Chapter 37: Everything Has Changed

189 0 0
                                    

Chapter 37: Everything Has Changed


"Hey are you alright?" Untag ni Luke sakin ng hindi na ako kumibo.

Napakurap-kurap pa ako para masigurong hindi ako namamalikmata lang.

He was really there, standing in front of me and he was still smiling at me. What the- Is this really happening?

Umayos ako bigla ng tayo at tumikhim. "Y-Yeah.." Nauutal na sagot ko.

God! Kumalma ka nga Jade, it's just Luke.

Yeah right. Siya lang naman ang taong mahal mo. Tss.

I can't believe this. Now I'm debating with myself.

Napakagat-labi ako. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Feeling ko kasi mawawala ako sa sarili ko pag tiningnan ko sya ng diretso sa mga mata.

"I-I thought ako nalang naiwan dito." Tanging nasabi ko at nagsimula ng maglakad pabalik ng cubicle ko. Nararamdaman kong sumusunod sya sakin.

"I'm actually waiting for you to go home."

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi nito.

He was waiting for me to go home? But why?

"But why?" Pagsasatinig ko sa aking katanungan.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Bakit pakiramdam ko parang napakalayo ng cubicle ko? Ang tagal ko kasing marating. At ang puso ko nakikipagkarera pa yata sa paglalakad ko. Sobrang bilis ng pagtibok. Naku naman.

"I'm wondering if someone will fetch you. Gabi na. Hindi ka dapat umuuwi ng mag isa, lalo na pag gabi." Tila concerned na sinabi nito.

At sa sinabi nito, dun ko pa lang naalala na hindi ko pala naitext si Kuya Topaz.

"Magpapasundo naman ako kay Kuya eh." Sagot ko.

Sa wakas, narating din namin ang cubicle ko. Madali kong kinuha ang bag at isinukbit sa balikat ko. Binitbit ko na rin ang mga folders at saka kinuha na rin ang bulaklak. Ang dami kong dala. Dapat pala ipinadala ko nalang kay Kuya yung cake tsaka ang bulaklak, tutal sa bahay naman iyon umuuwi ngayon.

"May I?" Sabi ni Luke at akmang kukunin ang cake at ang bulaklak. Naiilang man ay ibinigay ko yun sa kanya. Ang sabi kasi ni Drew kay Luke galing ang bulaklak.

"Anong oras ba dadating ang Kuya mo?"

"Hindi ko pa sya natetext."

Magkasabay kami sa paglalakad patungong elevator.

"Ihahatid nalang kita. We have the same place naman." Anito.

Nag angat ako ng tingin -ang tangkad naman kasi- sa kanya. "Naku wag na."

"Matatagalan pa ang Kuya mo sa pagpunta dito kung di mo pa siya natetext."

Oo nga pala. At gutom na rin ako. "Okay lang ba? Baka may iba ka pang pupuntahan."

Nakahinto na kami sa tapat ng elevator. Nilingon ko siya at nagulat pa ako ng makitang nakatingin siya sa akin. He is smiling, bakit ba palagi siyang nakangiti sakin? The last time I check hindi niya ako kinikibo. Ano bang nangyari? Nakalimutan niya na kaya ang nangyari sa amin six months ago?

"Wala naman. Ikaw lang naman ang hinihintay kong umuwi." Makahulugang sagot nito.

Bakit parang doble meaning?

Jewel Siblings: Jade Raven: If You'll Just Realize (#3) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon