Chapter 28: Game

132 2 0
                                    

Chapter 28: Game


"San ka pupunta?" Tanong ko kay Pearl.

Wala daw itong date kasama ni Blaire pero nakabihis naman ito ng pang alis.

Sunday ngayon at pasado alas tres na ng hapon. Nakatambay lang ako sa kwarto. Ni hindi ko pa nga nasusuli yung coat ni Luke. Mamaya nalang siguro.

Lumingon si Pearl sakin mula sa pagkakaharap nito sa vanity mirror.

"Pupunta si Blaire dito." Sagot nito habang nagsusuklay.

Pssh. Di daw magdadate pero pupunta naman dito. Haay naku.

Hindi nalang ako umimik. Nabobored ako.

"Pupunta din daw dito sina Lyon, Lou, Aj, Lyssa at Carl." Dagdag nito sakin.

Napakunot noo ako at napabangon mula sa pagkakahiga sa kama.

"Bakit, anong meron?" Tanong ko.

"Wala naman. Trip lang nila pumasyal."

"Ganun? Eh bat walang sinasabi sina Lyon at Lou sakin?" Sinilip ko pa ang cellphone ko, pero walang text.

Nagkibit balikat ito. "Ewan ko din. Kaninang umaga lang naman nagsabi ang mga yun eh."

"Eh teka, baka magbangayan lang yan sina Aj at Lou dito huh?" Paalala ko.

She grinned. "Masaya nga yun eh."

Napailing nalang ako at tumayo.

"What time ba sila pupunta?" Tanong ko.

Tumingin ito sa wrist watch nito. "Nakaalis na ang mga yun. Lagpas 3pm na eh. Any moment nandito na ang mga yun." Sagot nito.

"Sige. Ibabalik ko lang ang coat kina Luke taz babalik din ako agad."

Naligo lang ako saglit tsaka nagbihis. Bumaba ako dala dala yung coat ni Luke at nagpaalam kina Mommy at Daddy na aalis lang ako saglit.

Lumabas ako ng bahay at naglakad lang ako papunta kina Kuya Zel.

Habang naglalakad ay may naririnig akong tilian ng mga babae na nagmumula sa kabilang daan. Pag nagkataon, makakasalubong ko pa sa intersection. Tss. Sa tilian pa lang kasi ng mga ito ay kilala ko na ang mga yun. Grupo nina Wena. Kilala sila sa tawag na Trio Sluttish Bitches. I don't know why they are called like that. Ang sabi kasi, nilalandi daw ng mga yun ang karamihan ng gwapong binata sa lugar na to.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. At gaya ng inaasahan, nakasalubong ko nga sila. At hindi lang nakasalubong, binangga pa ako. >_<

"Ouch!" Maarteng sabi nung isa. Wow ha? Sya nambangga sya pa nasaktan? Tss.

Hindi nalang ako umimik. Yumuko ako para kunin ang nahulog na coat ng mauntog ako dahil meron ding gustong kunin yun.

"Aray!" Daing ko. Sobrang tigas naman yata nung ulo nung nakaumpugan ko. Pakiramdam ko magkakabukol yata agad.

Kasabay ng paghimas ko sa bumbunan ko at pagtayo ay ang impit na tili nung mga babaeng naunang bumangga sakin. Tss. Ano kaya meron?

"Naku sorry Miss. Does it hurt?" Tanong ng isang lalaki.

Tiningnan ko siya at sinamaan ng tingin. "May naumpog bang hindi nasaktan?" Naiinis na bwelta ko.

Nakita kong hawak na nito ang coat kaya marahas ko yung binawi sa inis ko.

"Hoy Jade! Ang sama talaga ng ugali mo!" Angil nung isang babae na di ko alam ang pangalan.

Tinaasan ko siya ng kilay. "And so?" Mataray kong utas.

Jewel Siblings: Jade Raven: If You'll Just Realize (#3) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon