nitong si Blaire. Pinsan yata nito i think, di ko masyadong matandaan kung ano ang mga sinabi niya sakin kagabi dahil as usual pre occupied ang isip ko ng tungkol kay Luke. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganun dati si Pearl.

Anyway, kaya kami nandito ng kakambal kong si Pearl ay para makipagkita sa mga kaibigan namin nung college na sina Lou at Lyon. Tumawag kasi sa facebook si Lou sakin kagabi at nagyayayang makipagmeet dahil miss niya na daw kami. Pumayag ako at sinabi yun kay Pearl at pumayag din ito. Kaya heto after work ay nagpaalam ako kay Jane na hindi na muna ako makakasabay sa kanya pauwi dahil may lakad ako. Tinukso pa ako nf bruha na baka may date daw kami ni Luke.

Napailing nalang ako dahil imposible yun. Unang una wala si Luke sa pilipinas dahil may out of the country meeting ito. Dun sa main branch ng company nila Kuya Zel. Siya ang pinadalang representative ni Kuya Zel kasama si Drew. Pangalawa, imposibleng magdate kai dahil broken hearted nga yung tao at ayaw pang pumasok sa isang relasyon na obvious dahil umiiwas itong makihalubilo sa mga babae.

Busyng busy si Pearl sa pagtetext kaya di alintana kung dadating pa ang hinihintay namin o hindi. Nag angat ito ng tingin na nakangiti pa.

"Sus, lagi namang late dumating ang mga yun. May bago ba?" Komento nito saka uminom sa frapp nito.

"Kahit kelan talaga filipino time. Kaya karamihan sa mga pinoy ang di umaasenso dahil sa ugaling ganyan. Sila ang nagyaya dapat nga mas maaga pa sila satin." Panernermon ko.

Tumaas ang kilay ni Pearl. "Bad mood ka yata teacher Jade? Dahil ba sa hindi mo nakita for today si mylabbs mo?" Panunuya nito.

Gumanti ako ng pagtaas ng kilay. "Hindi ako badmood dahil doon. Bad mood ako dahil ayoko sa late." Sabi ko at inirapan ito.

Ngumisi ito ng tila nakakaloko. "Deny pa to." Pagkatapos ay muling tinuon ang atensyon sa cellphone ng tumunog na naman yun.

Umiling nalang ako at nilapag ang cellphone sa table pagkatapos ay sumandal at humalukipkip. Tumingin ako sa labas dahil glass wall naman yun, kitang kita ang nasa labas. Pero wala sa labas ang isip ko. Nasa ibang bagay or rather, nasa ibang tao.

Napabuntong hininga ako. I really dont know how to handle this emotion. Parang alam na yata ng lahat na may nagugustuhan akong tao. Am i that transparent? Pero anyway, wala naman akong pakialam kong malamanan man ni Luke na may gusto ako sa kanya. Mabuti nga yun na maging aware siya na may nagkakagusto sa kanya. Hindi naman lahat ng babae lolokohin siya or sasaktan. I really dont know the stort behind his heart being broken. Pero isang tao lang naman yun. Hindi naman lahat ng tao parehas. Maging ang rules nga may exemption eh. Tss.

Napaigtad ako ng may humawak bigla sa balikat ko at napa angat ako ng tingin. Nakita ko ang nakabusangot na mukha ni Lou. Naupo ito sa isang upuan sa may kabilang gilid ko. Paikot kasi ang mesa doon. Naupo naman si Lyon sa natitirang bakanteng upuan. Pang apatan lang kasi yun.

"Bat ang tagal niyo? Mag iisang oras na ata ah?" Ang siyang naging bati ko sa kanila.

Sumimangot muli si Lou pero hindi sumagot. Si Lyon ay lumingon sakin matapos hindi sila pansinin ng busy pa rin sa pagtetext na si Pearl.

"Kinukulit kasi siya ni Aj doon sa pinagtatrabahuan niya. Nakita ko silang nagtatalo sa harap pa mismo ng buiding nila." Paliwanag ni Lyon na umiling pa.

Jewel Siblings: Jade Raven: If You'll Just Realize (#3) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon