Chapter 29: If Only

156 5 0
                                    

Chapter 29: If Only


It's almost six o'clock in the evening. Nandito pa din ako kina Kuya Zel. Nagyaya kasi ng dinner si Laurel samin, kasama syempre yung mga lalaki na naglaro kanina. Sina Delvin and Nate. Sila yung dalawang lalaki na ngayon ko lang nalaman ang pangalan. Magpinsan daw sila.

Tumawag ako kanina sa bahay para ipaalam na dito ako magdidinner. Medyo nagalit pa si Pearl bakit daw kailangan ko magstay dito. Hinayaan ko nalang at pag uwi nalang magpapaliwanag.

Nasa sala kaming lahat maliban kina Laurel tsaka Luke na nasa kusina.

Napalabi tuloy ako. I stayed to be with Luke, pero nasa kusina naman ito ngayon. Nu ba yan!

Tiningnan ko ang mga kasama ko. Nag uusap sina Kuya Zel at Drew dun sa kabilang sofa, habang sina Delvin at Nate ay naglalaro sa Xbox ng NFS. And yung Terrence ay nandito sa tabi ko na nanonood sa dalawa.

"Do you know it's rude to stare?" Sabi ko sa kanya sa mahinang boses ng maramdaman ko na naman ang pagtitig niya sakin.

"If that is so, why are you staring at Luke, always?" He retorted.

Nakaramdam ako ng inis sa halip na pagkapahiya. Bakit parang binabantayan niya ang kilos ko? Sino ba sya sa akala niya?

"Eh ano kung tumitig ako sa kanya?" Naiinis na bwelta ko sa kanya.

He chuckled. "Di ba sabi mo its rude?"

Inirapan ko na. "I know. Pero bakit, ano ba pakialam mo?"

Umiling iling ito. "Nah. Nothing." Nakangising sagot nito.

Napailing nalang ako. Ang weird ng taong to. Pinapanood ko nalang ang dalawang naglalaro. Hindi sila maingay maglaro, hindi tulad nila Drew at Luke.

"You like him?" Untag ng katabi ko.

Nilingon ko sya, nagtataka. "What?"

"Sabi ko, you like him?"

Napakunot noo ako. Di ko sya nagegets. "Sino?"

"Si Luke. Napansin ko lang the way you look at him. Obvious masyado." Then he grinned.

Napataas kilay na ko sa kanya kanina pa sya.

"Eh ano naman yun sayo?" Pagtataray ko.

"I just admire your guts. Nasa lahi nyo ba  ang pagiging mataray?" Natatawang tanong nito.

"What are you talking about?"

"You know, the girl on fire? Sobrang taray niya eh." Di mawala wala ang ngisi nito.

Nakakainis ah. Kanina ko pa hindi maintindihan ang taong to.

"Pwede bang klaruhin mo ang mga pinagsasasabi mo?" Naiirita kong sinabi.

He chuckled. "Yung ate mo? Kulang nalang maglagablab gaya ni Katniss, pangalan pa lang ang hot na." Natatawang sambit nito.

Weird guy. At sinong ate naman yun? Pangalan pa lang daw hot na? Hindi kaya si Ate Ruby? Sya lang naman ang may pangalan samin na malapit sa hot na sinasabi ng lalaking ito. Kasi naman, Ate's full name is Ruby Scarlet Raven. Oh diba? Red nalang ang kulang para ipangalandakan na yun ang isinisigaw ng pangalan niya?

"Si Ate Ruby ba?" Tanong ko.

Hindi ito sumagot bagkus ay ngumiti lang. Tss.

Kaysa maasar sa taong to, tumayo nalang ako at nagpasyang magtungo sa kusina para may magawa. Magulong kausap ang Terrence na to.

Jewel Siblings: Jade Raven: If You'll Just Realize (#3) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon